Chapter 17: Dinner With My Fiance

131 56 105
                                    

Harry at Multimedia

***

Andz Leufren POV

Nagising ako makalipas ang halos tatlumpong minuto akong nakahiga sa aking kama.

"Hindi pa pala ako nakapaglinis ng katawan." Nakalimutan ko na sa dami ng iniisip ko kanina.






Hay! Naalala ko na naman 'yong mga nangyari. Basag na basag pa ang puso ko sa sinabi ni Pangit kanina. Nakakapanghina! Pucha ang sakit pala no'n! Hindi ko ito inaasahan eh. Syempre ako na rin kasi 'to, ang poging poging ako at matalino pa. Kaya ang inaasahan ko talaga sa unang pagpapakita ko palang kay Pangit ay yayakapin niya ako at sasabihing Andz, I love you tapos magakaktuluyan kami.

Iyon! 'Yon 'yong alam kong mangyayari sa amin ni Pangit my labs. Iyon ang ini-imagine kong gagawin niya. Bakit naman na-busted ako? Nakakagago naman dito sa Pinas! Sumawsaw pa kasi sa eksena ang Harry na 'yon! Bwisit! Alam ko naman na may relasyon na sila two years ago pa, at ang sakit noon na malaman kong may ibang lalaki na kasama si Pangit. Nakakamatay, lalo pa malayo ako sa kanya at hindi niya alam na mahal ko siya! Kaasar! Hindi bale, babawiin ko ang dapat na akin. Hanggang hindi ka pa naikakasal, may pag-asa pa ako!

Kaya ayan nag-decide akong pumunta na sa banyo at dali-daling nag-shower tapos humiga na ako. Pucha para pa nga akong bading eh. Niyakap ko 'yong unan tapos inalala ko yung mukha ni Pangit na nakangiti kaya lang pagpikit ko nakasimangot siya.

Ay pakenenshit! Hindi pa pala niya ako nangingitian. Puro simangot lang ginagawa niya pagkaharap ako.

Ang badtrip nga, parang ako na 'yong pinaka panget na ginawan ni Lord ng mukha. Sabi naman ng mga pinsan ko at magulang ko, ang gwapo ko raw, at naniniwala naman ako. Bakit naman kaya gano'n? Tapos sobrang sweet ko na nga kay Pangit eh, ang ini-imagine ko ngang magiging reaksyon niya sa gingawa ko ay iha-hug at kiss niya ko. Kaya lang wala eh. Wala! Kaya natulog na lang ako.











Shane Loraise POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ayaw kong nakikitang ganoon si Liu kanina. Pero ano ba ang magagawa ko? Nandito si Harry at mga magulang niya. Hindi ako pwedeng sumuway muna ng wala pang sapat na dahilan.

Hindi umiimik si Harry habang naglalakad kami pero inalis ko ang kamay niya sa baywang ko. Aakbayin niya ako, aalisin ko.

"Harry, ano ba! Bitawan mo nga ako!" inis kong wika sa kanya.

"Ano bang masama? Dati ko namang ginagawa sa'yo 'to 'di ba?"

"Dati? Baka nakakalimutan mo ayaw ko ng PDA."

"Bakit? Dahil ba sa lalaking 'yon?" galit niyang tanong.

"Ano? Si Liu? Ano naman siya? Wala siyang kinalaman sa'tin!"

"Sigurado ka? Iba ang nakikita ko. May gusto siya sa'yo!" seryoso niyang sambit.

"Nagkakamali ka!" tanging nasabi ko. Ano ba ang dapat? Ano ba ang tamang isagot sa kanya? Wala akong maisip!

"Lalaki ako at alam ko ang mga titig ng lalaki sa isang babae!"

"You're hallucinating!" galit kong sabi saka inunahan siya sa paglalakad pero hinabol niya ako. Hinila niya ang kamay ko at kamuntik pa akong masunsob dahil sa ginawa niya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Kaya kong pumasok mag-isa sa loob ng sarili kong bahay!" galit kong sabi at pilit na inaalis ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Tandaan mo 'to Shane, lahat ng balakid sa landas natin. . . buburahin ko!" walang emosyon niyang tugon.

Hindi ko maintindihan pero ramdam ko ang galit sa mga titig niya at halatang seryoso siya. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya. Kilala ko siya, lahat gagawin niya masiguro lang na sa kanya lang ako.

A Love To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon