Chapter 8: Accident

284 112 111
                                    

Dedicated to PAASAmopo

••


Shane Loraise POV

Tatlong gabi na ang nakalipas mula ng mangyari ang bagay na 'yon pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya.
Galit ako sa kaniya. Galit na galit dahil hindi niya nirespeto ang desisyon ko. Pero kahit ganoon ay mahal ko pa rin siya.

"Loraise, bilisan mo na diyan!" sigaw ni Yaya mula sa labas ng aking banyo. "Mag-iisang oras ka na riyan, ano bang nangyayari sa'yo? Mala-late ka na!" dugtong niya pa.

"Opo, Yaya. Patapos na akong maligo," sagot ko.

"Sigurado ka riyan ha? Kapag hindi ka pa riyan lumabas within 10 minutes kukunin ko ang duplicate key ng banyo mo at papasukin kita riyan," banta niya.

"Yes, Ya. Lalabas na po. Wait lang," sagot ko at narinig ko ang mga yabag niya palabas ng k'warto.

Alam ko namang gusto lang ni Yaya na bilisan ko ang paliligo ko dahil kanina pa ako rito. Pakiramdam ko kasi nakadikit pa rin sa katawan ko ang masamang nangyari sa'kin noong gabing 'yon,  at kahit anong gawin kung paglilinis ng aking katawan ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Harry.

Tatlong araw ko na siyang hindi tinatawagan, hindi ko rin sinasagot ang mga text o tawag niya. Ayoko siyang makita, natatakot ako na baka gawin niya ulit sa'kin 'yon.

Tinatago ko na lang ang mga luha ko sa tubig mula sa shower. Dito malaya kong gawin ang gusto ko. Walang makakaalam na umiiyak na ako at nasasaktan. Ayokong magalit sina Dad and Mom kay Harry, kaya hanggang kaya ko itong itago ay hindi ako magsusumbong sa kanila.

Gaya ng sinabi ko kay Yaya, ay lumabas na ako ng banyo matapos ang sampung minuto suot ang aking bathrobe. Sinagad ko pa talaga 'no? Tinatamad  kasiakong pumasok mula ng mangyari 'yon. Parati pa akong inaabangan ni Harry sa labas ng campus.

"Oh mabuti at nandito ka na. Dala ko na 'yong duplicate key eh. Akala ko hindi ka pa lalabas," sabi ni Yaya na kakapasok pa lang ng aking kwarto.

"Sinabi ko naman na lalabas na ako 'di ba?" Nakangiti kong sagot kay Yaya.

"Mabuti na ang nakakasiguro, baka kung ano na ang nangyari riyan sa'yo sa loob, ako pa ang masisi ng Mommy at Daddy mo."

"Yaya naman, 20 na ako oh. Kaya ko na sarili ko."

Simula ng pagkabata ko, siya na ang Yaya ko. Kahit nasaan ako noon, kasama ko siya.

"Kahit na."

"Sige na, Ya, magbibihis na ako," sabi ko upang lumabas na siya.

Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko sa sala. Nakita ko si Harry na nakaupo sa sofa. Tumayo siya nang makita ako at naglakad papunta sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong.

"Hon, please forgive me. Nagawa ko lang naman 'yon kasi—"

"Stop!" putol ko sa sinasabi niya. "I don't want to hear your reasons. May pasok pa ako at ayaw kong ma-late."

Naglakad na ako palabas ng bahay pero hinawakan niya ang aking braso dahilan upang matigil ako sa paglalakad.

"Ano ba? Let me go!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Please, hon. I'm begging you, ayusin natin 'to. Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako napapatawad," pakiusap niya.

A Love To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon