HALOS hindi mapalagay si Eliza habang nasa daan sila ni Lexx. Kinakabahan siyang baka kung ano ang sabihin ng pamilya ng binata sa kanya. Agad naman iyon napansin ni Lexx kaya natatawa itong ginagap niya ang kamay ni Eliza at dinala niya ito sa kanyang labi.
“Calm down, baby. Promise walang mangyayari sayo doong masama. Hindi ka naman nila kakagatin.” Nakangiting ani Lexx. Bigla naman sinimangutan ito ng dalaga. “Fine. Pero kinakabahan talaga ako.” Pag-amin nito.
Ng ihinto na ni Lexx ang sasakyan sa harap ng isang malaking mansyon ay mas lalong binundol ng kaba si Eliza. Lalo pa at nakita niya ang nakahilirang mga sasakyan sa labas ng mansyon.
Agad hinawakan ni Lexx ang nanlalamig na kamay ni Eliza. Dinala muna niya ito sa kanyang labi bago niya ito inakay patungo sa malaking gate ng bahay nila.
“Magandang gabi, sir.” Bati ng security guard kay Lexx. Bahagya naman iyon tinanguan ng binata bago sila tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Hindi pa man nila nararating ang bungad ng pinto nang malaking mansyon ay rinig muna sa labas ang tawanan sa loob.
“T-titoooooo.” Patakbong sinalubong ni Sylvan si Lexx ng makita sila nito. Natigil din ang lahat ng marinig nila ang pagtili ni Sylvan. “Hey! Buddy.” Agad itong binuhat ni Lexx.
“Tito, she is beautiful. I like her.” Pabulong na ani Sylvan kay Lexx ngunit umabot parin sa pandinig ni Eliza kaya napangiti siya dito. “Hi.” Tipid ditong ani Eliza.
“Helo tita beautiful.” Pilyo nitong sagot sabay takip niya ng bibig gamit ang dalawang kamay.
“Lexx wag mong sabihing dyan na lang kayo tatayo.” Boses ng ina ni Lexx. Bigla naman kinabahan ulit si Eliza. “Hi. Mom.” Nakangiting ani Lexx sa ina.
“Magandang gabi po, ma’am.” Magalang ditong bati ni Eliza. “Come here hija.” Sagot ng ina ni Lexx sabay dipa nito ng dalawang kamay. Bigla naman nalingon ni Eliza si Lexx na agad siyang tinanguan. Kaya kinakabahan man ay lumapit si Eliza sa ina ni Lexx at yumakap dito.
“Alam mo bang parang si Yasmin ka lang din nung unang beses ko siyang mayakap.” Anang ginang na hinahaplos ang buhok ni Eliza. “I like you, hija.” Dagdag pa nito.
“Thank you po.” Ang kaba ni Eliza ay naglaho na parang bula dahil sa mainit na pagtanggap ng ina ni Lexx sa kanya. Nakita rin niya ang mga kalalakihang nagwagwapuhang nandoon. Pero para sa kanya ay si Lexx parin gwapo.
“Hi! Nagkita na tayo I’m right? I’m Yasmin by the way. Kapatid ng asawa ko si Lexx.” Pakilala sa kanya ni Yasmin. At tama ito nagkita na nga sila nito noong birthday ng anak nila Kahlan at Mark.
“Eliza.” Tipid nitong pakilala. “At nagkita na tayo noong birthday ng anak nang kaibigan kung si Kahlan.” Dagdag nito.
“Sabi ko na nga ba e.” Nakangiting ani Yasmin. At bukod sa kay Yasmin at kapatid ni Lexx na si Sefh ay nakilala din ni Eliza ang iba pang mga pinsan ng binata na nandoon. Sa lahat ng nandoon ay maliban kay Ryne at Wayne lang ang tanging kilala niya.
Naging maganda ang pagtanggap nila kay Eliza at masaya si Lexx na nakikita ang mga ngiti ni Eliza. Ramdam ng binata na kahit simpleng bagay lamang ay napapasaya na si Eliza. Kaya gusto niyang laging makita ang mga ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa tuwing nakikita niya.
Habang abalang kinakausap ng mga girls si Eliza ay pasimple namang inakay ng magpipinsan si Lexx sa likod ng mansyon. Doon gusto itong kausapin ni Wayne tungkol sa natuklasan niya.
“So, kumusta ang pagpunta niyo ng Tagaytay?” Tanong agad ng nakadikwatro ng upo na si Ryne. “Masaya.” Tipid nitong sagot at nakapaskel sa kanyang labi ang mga ngiti.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up(Completed)
RomanceGUERRERO BROTHER'S BYRONNE LEXX GUERRERO "Paano kung ang minahal mo ng lubos ay puno pala ng kasinungalingan ang lahat nito. Ano ang gagawin mo?"