Chapter 25

19.9K 585 55
                                    

SUMAPIT ang araw ng kasal nila Lexx at Eliza. Ang araw na pag-iisahin sila bilang mag-asawa sa mata ng lahat at sa Poong Lumikha. At dahil isang Guerrero si Lexx ay dinagsa ito ng mga press. Ngunit dahil sanay na silang bawat galaw nila ay meron nakakapanain ay tila baliwala na sa kanila ang presinsya ng mga ito.

“Tangina mo, bro. Para kang pusa na di mapaanak.” Ang natatawang ani Ryne kay Lexx. Ang ibang mga pinsan ni Lexx ay tahimik lang ang mga ito. Dahil alam na nila kung ano ang nararamdaman ni Lexx dahil napagdaanan na rin nila ito.

Isang nakakamatay na tingin lang ang ibinalik dito ni Lexx. Kaya mabilis namang iniangat ni Ryne ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Okay! Wala na akong sinasabi.” ani Ryne sa kanya. Ngunit nakangisi parin ito.

“Calm down bro, darating ang bride mo. Trust me.” Saad naman sa kanya ni Jack na sinang ayun din ng iba. Kaya napabuntong hininga si Lexx sabay kalma niya ng sarili.

SAMANTALA habang inaayusan si Eliza ng mga makeup artist niya ay makikita mo ang lungkot sa mukha nito. Kanina pa kasi niya hinihintay ang kapatid nito ngunit hindi pa ito dumarating.

“Wafa, kasal mo ngayon. Bakit malungkot ka?” Kunot noo ditong tanong ni Megz. “Si Clear kasi hindi pa dumarating.” Sagot nito.

“Ano ka ba, malay mo nauna na siya at doon naghihintay.” Sagot sa kanya ni Megz. Kaya napabuntong hininga naman si Eliza.

“Kailangan na natin umalis ngayon. Baka malate tayo.” Anang baklang nag-ayos kay Eliza. Kaya agad silang nagsipaghanda.

Mga ilang minuto lang naging byahe nila ng marating nila ang MAV Restaurant. Doon kasi ang napiling lugar nila Lexx at Eliza para sa garden wedding nala. Sa MAV Restaurant sila unang nagkita at doon nagsimulang magbago ang ikot nh buhay ni Lexx. Doon niya natutunan kung ano ang totoong ibig sabihin ng ‘LOVE’ sa ating buhay.

Agad bumaba sina Megz at Huor sa sinasakyan nilang sasakyan. Nakasunod naman sa kanila ang sasakyang sinakyan ng bride na si Eliza.

“Huor, Megz.” Gulat na nabungaran ng dalawa pagkababa lang nila ng sasakyan. “J-joan.” Panabay namang anang dalawa.

“Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo ditong tanong ni Huor. “Invited ang pamilya namin. Ninang at Ninong ko kasi ang parents ng groom.” Sagot nitong kinatango ng dalawa.

“Pero, ikaw wafa Megz. Kailan ka pa nagkaroon ng anak?” Curious nitong tanong ng makita niya ang karga ni Megz na bata. “Naglandi kaya nagkaroon ng anak.” Sagot ni Huor sa tanong ni Joan.

“Kaya ikaw maglandi karin, malay mo makabuo na kayo ni Jack.” Taas kilay namang ani Megz kay Huor. “Nhaaaa....gusto mong malusyang agad ako.” Nakasimangot nitong turan na kinailing ni Megz.

“Kayong dalawa mga baliw talaga. Marami kayong ikwekwento sa akin.” Nakapamaywang ani Joan sa dalawa na ngumisi lang.

“Sure, but we talk about that later. Tara muna sa loob.” Yakag ni Megz sa dalawa. At agad naman sumunod sa kanya ang mga ito.

Ng makababa sa sinasakyan niya ang bride ay agad nagsipaghanda ang lahat para sa pagsisimula ang wedding march. Agad kasing inimporma ng wedding organizer na dumating na ang bride.

Sa bungad ng MAV Restaurant ay doon naghihintay ang magulang ni Eliza. Makikita mo ang saya sa mukha ng mag-asawa para sa kanilang anak.

“Ready anak?” Tanong ng ama ni Eliza. Agad naman siyang tumango bilang sagot. Kaya agad iniumang ng ginoo ang isa niyang kamay. Agad naman kumapit doon si Eliza at agad silang naglakad patungo sa venue ng kasal.

Ng marating nila ang MAV garden ay napangiti si Eliza dahil buong paligid ay makikita mong tila nasa paraiso ka sa ganda. Iba’t ibang bulaklak ang makikita mo sa paligid at mga paro-parong nagliliparan.

I Won't Give Up(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon