NANG ng bumagsak si Eliza ay biglang nagkagulo ang mga taong naroon. Agad tumawag ang mga ito ng tulong upang madala agad sa malapit na pagamutan ang walang malay tao na dalaga.
“Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyari sa kanyang masama ay magtago kana kung saan hindi ka maaamoy ng langaw. Dahil sigurado akong ililibing nila ang ulo mo.” Nanlilisik na duro ni Lyca kay Clear na nakatulala lang.
“God. Wag niyo po siya pabayaan. Gabayan niyo po siya. Ang bait po niyang tao. Hindi po niya kasalanan kung bakit nagkaroon siya ng walang hiyang kapatid.” Mangiyak-iyak na dasal ni Lyca habang nakahawak siya sa mukha ni Eliza. Nakaunan ito sa dalawa niyang hita habang hinihintay nila ang ambulance na tinawagan ng mga taong naroon.
“Hala. Pinatay ko siya. Pinatay ko siya.” Biglang natahimik ang mga taong naroon sabay tingin nila kay Clear na pumapalakpak sabay tawa nito. “Napatay ko siya diba? Napatay ko siya. Bad kasi siya. Bad. Bad kasi e.” Tumatawa nitong aniya.
Biglang nagkatinginan ang mga taong naroon. “Hala. Nabaliw siya.” Biglang anang mga batang naroon.
“Hindi ako baliw.” Sigaw niya sa mga ito kaya natahimik ang mga ito. “Hoy! Gumising ka. Wag kang matutulog dyan.” Sabay sundot nito kay Eliza. Ng susundutin niya ito ulit ay biglang tinapok ni Lyca ang kamay ni Clear.
“Wag mo siyang hawakan kung ayaw mong putulin ko iyang kamay mo.” Galit ditong asik ni Lyca. “Hahawakan ko lang naman para magising. Hala meron dugo. Dugo.” Bigla itong nataranta ng makita niya ang dugong umaagos sa katawan ni Eliza.
“Mommy. Daddy. Hindi ko kasalan yan. Kasalanan niya. Inaway niya ako e.” Para itong batang nanghihingi ng kakampi kung umasta. “Umalis ka ngayon din sa harapan ko kung ayaw mong sipain ko ang pagmumukha mo.” Sabay duro dito ni Lyca dahil sa inis at galit na nararamdaman.
“Bakit mo ba ako inaaway?” Takang tanong ni Clear kay Lyca. “Dahil wala kang kwentang kapatid. Bweset ka. Kaya umalis ka sa harapan ko bago kita ihulog dito sa V Mall. Tangina ka.” Pasigaw ditong ani Lyca na kinatayo ni Clear. Tila bata itong natakot sa tinuran ni Lyca at napatingin din sa mga taong naroon na tila gustong-gusto rin siyang pagtulungan ng mga ito. Kaya sa takot niya ay bigla siyang umiyak at tumakbo paalis.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang ambulance na tinawagan ng mga taong naroon. Maingat na isinakay ng mga ito si Eliza sa isang stretcher at agad nilang inilabas sa V Mall.
MAGKASALUBONG ang dalawang kilay ni Lexx na napatingin sa mga nurse na nagkakagulo patungong ER. Kaya sa halip na ipagsawalang bahala ito ay agad siyang lumapit sa mga ito.
“Anong nangyari dyan?” Tanong niya sa mga ito. “Doc. Meron po siyang malaking sugat sa tiyan banda. At marami ng dugo ang nawala sa kanya.” Paliwanag ng isang nurse kay Lexx.
Kaya agad siyang lumapit sa mga ito. At ganun na lang ang pagkabigla niya ng mapagsino ang nakahigang naliligo sa dugo. Pakiramdam ni Lexx ay tinakasan siya ng dugo sa nakikita.
“Baby, Eliza.” Anito sabay hawak niya sa magkabilang mukha ni Eliza na namumutla. “All of you move-move.” Sigaw nitong kinagulat ng mga kasama niya sa loob ng ER.
“Baby, hold on.” Anito kay Eliza. Agad nilang ikinabit ang mga aparatus sa katawan ni Eliza.
“Doc. Ang heartbeat niya, bumabagal.” Imporma ng isang nurse. “Give me the ‘defibrillator’.” Utos nito at agad naman hinanda ng isang nurse ang naturang machine bago niya ito inabot kay Lexx.
Agad iyon itinapat ni Lexx sa dibdib ni Eliza ngunit sadyang mahina na ang tibok ng puso niya. “Baby, come on. Don’t do this to me. Lumaban ka.” Makaawa nito kay Eliza at muli niyang itinapat sa dibdib ng nobya ang defibrillator.“Baby, wag mo naman gawin ito sa akin. Lumaban ka naman oh! Alam mong kailangan kita at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko.” Makaawa nito kay Eliza. Ngunit tila wala na talaga itong naririnig. Dahil ang linya ng monitor system ay unti-unti ng nag-iisang linyang tuwid.
“Doc. Wala na po tayong magagawa. Bumigay na po ang patient.” Anang isang doktor na kasama ni Lexx. Hindi naman makapagsalita si Lexx. Nakatulala lang itong nakatunghay kay Eliza hanggang sa unti-unti siyang napadausdus sa kinatatayuan niya.
Biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas doon ang mga nurse at doctor na kasama ni Lexx sa loob ng operating room. Bagsak ang balikat ng mga itong papalabas ng ER.
“A-nong nangyari?” Nagtatakang tanong ng ina ni Wayne sabay tingin niya sa mukha ng ina ni Lexx na nagtataka rin. Makikita mo sa mukha nila ang maraming katanungan na naghihintay ng kasagutan.
“What happen?” Pasigaw na tanong ni Wayne sa mga ito. “I’m sorry, Sir.” Tanging sabi ng mga ito. Nagugulalang napatingin sa mga ito si Wayne. At dahil tila wala siyang makukuhang matinong kasagutan sa mga ito ay agad siyang lumapit sa pinto ng ER. Agad na pumasok sa loob ng ER si Wayne kung nasaan agad niyang nakita si Lexx. Nakayuko itong tila wala sa sarili.
Agad na napatingin si Wayne sa nakahigang si Eliza na maputla na ang mukhang tila wala ng buhay. Dahil sa nakikita ay muli nitong binalingan si Lexx na wala sa tamang hwesyo.
“Akala ko ba magaling kang doctor. Bakit hindi ka gumawa ng paraan para i-save siya. God damn it, Lexx do something.” Ani Wayne sabay yugyog niya ng balikat ni Lexx. “Gago, get up. Do something.” Sigaw niya dito ngunit umiling lang ito bilang sagot.
“Tangina mo. Akala ko ba mahal mo yan. Ganun na lang. Susuko ka na lang agad-agad. God damn it. Walang kwenta yang pagiging doctor mo kung hindi mo naman pala kayang iligtas ang buhay ng mahal mo.” Galit ditong sigaw ni Wayne.
“Doctor lamang ako Wayne. Hindi ako ang Nasa itaas.” Mahina nitong aniya kay Wayne na napailing. “Gago ka kasi. Tangina mo.” Nanggagalaiting ani Wayne sa kanya sabay lakumus nito ng kamay niya. Maya't maya ay napahilamus ito ng mukha gamit ang dalawang kamay.
“Aaaaahhhhhh!”
Dahil sa inis ni Wayne ay bigla niyang sinuntok si Lexx na agad nahimasmasan. Tila nagising naman ang diwa nitong kanina ay nasa karamilan. Magkasalubong ang dalawa nitong kilay na nakatingin sa mukha ni Wayne. Kapwa nagtatanong ang mga mata nilang magpinsan.
TBC.
☞Bitin ba kayo....hahaha!!! Sige wait niyo ang next part....19:01. At hulaan niyo ang iniisip ko. Ang makakahula ay bibigyan ko ng fansign...oh! Diba segurista din minsan si writer e. Thank you for reading and God Bless.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up(Completed)
RomanceGUERRERO BROTHER'S BYRONNE LEXX GUERRERO "Paano kung ang minahal mo ng lubos ay puno pala ng kasinungalingan ang lahat nito. Ano ang gagawin mo?"