Chapter 2

24.4K 568 25
                                    

MASAYANG mukha ni Eliza ang makikita mo habang naglalakad ito. Mula ng makatapus siya ng pag-aral niya sa college ay inumpisahan din niya ang pagpunta sa mga lugar na gusto niyang marating. Mga lugar na gustong-gusto niyang puntahan noong bata pa siya ngunit hindi niya nagawa.

"Good morning, miss Eliza." Bati sa kanya ng isa sa mga katiwala sa tinutuloyan niyang lodge house. Malayo ito sa syudad. Makikita ang naturang louge house sa gitna ng kagubatan. Tahimik ang lugar at sariwang hangin ang malalanghap mo.

"Good morning too." Balik niya dito sabay ngiti. "Do you want me to prepared your breakfast miss Eliza?" Tanong sa kanya ng kausap.

"Oh! yes if it's okay," ani Eliza. "By the way can I asked you?" Anito sa kausap.

"Sure, go ahead." Sagot naman ng kausap niya.

"Are you a pure Canadian?" Curious nitong tanong. Napangiti naman ang kausap niya.

"Oh! No, I'm a half Canadian. My Dad is a Canadian ang my Mom is a half Pilipino." Sagot sa kanya ng kausap na kinalaki ng mata ni Eliza.

"Wow! Do you understand Pilipino language?" Tanong niya dito muli.

"Oo, naman marunong akong magtagalog pero hindi ganun ka lalim." Masayang sagot sa kanya ng ginang.

"My God. Mabuti naman at meron akong makakausap na marunong magtagalog habang nandito ako. Alam niyo po, gusto ko ang lugar na ito dahil napakatahimik. Malayo sa ingay ng city." Pagkwekwento niya sa ginang.

"Buti naman at nagustuhan mo ang lugar na ito. Pero itong louge ay hinahanapan ng may ari ng bibili. Ipagbibili na ng may ari." Kwento rin sa kanya ng ginang.

"Ay! Bakit naman po?" Mabilis nitong tanong.

"Matanda na kasi ang may ari nitong lodge house. Kaya gusto na niyang ibinta at sa city na siya uuwi at malapit sa pagamutan." Kwento parin sa kanya ng kausap.

"Magkano naman po ang halaga ng lodge house na ito?" Mukhang interisado itong malaman. "Yan ang hindi ko alam hija." Sagot naman sa kanya nito. Kaya tatango-tangong namang pinakatitigan ni Eliza ang labas ng lodge house.

"Tara na po sa loob, mukhang lumalamig na masyado ang simoy ng hangin." Aya nito sa ginang. Nagpatianod naman ang ginang at agad silang pumasok sa loob ng lodge house.

Agad na ipinaghanda ng ginang si Eliza ng breakfast niya. At masaya siyang kakwentuhan ito. Hindi niya alam kung bakit feeling niya ay mapapadalas siya sa lugar. Kung ano o bakit? Yun ang hindi niya alam.

"So, may kapatid ka ba Miss Eliza?" Curious na tanong ng ginang sa kanya.

"Yes! I have, twin sister. Dalawa lang kami. After namin makagraduate ng college ay iyon mas lalo siyang naging busy sa boyfriend niya. Ako naman ay ipinasyang puntahan ang mga lugar na gusto kung puntahan noon pero ayaw akong papuntahin o dalhin nila Mommy at Daddy." Paglalahad nito.

"Bakit ayaw ka nilang papuntahin hija?" Curious paring tanong ng kausap. "I don't know, minsan kung ang twin sister ko ang may gusto ay mabilis nilang ibinibigay iyon sa kanya. Kahit for me kung gusto ng twin sister ko ay wala akong magawa. At dahil kapatid ko naman siya ay hinahayaan ko na lang. Nagpaparaya na lang po ako." Anito at mapait siyang tumawa.

"Alam niyo po ba na ang unang lugar na pinuntahan ko mag-isa noon ay Disneyland." Ani Eliza. "Birthday namin noon at sinabi ko sa parents ko na gusto kung pumunta kami sa Disneyland dahil sa birthday naman namin ng twin sister ko. Pero dahil ang gusto ng kapatid ko ay magpaparty sa bahay dahil invited daw ang mga kaibigan niya. Kaya ayun hindi kami pumunta ng Disneyland. Samantala ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi nakapunta sa birthday party namin. I'm so mad that time. Pero sinarili ko na lang po kasi kapatid ko naman iyon." Pagkwekwento nito. Pakiramdam ni Eliza ay nakahanap siya ng taong makikinig sa mga hinaing niyang kinimkim niya ng ilang taon sa dibdib niya.

I Won't Give Up(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon