Chapter 21

20.2K 588 25
                                    

LUMIPAS ang mga araw at naging buo na rin ang plano ni Lexx. Gusto na niyang pakasalan si Eliza. Dahil hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Halata na rin ang tiyan nito.

“Kuya Wayne, bakit ikaw ang sasama sa akin sa first check up ko?” Takang tanong ni Eliza kay Wayne. “Princes, kasi hindi ka masasamahan ni Lexx. Meron siyang emergency scedule na operasyon sa isa niyang pasyente ngayong araw.” Sagot nito sa kanya. Bigla naman nakaramdam ng lungkot si Eliza. Pero anong magagawa niya doktor ang nobyo niya at maraning tao ang umaasang matutulongan nitong lunasan ang iniinda nilang sakit o ano pan.

“Fine.” Anito sabay hinga ng malalim. Agad naman siyang inalalayan ni Wayne hanggang makasakay siya sa loob ng sasakyan.

Habang nasa daan sila ay tahimik lang si Eliza na nakatingin mula sa labas ng sasakyan. “Princes, are you okay?” Maya ay untag sa kanya ni Wayne. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya sabay tango nito.


Ng marating nila ang Guerrero Hospital ay agad silang pumasok dito ni Wayne. Sa lobby pa lang sila ng hospital ay may nakasalubong agad silang nag-abot ng isang tangkay ng puting  rosas kay Eliza. Napangiti naman siya dito na inabot ito.


“Anong meron kuya Wayne, bakit inaabutan nila ako ng bulaklak?” Taka nitong tanong. Dahil hindi lang isang tangkay ng rosas ang natanggap niya. Bawat malikuan kasi nila ni Wayne ay may nag-aabot sa kanya ng tangkay ng rosas.

“I don’t know.” Sagot dito ni Wayne sabay nagkibit balikat ito.


“Hindi ka ba nauuhaw Princes?” Maya ay tanong sa kanya ni Wayne. “Uhm. Medyo kuya.” Anito.

“Okay! Tara sa canteen. Ibibili kita ng maiinom mo doon.” Aya dito ni Wayne at nagpatianod naman ito.

Ng marating nila ang canteen ay kunot noo si Eliza na napatingin sa paligid kasi walang mga mesa o upoang makikita sa canteen ng Guerrero Hospital maliban sa isang upoang nandoon. Nahihiwagan man siya ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

“Hi! Miss, pwede bang maupo ka muna dito.” Saad ng isang babae na alam ni Eliza ay nurse dahil sa suot nitong damit. “H-huh! Bakit?” Taka niya ditong tanong.

“Princess, maupo ka muna. Kanina pa tayo naglalakad baka hindi maganda ang masyado kang napapagud.” Ani Wayne sa kanya.

Walang nagawa si Eliza kundi ang maupo sa nag-iisang upoang nandoon. Segundo lang ang lumipas ay bigla siyang nakarinig ng tugtug. At ang nurse na nagpaupo sa kanya ay nagkaroon na ito ng mga kasama at nakaline sila sa harapan ni Eliza.

Hindi nagtagal ay biglang pumailang-lang ang awiting nakakaindak. Ang nasa harapan ni Eliza ay nagsimula na rin ang mga itong umindak. Napangiti naman siyang nakamata sa mga ito. Ngunit ilang sandali lang ang dumaan ay biglang nanlaki ang mata ni Eliza ng makita niya ang nobyo na sumasayaw kasama ng ilang grupong naunang sumayaw.

Hindi makapaniwala si Eliza sa nakikita nito. Ang nobyo ay magaling pala itong sumayaw. Kaya hanggang natapus ang pagsasayaw ng mga ito ay kay lapad ng pagkakangiti ni Eliza.

Matapus ang pagsasayaw nila Lexx sa harapan ni Eliza ay biglang nagbago ang ilaw sa paligid nila. Naging malamlam ang kulay ng mga ilaw na nandoon.

I Won't Give Up(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon