Chapter 20

21.1K 620 26
                                    

NANG makalabas sa hospital si Eliza ay tudo bantay dito si Lexx. Kung pwede nga lang na wag na niya iwan ang nobya ay ginawa na niya. At kahit pagpunta lang ni Eliza sa loob ng banyo ay sinasamahan siya ng nobyo, kesa baka daw madulas ito. Ang daming katwiran ng binata kaya hinahayaan na lang siya ni Eliza. Alam naman niyang para din sa kanya ang ginagawa ng nobyo.

“H-hubby. Pwede mo ba akong ibili ng Dried Mango Chips.” Ani Eliza sa nobyo. Bigla kasi siya naglaway ng mangga pero ang gusto niya ay iyong dried mango. Kung meron banana chips ay meron din namang dried mango chips.

“Okay! Yun lang ba ang gusto mong ipabili baby?” Tanong dito ni Lexx. Mahirap na kasi ang pabalik-balik. Pero kahit ganun ang mangyayari ay pagtitiisan niya. Para naman sa mag-ina niya ang pagud niya.

Bahagya namang nag-isip si Eliza kung ano pa nga ba ang gusto niyang kainin. Maya't maya ay napalatak ito ng maisip niya ang gustong kainin. “At ibili mo rin ako ng puto. Yung kulay puti na binalot sa dahon ng saging.” Anito na kinangiti ni Lexx.

“Sige, baby. Dito ka lang sa kwarto. At ibibili kita ng gusto mong kainin na pagkain.” Saad nito kay Eliza sabay halik nito sa noo ng nobya. “Babalik din agad ako.” Anitong nakangiti. Agad kinuha ni Lexx ang susi ng kotse niya bago siya lumabas ng kwarto nila ni Eliza.

“Oh! Anak saan ka pupunta?” Tanong agad ng ina Lexx sa kanya ng makita siya nitong tila nagmamadali. “Ah! Mom, ibibili ko lang po si Eliza ng dried mango chips at puto.” Kakamot-kamot nitong aniya sa ina na napangiti.

“Mukha atang magmamana sayo ang magiging mga apo ko anak.” Anang ginang na kinakunot ng noo ni Lexx. “Noong ipinagbubuntis kasi kita ay ipinaglihi din kita sa dried mango chips at puto.” Paliwanag ng ginang nang makita niya ang pagkunot ng noo ni Lexx.

Dahil sa tinuran ng ina ni Lexx ay excited na talaga siyang makita ang magiging baby nila ni Eliza. Excited na siyang marinig kung paano umiyak ang anak nila, kung paano ito magsisimulang maglakad, magsalita at kung ano pa.

Matapus magpaalam ni Lexx sa magulang ay agad itong umalis at naghanap ng mabibilhan niya ng puto. Hindi rin naman siya nahirapan at agad din siyang nakabili ng gusto niyang bilhin. Pagkabili ni Lexx ng puto ay agad din siyang umalis kung saan siya bumili ng puto. Dahil kailangan naman niyang maghanap ng dried mango chips. At ng makahanap siya ng dried mango chips ay agad na bumili si Lexx. Ayaw niyang paghintayin ng ilang oras ang nobya. Kaya bawat galaw niya ay mabilis upang makabalik agad siya ng bahay dala ang pinabibili sa kanya ni Eliza.

Habang nasa daan si Lexx na nagmamaniho ay biglang tumunog ang tawagan niya. Kaya agad naman niya itong sinagot. “Hey! Bro, kumusta si Eliza?” Anang nasa kabilang linya pagkasagot niya ng tawagan.

“She's fine, bro.” Sagot nito.

“Siya nga pala bro, inireport ko na si Dr. Marasigan. Ano mang oras ngayon ay baka pinaghahanap na siya ng mga police.” Anang kausap ni Lexx. “How about Clear, bro?” Anito.

Hanggang ngayon ay naiinis parin si Lexx kay Clear dahil sa ginawa nito. Muntik ng mapahamak ang mag-ina niya dahil dito. Pasalamat ito at walang nangyaring masama kay Eliza kundi baka hinding-hindi niya ito mapapatawad hanggang siya ay nabubuhay.

Mahirap ang setwasyong kahit ikaw pa ang tinaguriang magaling na manggagamot kung wala kang magawa upang isalba ang buhay ng mahal mo. At hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ni Lexx ang napanaginipan niya. Kaya naman bago niya ipikit ang mga mata at paggising niya ay ipinagdadasal niyang hanggang panaginip na lang iyon. Dahil hindi niya kakayanin ang lahat kung mangyari iyon sa mahal niya.

“Si Clear,” dinig ni Lexx ang pagbuntong hininga ng kausap niya. “Bro, hindi lang pala gago ang Mike Marasigan na iyon. Alam mo bang meron siyang tinuturok kay Clear na drugs. Kaya nawawalan ng pakialam sa iba si Clear ultimo sa kapatid niya. Maybe masama na ang ugali ni Clear noon pero nadagdagan iyon dahil kay Mike Marasigan.” Kwento ng kausap ni Lexx.

I Won't Give Up(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon