Chapter 4

20.1K 622 24
                                    

PAGDATING ni Eliza sa kanilang bahay ay tahimik na buong kabahayan. Kaya tahimik rin siyang umakyat patungo sa kwarto niya. Agad niyang isinara ang pinto ng makapasok siya sa loob ng silid niya bago niya inilapag ang dala niyang clutch bags sa side table. Dahil bago siya umalis kanina ay naligo muna siya ay nagpasya siyang maghilamus lang ng mukha bago magbihis pantulog.

"Hays! I miss this room." Anito bago siya sumampa sa kama. "Kumusta kaya si Mrs. Smith?" Bigla nitong naitanong sa sarili. Maya't maya ay nagpasya siyang tawagan si Mrs. Smith. Hindi rin naman nagtagal ay sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello! Who is this?" Tanong agad ng nasa kabilang linya.

"Mrs. Smith, ako po ito si Eliza." Sagot nitong kinangiti ni Mrs. Smith.

"Oh! Ikaw pala yan. Kumusta ang byahe mo?" Tanong sa kanya nito.

"Okay! Lang po, kayo po dyan kumusta? Kung may kailangan kayo habang wala po ako dyan ay tawagan niyo na lang po ako sa number na 'to." Anito.

"Okay! lang naman kami dito, wag kang mag-alala." Ani Mrs. Smith. "Isave ko na lang itong number mo." Dagdag pa nito.

"Sige po," anito sabay ngiti. "Oh! Panu po I have to hung the phone, matutulog na po ako. Mag-iingat po kayo dyan. We miss you there." Saad niya dito.

Matapus ang pag-uusap nila ni Mrs. Smith ay agad niyang inilapag ang tawagan bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

SAMANTALA matapus ang walang humpay na asaran at kantyawan sa birthday party ng anak ni Mark Villagas ay agad na umuwi si Lexx. Pagdating niya sa kanyang kwarto ay agad nitong hinubad ang lahat ng suot niya at itinapon lang kung saan. Tanging boxer short lang ang itinira nito.

Agad na sumampa sa kama si Lexx at kinuha niya ang tawagan. Pinakatitigan niya ang picture ng girlfriend niyang ginawa niyang wallpaper. Ngunit habang tinititigan niya ito ay ang biglang pumasok sa isip niya ang babaeng nakita niya kanina.

Tila tumatak sa isip at diwa niya ang mukha nito. Na kung pakatitigan mo ay makikita mo sa mga mata nito ang kainosentihan. Maamo nitong mukha at mapula-pula nitong labi na tila kay sarap halikan. At dahil sa paggunita niya sa bawat ditalye ng mukha ng babaeng nakita niya kanina ay hindi niya namalayang nabubuhay na pala ang dugo niya sa katawan.

"Shet!" Mura nito. "I'm not like this before." Saad pa nito sa sarili.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Eliza. Nakasanayan na kasi niya ang maagang magising kahit puyat siya sa gabi o late na siyang natulog.

"Good morning." Bati nito sa mga kasambahay nila.

"Good morning din po, ano pong gusto niyo juice, tea or kape?" Tanong sa kanya ng mga ito. Umiling lang siyang nakangit bilang sagot bago siya lumabas ng bahay.

Paglabas niya ng bahay ay naglakad lang siya hanggang marating niya ang labasan ng subdivision nila bago siya pumara ng taxi.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver ng makasakay siya dito.

"Uhm! Sa malapit po na Starbucks manong." Sagot nito. Kaya maingat na pinausad ng taxi driver ang sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ng huminto ang sasakyan.

"Ma'am pasensya na po kayo, hindi po ako makakapasok dyan sa loob. Pero dyan po ang alam kung Starbucks." Anang taxi driver.

"Okay! lang po yun manong, ito po ang bayad ko. Keep the change." Nakangiti nitong aniya sabay abot niya ng bayad at bumaba ng taxi.

Agad siyang naglakad papasok sa tinuro sa kanya ng taxi driver kung saan daw ang starbucks. Agad din naman niya itong nakita.

Matapus niyang omorder ng kaping gusto niya ay agad siyang naupo sa bakanting mesa na pangdalawahan.

I Won't Give Up(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon