Tamarah France Eliseo Point Of View
Pagka apak na pagka apak ko sa simento dumiretso na kong papuntang comfort room,di ko na hinintay pa silang lima dahil nagpapark pa sila,di pa kase naka full stop ang sasakyan umalis na ako kaagad,di dahil sa naiihi ako pero dahil naiinis ako,naiinis ako sa mga nangyayari sa buhay ko
"Tance!"
Tawag sila ng tawag pero hindi ko sila tinitingnan,bahala kayo dyan
Mabuti nalang at kaunti na ang mga tao dito-shempre gabi na
Timing talaga dahil ako lang mag isa sa comfort room
Isang trivia pa guys,kapag naiinis ako,nagpapalit ako ng damit as in lahat lahat at wala ng problema na dahil parating may dala akong extra
Pagkatapos kong magpalit,bumalik ako sa harapan ng mirror,ilang minuto akong nakatunganga don,tumitingin lamang sa sariling repleksyon
Naalala ko nanaman si Dino
Bat ayaw mong mawala sa isipan ko?
Napasinghap ako at sinuklay ang buhok ko
Ano bang dapat kong gawin Dino?kaylangan ko pa bang mag bago para magustuhan mo ako?akala ko ba sabi mo sakin ako lang okay kana ,ako lang sapat na,wag ako magbabago dahil kung ano 'ako' yun yung minahal mo
Iniba ko ang inisip ko,di ko kayang mag emo sa comfort room,ang cheap lang kaya ng slight
Kinuha ko na ang make up na kasing kapal ng mukha ni Cheska
Hinding hindi ko rin malilimutan ang Cheskang yon,napaka takaw napaka snatcher
Kinuha ko ang hikaw ko at necklace,binalik ito sa bag ko
Naglagay ng pabangong bili ni Dino at extra virgin oil sa mukha ko para di haggard tingnan
Mahaba haba na ang buhok ko at medyo tumataba na ako,magpapagupit nalang ako mamaya sa loob
Kanina pa nag vavibrate ang phone ko,at kating kati na rin ang mga kamay kong hawakan ito
Pagktingin na pagkatingin ko sa lockscreen may nakalagay don na 35 messages from-teka!
From!
Tiningnan ko ulit baka nag mamalik mata lang ako,pero hindi,siya nga talaga
From:Dino Koo<3
France asan kana?kanina kapa namin hinahanap?nandito kami sa labas ng H&M kanina pa kami nandirito,punta kana dito please
Ito yung message niya na bago lang niya sinend
Meron pang 34 messages from him na di pa ko nababasaFrom:Dino koo<3
Hintayin mo naman ako sabay tayong pumunta sa loob asan kana ba?
From:Dino koo<3
Humiwalay ako sa kanila,hanapin kita
From:Dino koo<3
Nasan ka?naikot ko na ang buong mall sa kakahanap sayo,magpakita kana pls
At maraming marami pang iba,hindi ko nga alam kung kikiligin ba ako o maiinis
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko tapos tingin ulit sa message ni Dino
Napa isip ako
Napaka tanga ko na ba?nagpapakatanga ba talaga ako kay Dino?should I stop?tigilan ko na ba ang kahibangan ko kay Dino?
Nagmumukhang desperada naba ako?
Bakit sometimes nagpapakita si Dino sakin ng Care pero minsan lang yun dahil madalas walang imikan
BINABASA MO ANG
I WANT HIM BACK
Teen FictionPano kung gusto ko parin siya? Oo nga nasaktan ko siya Oo nga iniwan ko siya Pero pano kung gusto kong akin lang siya ulit? Pano kung kukunin ko siya pabalik? Pano kung gusto ko siyang angkinin ulit? Pano kung I WANT HIM BACK? Pwede parin ba?