IWHB:21

8 1 1
                                    

Tamarah France Eliseo Point Of View

"D-dino naman"

Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya

Bigla siyang tumawa ng sarkastiko

"See?hindi ka makasagot sakin"

Hinimas niya ang sentido nya sa pagkakadismaya

Pagkakadismaya sa akin

"Oo nga naman sino ba naman ako?"

Tumayo siya at bumaba na rin

Gusto ko siyang lapitan pero wala akong makitang karapatan ko para gawin yun

Nakatayo siya don,nakatalikod sakin,alam kong umiiyak parin siya

Ilang beses ko na ba pinapaiyak si Dino,napaka tanga ko napaka walang kwenta

"Dino"

"Lets go,iuuwi na kita"

Agad siyang umalis sa harapan ko at pumasok na sa loob,iniwan akong mag isa at nakatulala dito

Alam kong naging selfish ako at nakasakit ng tao

Kaya kaylangan ko to ayusin pero pano

Nagiging malamig na siya sakin nagiging iba na ang turing niya sakin hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari samin,pagkatapos ng araw na to di na talaga ako mag eexpect na magiging okay parin kami
Parang sa isang iglap gusto kong burahin lahat ng nangyare ngayon,gusto kong burahin ang mga pangyayare ngayon sa buhay namin ni Dino na alam kong hanggang sa matagal na panahon hinding hindi madaling makalimutan

At alam ko kung gaano ko siya nasaktan

nasasaktan din ako,nasasaktan ako dahil sinasaktan ko ang taong mahal ko

Bakit ba ang hirap hirap neto

Pwede bang kahit isang pangyayare sa buhay ko walang problema?yung tipong masaya lang chill lang,hindi yung ganito

Kasalanan mo rin naman Tance eh,napaka gaga mo rin kase napaka tanga,sobrang tanga mo

Nasasaktan ako at pati ang taong mahal ko

Hindi lang naman ako ang nasasaktan dito eh,alam ko naman yun pero hindi ko lang talaga mapigilang hindi masabing nasasaktan ako ng sobra

Kase simula non parati nalang akong nasasaktan

Ayoko paring pumasok sa loob,ang bigat sa damdamin

Kahit natagalan ako hindi nag reklamo si Dino,alam ko namang nag iisip din siya,tungkol dito,tungkol sa mga nangyari

Gusto ko ng umalis ngunit gusto ko ring kasama si Dino,nababaliw na ako,alam ko

Wala naman akong magagawa eh

Dahan dahan akong naglakad papuntang front seat

This will literally kill me

Baka magka heart attack ako sa sobrang kaba

Yung tunog ng puso ko parang naririnig ko na,kung maka kabog parang mawawasak

Pagkapasok ko sa loob,sobrang tahimik,hindi ako gumalaw hindi ako tumingin tingin kung saan saan tanging naka focus lang ang mata ko sa sapatos ko

Naging estatwa nalang ako sa upuan ko at tila bang hindi na ako makahinga,walang hangin na pumapasok

Ilang minuto na ang nagdaan wala parin kaming imikan at Hindi parin kami umaandar kanina pa kami nandito

I WANT HIM BACK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon