IWHB:2 GRADUATION DINNER

38 4 0
                                    

Tamarah France Eliseo Point Of View

Agad agad akong lumabas sa sasakyan nabangga ko pa nga si kuya Troi,yung feeling na dali dali kang lumabas sa sasakyan pero pagkababa lalakad ng parang walang nangyari

Inayos ko muna ang buhok ko at inamoy ang sarili,okay naman,ganon parin,hindi ko nga pinalitan ang mga ginagamit ko sa katawan para malaman niyang hindi ako nagbago kahit break na kami

He loves the scent of my hair,I know that,ikaw ba naman sabihan ng mabango ang buhok mo araw araw at araw araw din niyang inaamoy

Napangiti ako ng nakita kong nakangiti siya habang may nasa kamay niya ang kanyang phone at tila ba may hinihintay siya matanggap don

Kinuha ko ang phone ko at nag text sa kanya

To:Dino koo<3

San kayo dinner?:))

Hinintay ko muna ang mga kapatid ko bago nireplayan si Dino,ang gulo nila mag usap at andami pa kasing ginagawa

Pagkatingin ko kay Dino,ngumingiti nga siya ulit ,abah pangalawa nato ah? Biglang nag vibrate yung phone ko

From:Dino Koo<3

Vikings kami ngayon,kayo?san kayo dinner?

Nasa likod ko na ang mga kapatid ko at alam nilang tinataw ko si Dino mula dito at alam nilang minimessage ko siya ngayon,I dont care,they know everything but they never spit anything out kung anong meron samin sa amin lang

Hinihintay nalang nila ako ang kusang gumalaw at pumasok na sa loob,gusto ko sanang mag reply sa kanya pero mas masaya kung magpakita nalang ako,tingnan natin ang mukha niya mamaya

Dahan dahan kaming naglalakad hindi ko alam kung bakit pero medyo kinakabahan ako shet

Tumugil pa kami saglit sa labas ng main door,tahimik lang naman silang apat sa likod ko

Lumapit si kuya Terence at Ate Tanya sa babae may ini-reserve kase kaming table dito

Is it just me or the destiny?magkatabi kase ang table namin sa table nina Dino

Lumapit na ako kaagad don,nang makalapit na ako ng husto at nakita na rin ako ni Dino,tiningnan ko siya,ngingiti ka ba o kakaway?

Naghintay talaga ako sa magiging reaksyon niya,malay mo gagawin niya ang dalawa

Na depress ako ng slight pero slight lang

Ibang reaksyon kase ang binigay niya sakin,yung parang gustong ngumiti pero pinipigilan at,at the same time gustong kumaway pero hindi kaya,at dahil don tinanguan niya nalang ako

Napaisip ako,parang kanina lang mamula siya sa sobrang kilig sa messages ko sa kanya ngayon parang deadma

ganon na ba Dino?mahilig kanang maglaro?youre playing games with me?then it's okay para hindi boring,mas lalo mong ginagawa yan mas lalo kitang gustong habulin at kunin pabalik

Umupo talaga ako sa pinakamalapit na upuan sa kanya,amoy na amoy ko siya at dinig na dinig ko ang mga pinagsasalita ng kuya niya sa kanya,kunware hindi ko narinig kunware hindi ko naamoy

Habang nag oorder kami,nakita kong kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Francheska April Dy na babaeng half tao half linta.naiinis ako dahil nakakainis talaga siya

Naramdaman kong biglang tumahimik sa table namin at tila lahat ng mata ay nasa akin

"Maam?"

This time napatingin ako sa table namin

Tinitingnan din ako nina Kuya Troi,Toby,Terrence at Ate Tanya

"Huh?ano yon?"

"Maam,how about you po?ano pong order niyo?"
Tanong ng waiter na naging dahilan ng saglit kong pagwala ng Inis sa babaeng yun at pagbalik ko sa realidad

I WANT HIM BACK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon