Tamarah France Eliseo Point Of View
Kringg-
"Im up!im up!"
Agad agad akong napatayo sa kama ko
Bigla bigla ko kaseng naalala ang usapan namin ni Dino,papatayin ko na sana ang alarm clock ko kaso Nakita ko yung orasan
8:30 A.M
May isang oras pa ako
Tumakbo ako papasok ng banyo at naligo na
20 minutes lang siguro ako naligo,nagmamadali kase ako pero kapag walang lakad aabot ng isang oras at thirthy minutes akong nakababad sa loob ng banyo
Nag blower nag plansta lahat lahat na,at naglagay pako ng pang kilay,uso kase yun at gusto ko namang maimpress si Dino,dress to impress ika nga diba
Pumasok na ako sa wall in closet ni Prins,simpleng white fit turtle neck crop top,high waste black ripped jeans, black NMD at faded jean cardigan
Naka lugay ang buhok ko at sinuotan ko ng black cap,bad hair day kase ngayon eh
I looked at myself at the mirror
Nag oover dressed ba ko?
Hayaan na nga,sin Dino nama ang kasam ko mamaya kaya walang problema
Tingin tingin pa sa mirror may 20 minutes pa naman eh,hindi naman ako ma lalate,I have my own car remember?its my baby Mercedes-Benz kulay black kase personalised,birthday gift ko galing kay daddy
Marami nga kami pero ako parin yung pinaka love niya kase nga ako ang bunso
My mom's neutral,ayaw niyang may favoritism kase daw kapag may ganon baka hindi kami magkakasundo sundo
She's right pero di niya naman kaylangang bigyan ng kung ano ano ang mga ate at kuya ko
Ate Tanya is getting married at ate Tiana is in her college life at may boyfriend na yun kaya sure ako si Kuya Owen palang oks na oks na si are Tiana,siya paba?
Hahaha hay ate Tiana
Hay namimiss ko na ang pamilya ko
Gusto ko silang maka bonding ulit
Matagal tagal na kase
Recently kase puro Dino at Kalei ako
I want to see my family,I want to see mom and dad
Pero kukunin ko muna ang phone ko kay Dino,nandun kase lahat ng contacts ko pati narin yung messages at photos ko
Hindi rin naman niya mabubuksan yon dahil may password pero he can still see my notifications
Pati narin ang mga received messages
Kinuha ko na ang susi ko at nag drive papuntang slush mall
Agad akong nakakita ng parking lot
8:55 palang nandito nako
Nangpumasok ako sa mall parang na amaze ako,matalag tagal nakong naka punta dito at nakakapag shopping
Umikot ikot pa ako sa loob para akong tanga pero wala akong paki alam kase hindi naman ako nila kilala,kaya no harm
Nasan nga ba yung starbucks?
Ay ayun!
Tiningnan ko kaagad ang relo ko
8:58
May dalawang minuto pa,hindi pa ako late
Agad akong pumasok sa loob ng starbucks
Nakita ko na si Dino
Nakaupo sa pinakalayong table,nagmumukmuk at naglalaro ng injustice sa phone niya
Kahit kelan talaga si Dino napaka adik sa mga games,he's like 18 pero heto siya at naglalaro
Naglalakad na ako papalapit sakanya at nakikita ko rin na mayat maya ang tingin niya sa relo niya
Nangmakalapit na ako sa pwesto niya di muna ako nagpakita,nakatalikod kase siya kaharap niya yung wall
"Aish nasan naba ang babaeng yun kahit kelan talaga, parati nalang late-"
"Hindi po ako late"
"Waah!"
Nagulat siya kaya tumawa ako hahaha
Bigla kase siyang sumigaw at napatalon sa kanyang inuupuan XD
Pinagtitingnan siya ng mga ibang costumers sa loob
"Goddamn it Tance!why did you do that!?umupo kana dito"
Tatawa tawa pa akong umupo sa upuan na kaharap niya
Tiningnan niya lang ako ng masama
Hindi siya umimik ng ilang minuto kaya napag tripan kong tingnan ang damit niyang suot
Maroon v neck sweater,fit black knee ripped jeans at white addidas superstar may cap din siya army green lamang ang kulay
Pormang porma ah XD
"Done checking me out?tssss"
Bakit na ang sungit sungit ng lalaking eto?
At oo i checked you out masama na bang mang usisa ng damit?di naman kita binibigyan ng masasamang comments ah
"Bakit masama ba?"
Hindi niya ako sinagot ulit,ano ba talagang problema ng lalaking to
Akala ko mag uusap kami pero heto lang naman ako heto lang namin kami nakatunganga
Nakita kong may bitbit siyang itim ba black at mukhang maraming laman
Tatanungin ko na sana siya kaso mukhang hindi niya rin naman ako sasagutin baka nga hindi niya pa ako mabigyan ng atensyon
Umupo nalang ako dun ng walang ka pose pose bahala na bad trip nako eh
"Galit ka parin ba"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun at hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun basta bigla bigla nalang lumabas sa bibig ko habang tinititigan ko siya
Napatingin siya sakin
Inilapag niya ang phone niya sa lamesa
"Sinong hindi magagalit sayo?iniwan mo ko nung araw na yun,Tance bakit mo ako iniwan sa sasakyan,pag ka gising ko wala kana sa tabi ko,at nung pumunta ako sa bahay ni Prins may kasama kang ibang lalake!sinong hindi magagalit sayo!?"
Nabigla ako sa pag biglang taas ng kanyang boses,ngayon ko lamang nakita si Dino na sobrang galit na galit,mas galit pa siya ngayon kesa nung araw na pumunta siya sa bahay ni Prins
Wala na siyang pake alam kung may nakarinig ng pinagsigawan niya o may mga matang nagmamasid sa aming dalawa
Nakatingin lamang siya sakin ng malalim, ng masama
Hindi ko magawang makapagsalita dahil baka ano pa ang lumabas sa bibig ko,hindi ko alam kung pano paamuhin ang ganitong Dino
Alam ko nama na dapat hindi ko siya iniwan nung araw na yun,kaso hindi ko magawang hindi isipin na nakagawa kami ng masama,we just did the wrong thing that time
At sa sobrang gulo at hirap ng sitwasyon ngayon hindi na ako makapag isip ng matino
Hindi ko na alam ang gagawin
Para na kong mababaliw
Hindi ako nakapag salita
Nanatiling naka tingin lamang ako kay dino nanalig na sana kahit sa kahit na anong paraan maiintindihan niya ako
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko
Hindi ako makatingin sakanya ng diretso
"Sana bago mong sabihin na mahal mo ako ipakita mo muna,para walang duda"
Inilapag niya sa lamesa ang phone ko at iniwan akong nakatulala
Tiningnan ko lamang siya habang papaalis hanggang hindi na makita ng mata ko kung saan siya pumunta
BINABASA MO ANG
I WANT HIM BACK
Teen FictionPano kung gusto ko parin siya? Oo nga nasaktan ko siya Oo nga iniwan ko siya Pero pano kung gusto kong akin lang siya ulit? Pano kung kukunin ko siya pabalik? Pano kung gusto ko siyang angkinin ulit? Pano kung I WANT HIM BACK? Pwede parin ba?