Tamarah France Eliseo Point Of View
Sobrang hangin
Ansarap dito
Pero mas masarap pumunta dito kapag kasama mo yung mahal mo
"Alam mo Tance nakakatakot ka"
Bigla niyang sinambit
Tumingin ako sa kanya
"Bat nakakatakot?okay kalang ba?"
Tinawanan niya lang ako at hindi na ako sinagot
Nanatili kaming tahimik pero komportable
Ganitong ganito talaga ang nararamdaman ko kay Dino mula noon
yung kahit wala kayong imikan basta alam mo lang na nandyan lang siya sa tabi mo,okay ka na kase feeling mo safe ka feeling mo okay na okay kana,dahil alam mong kuntento na kayo sa isat isa
Nakaka miss yung noon
Sobra sobra
Nakatingin lamang siya sa mga ulap samantalang ako tulala sa gilid niya
Akala ko tuluyang tatahimik si Dino pero bigla siyang umupo at lumayo sakin ng bahagya
Ano bang iniisip ng lalaking to
"The reason why kung bakit hindi ko magawang maiwanan si Cheska"
Napatingin na talaga ako sa gawi niya,bigla bigla nalang siyang umarte ng ganyan tapos maya maya sasabihin niya yung pangalan ng babaeng yun
Nakaka init ng ulo
So all this time na magkatabi kami si Cheska pala ang iniisip niya,sabi niya kanina its about us,wag nga Dino may pa about us about us kapang nalalaman
Mas lumayo ako sa kanya dahil sa sinabi niya,sa dami dami na pwedeng maging topic namin yun pa talaga
Kung kanina na bawasan na ng konti ang hinanakit ko at panggigigil ko kay Cheska dahil na napatikim ko na ngayon naman mas lalo lang dumami,bumalik lahat w
Nakakainis na talaga to,nakakainis na ang sitwasyon namin
Alam kong pa iba iba ang mood ko,sino ba namag Hindi diba,nakakabaliw,at mababaliw na talaga ako
"So siya pal ang iniisip mo habang kasama mo ako"
Hindi ko siya tiningnan kase baka bawiin ko lahat
Alam ko rin namang hindi siya nakatingin sakin
Ilang minuto kaming ulit na walang imikan pero ngayon meron ng tensyon hindi na kagaya kanina na komportable at lahat
Nandun siya sa likod ko,malayo
Parang gusto kong maiyak
Pano kung ang dahilan kung bakit biglang nalungkot siya ngayon dahil sa ginawa ko kanina kay Cheksa
Ayoko kong isipin yon
Ayoko ayoko ayoko talaga
Pero hindi ko talaga maisip kung bakit siya malungkot
Ayaw ba nya akong kasama?
Eh kung bakit ayaw nya akong makasama may pa stay with me pa syang alam ano akala niya siya si Sam Smith?duh Dino
Nakakainis parang gusto ko ng umiyak
At tingnan mo nga naman
Sumasabay pa talaga sakin ang panahon
Bigla nalang pumapatak ang luha ng langit
Naiintindihan ba ako ng panahon?buti pa ang panahon naiintindihan ako samantalang,ewan ko nalang
BINABASA MO ANG
I WANT HIM BACK
Teen FictionPano kung gusto ko parin siya? Oo nga nasaktan ko siya Oo nga iniwan ko siya Pero pano kung gusto kong akin lang siya ulit? Pano kung kukunin ko siya pabalik? Pano kung gusto ko siyang angkinin ulit? Pano kung I WANT HIM BACK? Pwede parin ba?