Tamarah France Eliseo Point Of View
Ano bang gagawin ko?shet bat ba kase ganon yung sinend mo ha,ayan tuloy wala akong maisip na matinong reply sayo eeehhhh Dino naman hihi
Feel ko namumula ang pisngi ko lahat na yata ng dugo ko umakyat dahil sa message niya
Hindi na talaga ako nag reply sa kanya,ano naman kase ang sasabihin ko?wala.kaya naghintay nalang ako na makapunta kami ng mall.eto naman kasi si ate ang bagal mag drive
Nanahimik nalang ako sa tabi baka ano pa ang ma send ko sa kanya
Palihim ko siyang tinititigan,di naman siya makatingin sakin,ganon naba ako ka pangit?
Tinitigan ko siya ng husto,bigla ko nalang naalala ang lahat
Kung pano niya ako niligawan pano ko siya binasted ng paulit ulit pero di siya tumitigil pano niya ako kulitin kapag nagsusungit ako at binibilhan niya ako ng ice cream pano siya kasaya nung finally sinagot ko na siya at pano siya sobrang nasaktan ng bigla ko siyang binitawan
Ngayon,mas nakikita ko ang halaga niya at na realize ko na malaking parte ng buhay ko ay siya parang walang ako kapag walang siya?
Hahabulin ko talaga siya ,I want another time another change to make it right to make it better and to make it work and I swear kapag nangyari yun I would love him eternally mamahalin ko siya ng husto I will give him the love that he deserve,bigyan niya lang ako ng chance
Pero pano ngayon?may girlfriend siya,fake man o hindi Ang hirap ng may kahati ang hirap maka make move,ang hirap talaga kung may naghaharang. kapag may babakod.nakakainis.nakakairita.
Tumitig pa ako ng timitig.shet hindi nakakasawa ang mukha niya,halos maglaway na nga ako dito
Walang nagbago sakanya
Ganon parin ang buhok niya messy parin
Yung maliit niyang lips,ang unang labi na nahalikan ko
And his Jaw line ang pinakabinabaliwan ko sa kanya
Kahit konte di siya nagbago
Siya parin ang Dino na nakilala at minahal ko
Napaayos ako ng upo ng wala sa oras,tingin don Tance,don lang wag kay Dino
Biglang kumabog ang dibdib ko,parang kabayo na nagkakarera,mabilisan ng takbo
Patay na.nahuli niya yata ako
Wag kang titingin don ulit Tance,pigilan mo sarili mo,ayoko ng mahuli
Mas nakakatense to ah,kaming dalawa lang ang walang imik,samantalang ang mga kapatid ko daldalan ng daldalan,can somebody help me?bawas bawasan niyo naman ang akwardness oh,maawa naman kayo sakin pls
Hindi ako mapakali dito,kaylangan ko siyang I destruct para kahit papano makalimutan niya ang nangyari kanina
"Ah-umm D-Dino"
Nanginginig ang boses ko,parang di ko yata kaya toh
Umupo ako ng tuwid at inayos pa ang buhok ko,tumikhim pa ako bago ulit magsalita
Nilakas lakasan ko ng kaunti ang boses ko
"D-Dino-"
Hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko alam ko ng hindi na ito matutuloy
Ang kaninang mabilis na pagpapatakbo ni ate Tanya sa sasakyan ay biglang humina
"Ba-di-at-bakit kayo tumigil?"
Wala ng umimik
Pati si Dino naptigil sa mga ginagawa niya sa phone niya
Jeske lerd sagipin moko sa kahihiyan na ito
Pano ko ba to malulusutan
Nubanaman kung kelan ko na sinabi ng pangalan ni Dino sabay sabay silang apat na tumahimik at tiningnan nila ako shocks pati na si Dino
Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko pero pinagpatuloy ko parin kahit papano
"Sa-sasabihin ko lang sa-sana-"
Palinga linga ako sa kanilang apat na sana ay kay Dino lang ako nakatingin
Binibigyan ko silang apat ng wagnyongaakongtingnanngganyannakakairitakayoha look pero kahit anong gawin ko...
Nakatingin parin sila sa akin
hinihintay ang susunod kong sasabihin kay Dino
Alam ko na kung ano ang iniisip nila ngayon
Bakit kay Dino na ex k, kay Dino na naka move on na sa akin,kay Dino na may bago ng girlfriend at kay Dino na wala na yatang pag asang ibibigay sakin
Oo yan lahat ang nasa isip nila,bakit ko kakausapin si Dino?kilalang kilala ko na sila,yan talaga ang sasabihin nilang apat
Kakausapin ko silang apat mamaya,at mamaya na ako kakausap kay Dino nawalan na ako gana
Babawiin ko nalang ang sinabi ko
Tiningnan ko naman si Dino at hindi pinansin ng apat
"Auhm-wala sabi ko-ah ano nga yon?nakalimutan ko,haha sige"
Pakshet talaga kayong apat
Umupo na ulit ako ng maayos at alam kong nakabusangot ako ngayon
Di pa ako tapos sa pagpapatay sa mga kapatid ko- shempre sa utak lang -ay biglang nag vibrate ang phone ko
Oh shocks,pls wag, pls hindi si Dino,sana hindi si Dino
Tiningnan ko ang phone ko
Mabuti lang talaga wooh
Buti nalang talaga
At hindi si Dino
Binuksan ko ang phone ko para tingnan ang mga natanggap kong mga messages
From:TanyaTris
Ano yon Tance?bat mo ginawa yun?alam mo namang ikaw ang masasaktan sa huli kapag umasa kapa sakanya
Hindi ko pa nabasa ang iba may natanggap nanaman akong message
From:Tobybansot
Tance naman pinagsabihan na kita alam kong nag message na sayo si Ate Tanya sana kase hindi mo nalang ginawa yun
Napailing nalang ako,ilang ulit ko bang sasabihin at iiexplaine s kanila na gusto kong bawiin si Dino na gusto kong sa akin Ulit siya
May natanggap nanaman akong message
From:TerrenceShaw
Nevermind Toby and Tanya over lang ang dalawang yan,sa text message mo nalang kausapin si DinoXD
Napangiti ako ng bahagya,kahit kelan talaga,kakampi ko si Kuya Terrence,gusto ko sanang sakalin si Kuya Troi na malapit lang sakin nung nabasa ko ang message na natanggap ko galing sa kanya,napakawalang kwenta
From:walaakongpakealamkayTROI
Wala lang Tance,nag message lang ako para di OP
Pinatay ko ang phone ko at tinago sa aking bulsa
Kahit ganon si kuya Troi alam kong kampi siya kina Ate tanya
"Haist"
Wala na akong pakialam pa kung katabi ko si Dino ngayon dahil umupo ako ng walang pakialam at parang siga lang sa kanto
Sinalampak ko nalang ang earphones ko para makinig ng music pero puro message tones lang ang naririnig ko kaya kinuha ko na rin
Nagpasalamat nga ako at dahil hindi si Dino ang nag text pero hindi ko akalaing ganon ang kapalit
Wala akong magawa,edi tumahimik nalang ako sa tabi
Nag vibrate nanaman ang phone ko,hindi ko na tiningnan,dahil panigurado isa nanaman sa kanilang apat ang nag text.nakakairita
Si Dino naman walang imik.nakakabagot.
BINABASA MO ANG
I WANT HIM BACK
Fiksi RemajaPano kung gusto ko parin siya? Oo nga nasaktan ko siya Oo nga iniwan ko siya Pero pano kung gusto kong akin lang siya ulit? Pano kung kukunin ko siya pabalik? Pano kung gusto ko siyang angkinin ulit? Pano kung I WANT HIM BACK? Pwede parin ba?