Chapter 17

65 4 0
                                    

The Chaotic Squad

AFTER A MONTH

Nasa loob ng cafeteria sina Marvie, Kevin at Annalise. Sabay-sabay silang nag-lunch dahil sakto ang pagtatapos ng class schedule nila ngayong araw. ‘Tapos na silang kumain at tumambay muna sandali sa loob ng cafeteria.

Nakakunot noo si Marvie na nakatingin kay Kevin. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa cellphone nito.

“Hindi ako makapaniwala. May picture na talaga tayo, ang cute pa kasi ngumiti ka rito, oh,” natutuwang sabi ni Kevin habang nakatingin sa cellphone nito.

Napairap si Marvie at napailing na lang. Kahit naiinis siya kay Kevin dahil ilang beses nitong tinitingnan ang picture nilang dalawa, wala naman siyang magawa kung natutuwa ito dahil doon. Siya rin naman, natuwa siyang nagawa niya ‘yon makalipas ang tatlong taon, pero naiinis siya ngayon dahil paulit-ulit na si Kevin. Lumipas na ang isang buwan at kada may pagkakataon ito tingnan, gagawin nito.

Annalise chuckles, “Kevs, naiinis na sa’yo si Marvs. Can you please stop repeating yourself? Ilang beses mo na ‘yang sinabi ngayong araw. Hindi pa kasama iyong mga nakaraang araw,” pagsuway ng dalaga.

“Look, Annalise...”

Nilapit ni Kevin kay Annalise ang cellphone nito.

“Parang hindi totoo ‘di ba?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kevin.

Natawa na naman si Annalise. “Totoong totoo ‘yan, Kevin. Ano ka ba.”

Huminga nang malalim si Marvie at sumali na sa usapan nang dalawa. Hinayaan niyang pigilan ito ni Annalise, pero ayaw magpapigil ni Kevin.

“Move on, Kevin. Paulit-ulit na lang at naiinis na ‘ko,” walang gana na sabi ni Marvie.

Huminga nang malalim si Kevin. “Sige na nga, Abby. I’ll try my best.”

Nakahinga naman ng maluwag si Marvie at matatahimik na ito. “Mabuti naman.”

“Yow, guys!”

Sabay silang tatlo napatingin sa taong dumating. Ngiting-ngiti na binati ni Kris ang tatlong magkakaibigan, na ngayon ay kaibigan na rin niya, sina Kevin at Annalise. Simula nang magkaayos si Marvie at ang pinsan niyang si Kris, kapag may free time rin ito ay sumasama na rin ito sa kanilang tatlo.

“Hi, Kris!”

“Wazzup, bro!”

“Hey.”

Sabay sabay na bati nina Marvie, Kevin at Annalise. Umupo si Kris sa tabi ni Kevin.

Nagsalita ito, “Anong mayro’n? Kanina pa kayo nandito?”

“Wala naman. Yep, tumambay muna kami sandali,” mahinhin na sabi ni Annalise.

“Uy, Kris!” sabi ni Kevin sabay tapik sa braso ni Kris na katabi nito.

“Bakit, Kevin?”

“Nakita mo na ba ‘yong picture namin ni Marvie? Hindi ka maniniwala! Tingnan mo!”

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon