Chapter 40

48 2 0
                                    

You Have My Heart Since Day 1

Sa lumipas na mga araw, ganoon pa rin ang routine ni Kevin. Focus lang siya sa mga bagay na dapat niyang gawin. Nagbibigay pa rin siya kay Annalise ng mga lugar na maaring puntahan ni Marvie kasama ang pinsan nitong si Kris. That’s the least thing he can do to prove his words when he started courting Marvie. Hindi naman niya ito puwedeng kulitin nang kulitin na kausapin siya at magbigay ng kung ano-ano. Nirerespeto niya ang space at privacy na hiningi ni Marvie sa kaniya.

Sinara ni Kevin ang libro na binabasa niya nang hindi na ma-digest ng utak niya ang mga salitang binabasa niya. Nasa may soccer field siya at nakaupo siya sa bench na nasa ilalim ng acacia tree. Nasa loob siya ng campus dahil katatapos lang nang kuhaan nila ng toga. Ayaw pa niyang umuwi sa dorm niya kaya tumambay na lang muna siya rito. Nakatingin lang siya sa kawalan pagkatapos ay ipinikit ni Kevin ang mga mata niya dahil tumama ang mahinang simoy ng hangin sa balat niya.

“‘Yo, Kevin!”

Idinilat ni Kevin ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya si Kris, umupo ito sa tabi niya.

“Presko naman ng hangin dito!” masayang sabi ng kaibigan.

Nagtataka naman na nakatingin si Kevin sa kaniyang katabi. “Ang saya mo yata? May maganda ba na nangyari sa’yo? Saka bakit ka nandito? Bakasyon niyo na kaya.”

Nilingon siya ni Kris at nakangiti ito sa kaniya. “Nandito ako dahil pinuntahan kita. May maganda akong balita para sa’yo!”

“Anong balita naman ‘yan?”

“Pupunta si Marvie sa graduation mo.”

Kumunot ang noo ni Kevin at parang nag-loading ang utak niya. “Hindi ko alam, saka bakit ako tinatanong mo?”

Nawala ang ngiti ni Kris at nahilamos nito ang palad sa sariling mukha. “Hindi naman ako nagtatanong. Sentence ‘yon, Kevin. Sinabi ko na makakapunta si Marvie sa graduation mo.”

“Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi pa naman kami okay,” malungkot na sabi niya kasabay nang pagkirot sa dibdib niya. Sa tuwing mapapamukha kay Kevin ang realidad, nalulungkot siya at nasasaktan pa rin na hindi sila okay ni Marvie.

“Kakausapin ka na raw niya bukas!” excited na sabi ni Kris.

Lumingon si Kevin sa katabi at nanlaki ang mga mata niya. “Weh? Totoo? Baka niloloko mo lang ako, brad!”

“Tangi ka, brad! Totoo nga. Na-kuwento niya lang sa’kin kagabi kaya chinismis ko na sa’yo kaagad para makapag-ready ka! Bukas daw magtetext siya sa’yo at aayain ka na niyang magkita kayo,” ngiting ngiti na sabi ni Kris.

Sumilay din ang ngiti sa labi ni Kevin nang malaman iyon. “Talaga? Masaya ako ngayon, Kris. Baka naman hindi ‘yan totoo.”

“Totoo talaga, brad. Promise! Basta mamayang gabi, maghanda ka na,” sabi ni Kris at itinaas-baba nito ang kilay.

Hindi naman maalis sa labi ni Kevin ang malawak niyang ngiti. Sa wakas, makakapag-usap na rin sila ni Marvie at ang saya saya niya.

******

Pinagsiklop ni Marvie ang mga kamay dahil sa kaba na nararamdaman niya. Kagaya nang sinabi niya na kapag okay na siya, siya na mismo ang lalapit kay Kevin para makipag-ayos. Nakatulong din sa pagdedesisyon niya iyong scrapbook na ginawa ni Kevin para sa kaniya na si Diego ang nag-abot. Matagal na niya iyong nakuha, pero noong isang gabi lang niya ‘yon tiningnan. Dahil do’n mas naging buo ang loob niyang harapin si Kevin.

Kaya kaninang umaga, nag-text na siya kay Kevin at sinabi niyang magkita sila ng lunch time sa isang restaurant na malapit lang sa mall.

Kakarating pa lang ni Marvie sa restaurant at kakaupo pa lang niya sa pangdalawahan na mesa habang hinihintay si Kevin. May sampung minuto pa siya para maghanda bago ito dumating sa oras na napag-usapan nila. Nakatingin lang si Marvie sa mga kamay niya habang kino-kondisyon ang kaniyang sarili para handa siya na makita at makausap si Kevin.

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon