Chapter 27

57 5 0
                                    

I Guess, I’m Hurt

Kinaumagahan, maagang nagising si Marvie kaya naman naglibot siya sa malaking bahay nina Kevin. Hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa laki nito. It’s almost look like a mansion.

Hindi niya inaasahan na mayaman pala ang pamilya nina Kevin. Kung ikukumpara ni Marvie ang bahay nila na tinutuluyan ng binata, maliit pa ito kumpara sa bahay na kinagisnan nito.

She can’t imagine the fact that Kevin manage to live in their house. Aminado naman si Marvie na maayos at maganda ang bahay nila, simple lang naman ito, pero hindi niya akalain na kakayanin ni Kevin doon tumira kung ganito pala kakomportable ang buhay nito.

Sa isipin na iyon, na-realize din ni Marvie na hindi gano’ng tao ang binata. Mukhang sanay naman ito sa simpleng pamumuhay.

Sa nalaman niya kay Kevin, mas bumilib siya rito. Kung paano ito makisalamuha sa mga tao ay pantay pantay lang ang pagtingin nito. Nakikita ni Marvie na walang mataas o mababa rito.

Natutuwa siyang lumaki man sa ginhawa at yaman ang binata, pero isa naman ito sa pinaka-simple at masayahin na taong nakilala niya.

Hindi naman niya maitatanggi na bukod sa maganda nitong mukha, mabuti at maganda rin ang personalidad ni Kevin. Kaya nga mahal ito ng mga tao na nakapaligid dito.

In love ka na? she thought to herself. Inalis ni Marvie iyon sa isip niya. Ayaw niya munang isipin ang mga bagong nararamdaman niya kay Kevin.

Nagtungo si Marvie sa dining room at nakita ro’n ang tatlong tao na nakaupo. Ang ama ni Kevin na si Ramon, si Kris at Annalise. Inayos niya ang kaniyang buhok at sarili. Lalapit na sana siya sa mga ito nang marinig niyang tinawag siya ni Kevin.

“Abby!”

Nilingon niya ito at sumalubong sa kaniya ang matamis nitong ngiti. Nang makalapit ito sa kaniya, binati siya nito.

“Good morning. Kanina ka pa gising?”

Umiling si Marvie at sumagot, “Kagigising ko lang.”

“Buti naman. Tara! Kain na tayo, gutom na ‘ko, eh.”

Naglakad si Kevin palapit sa dining table kaya naman sumunod si Marvie.

“Good morning, ‘Pa!” bati ni Kevin sa ama nito. Binati rin nito sina Kris at Annalise.

Lumingon si Ramon sa gawi nila kasabay niyon ay natuon din sa kanila ang atensyon nina Kris at Annalise.

Sunod naman na bumati si Marvie. “Good morning po, Tito Ramon,” pagkatapos ay binati rin niya ang pinsan niya at si Annalise.

May ngiti sa labi at nakatuon lang sa kanila ang atensyon ni Ramon, “Good morning, anak and Marvie. Halina kayo, kain na.”

Sinaluhan nina Marvie at Kevin, sina Ramon, si Kris at Annalise sa mesa. Magkatabing nakaupo sa kanang bahagi sina Marvie at Kevin.

Nang kumpleto na sila sa dining table, nagsimula na silang kumain.

“Kumusta naman ang unang gabi ninyo rito sa bahay? Ayos naman?” tanong ni Ramon sa mga bata.

“Okay lang naman po, Tito Ramon.”

“I’m good, Tito.”

“Ayos naman po.”

Sabay sabay na sagot nina Annalise, Kris at Marvie. Nginitian sila ni Ramon at nagsalita ito, “Buti naman! Mamaya, lumibot kayo rito sa hacienda. Ito-tour kayo ni Kevin.”

“Pagkatapos ko kayong i-tour, labas tayo ng hacienda ‘tapos maligo tayo sa ilog!” excited naman na sabi ni Kevin.

Napatingin si Marvie sa mag-ama nang marinig niyang tumawa si Ramon. Masayang masaya itong nakatingin kay Kevin.

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon