Chapter 24

43 3 0
                                    

Her Growing Feelings

Nakaupo si Marvie sa kama niya at nanunuod ng movie sa kaniyang laptop para mag-relax at magpahinga. Masyado siyang napagod sa first semester nila, sumabay pa ang sandamakmak na toxic na tao, at isa si Paige doon.

Hindi makalimutan ni Marvie ang pagsabay ni Paige sa sakit ng ulo niya noong gumagawa siya ng final project at naghahanda para sa final exam. Kung kailan talaga busy din siya noon ay saka siya nito ginulo.

Nagpapasalamat siya na huling away na nila iyong mismong araw kung saan sinabi sa kaniya na biktima siya ng fake post at napatunayan na hindi iyon totoo. Ang explusion na makukuha niya sana kung lumabas na totoo ito ay hindi na rin itinuloy.

Matagal tagal nga lang din namatay ang issue na iyon tungkol kay Marvie. Nakaabot na kasi ito sa kung saan saan sa loob ng campus nila. Ang chismis pa naman ay hindi na nababago kapag nakarating na sa isang tao.

Napailing-iling na lang siya sa mga pinagagagawa ni Paige. Gagawin nito lahat para lang masira ang buhay niya porke’t may connection at pera ito. Pasalamat na lang din si Marvie at hindi ito nagtagumpay.

May mga oras din na nagkakasalubong niya ito kahit malaki ang campus. Sinasamaan siya nito nang tingin saka ito iiwas. Hindi na lang din iyon pinapansin ni Marvie.

Bumalik siya sa realidad nang mapansin niya hindi na pala siya naka-focus sa pinapanuod niya. Nakarinig din siya ng tatlong katok sa pinto ng kwarto niya.

“Bukas ‘yan.”

Bumukas ang pinto niya at sinalubong siya nang nakangiti na si Kevin. “Hi, Abby! Puwede pumasok?”

Tumango-tango siya. “Sige.”

Pumasok ito at iniwan na bukas ang pinto ng kwarto niya. Lumapit si Kevin sa kaniya at umupo ito sa gilid ng kama niya.

Nanatiling nakatingin si Marvie kay Kevin kahit nasa harap na niya ito. Ang tagal din pa lang hindi nakita ni Marvie nang malapitan ang mukha ni Kevin, pati na rin ang magandang ngiti nito sa tuwing binabati siya ng binata.

Umiwas nang tingin si Marvie nang mapansin niya ang pag-iiba ng facial expression ni Kevin. Umaliwalas ang mukha nito at parang natutuwa. Binalik niya ang tingin sa screen ng laptop niya na nakalapag sa kama niya.

“Masaya ka bang makita ako? Ang tagal mong nakatingin sa’kin, eh.”

Hindi tumitingin si Marvie kay Kevin. “No. Nag-loading lang bigla ang utak ko dahil may makulit na naman sa harap ko.”

“E ‘di hindi ka masaya na makita ako?”

“Hindi naman sa gano’n.”

“Eh, ano?”

Binalingan ni Marvie nang masamang tingin si Kevin, pero hindi naman talaga masama, parang nagbibiro lang siya sa tingin na iyon. “Ang kulit. Basta, huwag ka na magtanong.”

“Bakit tinititigan mo ‘ko?”

“Wala nga, basta nag-loading utak ko. Period.”

Pilyong ngumiti si Kevin. “Oh-kaaay, sabi mo eh.”

Marvie’s eyes laid on Kevin with an expressionless face. “Nang-iinis ka ba? Stop it.”

Umiling-iling si Kevin, nagpipigil ito ng ngiti. “Uh-uh, hindi ako nang-iinis. Totoo nga, naniniwala ako sa sinasabi mo.”

“Whatever!” sabi ni Marvie at inirapan si Kevin kasabay niyon ay ang pag-iwas niya na naman ng tingin. Narinig niya ang pagtawa ni Kevin sa tabi niya.

Kinuha niya ang laptop niya at ipinatong ito sa hita niya saka in-exit ang movie na hindi na niya matapos panuorin. Marvie can’t help herself to look at Kevin. She doesn’t want to admit it, but she does feel happy to see his face with a bright smile. And... she does miss him too.

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon