Chapter 21

58 4 0
                                    

She’s The Victim

Pagpasok ni Marvie sa loob ng campus, halos lahat ng estudyante na madadaanan niya ay pinagtitinginan siya at tinitingnan ng may pagkadismaya. Tinitingnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa, kasabay ang pag-iling iling ng mga ito. Pinagbubulungan din siya ng ibang estudyante.

Nang makarating siya sa loob ng room niya para sa kaniyang first subject, pinagtitinginan din siya ng mga kaklase niya. May awa at may pagka-ilang sa mga tingin ng mga ito. Umiiwas ang mga ito ng tingin kapag nakakatinginan niya ang mga ito sa mata.

Hindi naman magawang magtaka ni Marvie dahil isang linggo na ang lumipas simula nang libutin niya ang buong campus na madumi tingnan at may banner na nakasabit sa leeg niya bilang paghingi ng tawad kay Paige.

Pakiramdam niya ay may bago na naman siyang issue at alam niyang si Paige ang gumawa niyon. Simula nang dumating ito sa buhay niya ay lalo lang itong gumulo.

Nag-focus si Marvie sa kaniyang klase nang magsimula ito at hindi na pinansin ang mga kaklase niya. Inalis na rin niya sa isip niya ang kaniyang mga nakita.

Nang matapos ang dalawang klase niya ngayong umaga, tumayo na siya at lumabas ng classroom. Dumiretso siya sa main cafeteria para kumain. Doon siya pumunta dahil maraming pamimilian na puwedeng bilhin doon.

Nang makapasok siya sa loob ng cafeteria, hindi na nagulat si Marvie sa ilang mga estudyanteng pinagtitinginan siya.

Hindi niya pinansin ang mga ito at pumunta si Marvie sa counter para um-order ng makakakain niya. Tahimik na nakapila si Marvie nang marinig niya ang isang malakas at pamilyar na boses.

“Mas magaling pa kayo sa’kin! Ako ang kaibigan niya at alam kong hindi siya malandi. Hindi siya ganoong babae.”

Nang lingunin ni Marvie ang pinanggalingan ng boses, nakita niya si Annalise na nasa gitna ng cafeteria at nakikipag-away. May kaharap itong tatlong tourism student at ang nasa gitna ay iyong Miss Tourism 2016.

Hindi na tinuloy ni Marvie ang pag-order. Lumapit siya ng bahagya kina Annalise para pakinggan kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Gusto niya malaman kung bakit galit na galit si Annalise.

“Oh. Come on, Annalise. Huwag mo na pagtakpan ang kaibigan mo. Kalat na kalat na sa buong campus ang relasyon niya sa isang professor,” sabi ni Miss Tourism.

Nanlaki ang mga mata ni Marvie sa narinig. Hindi nga siya malapit sa mga professors niya, ‘tapos may issue siya na may ka-relasyon siyang professor?

Doon nalaman ni Marvie ang dahilan kung bakit siya pinagtitinginan. Tama nga siyang may issue na naman pa lang kumakalat tungkol sa kaniya.

Nagsisimula nang uminit ang ulo ni Marvie dahil pumasok siya sa University na ito na walang kakilala at hindi malapit sa kahit sinong naging professor niya.

“Hindi niya iyon magagawa, at kung totoo man, sigurado akong biktima si Marvie rito. Maaring blinackmail siya ng kung sino mang professor para lang masunod ang gusto nito. Isa siyang estudyante at puwede siyang ma-take advantage!”

Maarteng tinawanan si Annalise nang babaeng kaharap. “Wow, pinagtatanggol mo pa talaga siya?”

Sumabat ang babaeng nasa kanang bahagi ni Miss Tourism. Nagsalita ito, “We didn’t know that you’re like that Annalise. Tino-tolerate mo ang illegal na ginawa ng kaibigan mo. Kilala ka pa naman na Miss Perfect sa CBA building.”

Hindi alam ni Marvie kung kailan siya sasali sa usapan ng mga kaaway ni Annalise. Hindi siya makakuha ng tyempo kaya naman nanatili siyang pinapanuod ang mga ito.

Annalise cross her arms. “Kayo lang naman ang nag-isip na Miss Perfect ako. Gumawa kayo ng idea ninyo sa’kin d’yan sa maliliit ninyong utak. Pinagtatanggol ko ang kaibigan ko dahil hindi ko hahayaan na insultuhin niyo siya sa harap ko.”

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon