Chapter 10

62 7 0
                                    

Vanessa’s Confrontation

Matapos ang huling klase ni Marvie sa buong araw, nagtungo siya sa isang coffee shop na malapit sa University nila. Nang makapasok siya sa loob ng coffee shop, hinanap ng mata niya si Vanessa.

Pinuntahan siya nito sa klase niya kanina at inimbita siya nitong magkape dahil gusto nitong mag-usap silang dalawa. Pumayag si Marvie dahil alam naman niyang tungkol ito kay Kevin at involve siya rito.

Sa paglibot ng mata niya sa buong coffee shop, nahagip ng mata niya ang pagkaway ni Vanessa sa kaniya mula sa malayo. Nakaupo ito sa dulo ng coffee shop. Naglakad si Marvie pwesto ni Vanessa.

Sa paglapit niya, binati siya nito ng isang ngiti.

“Hi, Ate Marvie. Take your seat.”

Tinanguan lang niya ito bilang sagot. Nang makaupo siya sa harap ni Vanessa, nagtitigan sila ng ilang segundo. Nakipagmatigasan ng tingin si Marvie sa dalagang kaharap.

Nakikita niya sa mga mata ni Vanessa ang pinipigilan nitong inis sa kaniya at umaakto itong kalmado kahit parang ang dami nitong gustong sabihin sa kaniya.

“Anong gusto mong i-order, Ate?” mahinahon na tanong ni Vanessa.

Huminga ng malalim si Marvie, sumandal siya sa inuupuan niya at mariin na tiningnan si Vanessa. “Diretsahin mo na ‘ko. Wala akong panahon para pahabain pa ito.”

Nang sabihin niya iyon, nawala ang ngiti sa labi ng kaniyang kaharap.

“Nando’n ako,” panimula nito. Nakikita ni Marvie sa mga mata ng kausap ang matindi nitong galit para sa kaniya.

“Nakita ko kung paano mo sinampal ang kuya ko sa harap ng maraming estudyante na ginagalang siya. Pinahiya mo siya!”

“Kuya mo lang napahiya? Napahiya rin ako dahil sa ginawa niya. In-expose niya ako sa mga taong hindi ko naman kilala. Nagalit ako dahil big deal iyon sa’kin! Ngayon, kung mababaw ‘yon para sa’yo, wala akong pakialam,” Marvie said coldly.

“Oo, mababaw iyon para sa’kin,” matigas na sabi ni Vanessa. Nagpatuloy ito, “And I think, you’re being illogical here. I may sound that I’m invalidating your feelings, but you don’t know anything to react that way. Alam ni Kuya ang mga ayaw mo sa hindi. Tingin mo ba papabayaan ka niya? I don’t think so,” Vanessa said as if she’s saying that Marvie are dumb not to know what she meant.

“Pinapararating mo ba na ako pa ang wala sa lugar dito?” hindi makapaniwalang tanong ni Marvie kay Vanessa.

“Sa nangyari kanina? Yes,” diretsahang sagot nito sa kaniya. Sasagutin sana ulit ito ni Marvie ngunit hindi siya hinayaan ni Vanessa.

Nagsalita itong muli, “Kung nakikita mo lang paano ka niya pahalagahan, siguro maiintindihan mo ang mga ginagawa niya. Siguro nga, nakakainis ang presensya niya at siguro nga lumagpas siya sa boundaries mo, pero tingin mo ba hindi mo ‘yon ginawa sa kuya ko? Lahat ng ginagawa niya, ikaw lang iniisip niya. Hindi naman niya iyon gagawin kung hindi galing sa’yo. Sa totoo nga lang, ikaw pa ang dapat mag-sorry dahil palagi kang rude sa kaniya. Ikaw din ang may kasalanan sa kaniya, pero siya pa gumawa ng daan para lang sa favor mo.”

Pinukol ni Marvie ng masamang tingin si Vanessa. “Sinabi ko bang gawin niya lahat ‘yon? Hindi. Siya ang kusang gumagawa no’n kaya hindi ko responsibilidad ang feelings niya, o kahit siya mismo,” sagot niya rito.

Hindi makapaniwala si Vanessa sa narinig niya. “Are you being serious right now, Ate Marvie? Alam kong alam mo, bakit niya iyon ginawa. Kung ayaw mo naman pa lang gawin niya ‘yon, sana hindi mo sinabi! Kasi kahit anong sabihin o ipagawa mo, gagawin niya.”

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon