Chapter 8

73 7 0
                                    

Stolen Pictures

Kakauwi lang ni Marvie sa bahay nila kahit alas dos pa lang ng hapon. Maagang nagpa-dismiss iyong professor nila sa kanilang last subject. Umakyat siya sa second floor at patungo na siya sa kwarto niya para magpahinga dahil drain na drain na siya bilang isang tao at estudyante.

Nasa tapat na siya ng kaniyang kwarto at pinihit na niya ang doorknob ng pinto nang mapatingin siya sa kwarto ni Kevin na katabi lang ng kwarto niya. Ito ang nagsisilbing guestroom nila. Hindi niya itinuloy ang pagpasok sa kwarto niya dahil may naisip siyang masamang idea. Siya pa lang ang mag-isa sa bahay nila kaya naman susulitin na niya ito.

Wala naman siyang balak na gumawa pa ulit ng pangti-trip kay Kevin, pero ilang araw na ang lumipas simula noong huli kaya hindi nagdalawang isip si Marvie na gawin ito ngayon.

Pumunta siya sa likod bahay nila para hanapin sa bodega iyong mga luma niyang spray-paint. Doon niya nilalagay ang mga pinaglumaan niyang gamit para sa mga ipinipinta niya noon.

Nang makarating siya sa bodega, mabilis niya itong nabuksan dahil hindi naman ito naka-lock kaya nagsimula na siyang maghanap ng mga spray-paint.

Matapos ang ilang minuto na paghahanap, kumuha siya ng dalawa at inalog-alog niya ito para malaman niya kung may laman pa. Nang ayos na para kay Marvie, pumasok siya sa loob ng bahay nila. Kumuha muna siya ng face mask saka ito sinuot pagkatapos ay nagtungo siya sa kwarto ni Kevin.

Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob saka niya ito ni-lock.

Nagsimula na siyang mag-spray sa pader ng kwarto ni Kevin. Isinulat niya ang mga hateful words na gusto niyang sabihin para umalis ito. Tiniis niya ang baho ng pintura dahil na-kulob ito sa kwarto ni Kevin at tumatagos ang amoy nito sa suot niyang face mask.

Makalipas ng ilang minuto, natapos na rin niyang pinturahan iyong buong kwarto ni Kevin. Nang tingnan niya ang mga nakasulat, natuwa naman siya dahil basa na basa ito.

Mabuti iyon para kay Marvie dahil hindi na niya ito kailangan pang sabihin ng paulit-ulit. Napapagod na siyang magsalita lalo na kung hindi naman ito nakikinig.

Palabas na siya ng kwarto ni Kevin na bitbit ang mga spray-paint, nang mapahinto siya dahil nakita niya ang DSLR camera nito na nakapatong sa side-table. Ngayon lang niya nakitang hindi ito dala ni Kevin dahil lagi nitong bitbit iyon.

Naalala niya bigla iyong ilang beses siya kinuhanan ng stolen shots ni Kevin. Ginagawa nitong kuhanan siya ng stolen shots sa tuwing nakasunod ito sa kaniya. Sinasamaan naman niya ito ng tingin sa tuwing ginagawa iyon ng binata ngunit tinatawanan lang siya nito at sinasabing buburahin ang mga litratong kinuha. Ngayon, titingnan niya kung totoo bang binubura nito ang mga stolen shots niya, dahil kung hindi, si Marvie ang mismong magbubura nito.

Binaba ni Marvie ang mga spray-paint at dinampot ang DSLR camera ni Kevin. Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya iyong stolen shots niya sa library. Ito iyong nagpunta si Marvie sa library para mag-search tungkol sa activity niya at nakasunod sa kaniya si Kevin.

Binura niya ang stolen shot na ito pati iyong mga sumunod pang picture niya hanggang sa kauna-unahang stolen shot niya. Ito iyong naki-sit in si Kevin sa isa sa mga klase niya.

Hindi niya gusto ang mga stolen-shot pictures niya dahil bakas sa mga mata at mukha niya ang mga emosyong ayaw niyang makita ng iba. Ngunit, pati ang mga emosyon niyang iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ng binata. Alam ni Marvie na alam naman ito ni Kevin kahit wala itong sabihin sa kaniya.

Nang mabura na niya ang mga pictures niya, pipindutin na niya ang off-button pero ibang button ang napindot ng daliri niya. Bigla itong nag-slide backwards. Napunta ito sa mga previous pictures. Nanlaki ang mga mata ni Marvie sa nakita niya, hindi siya makapaniwala.

Marvie's Heart SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon