Maymay's POV
Simula nung araw na bumalik si Edward galing sa Germany parang ang daming nagbago.
In a good way, I must say.
Parang may understanding na nangyare pero hindi namin pinaguusapan.
Yung tipong kusa na nyang hinahawakan ang kamay ko kapag magkasama kame. Hindi ako kumikibo at hinahayaan kong hawakan nya ito.
Yung kapag may magpipicture kusa na din syang umaakbay o di kaya ay inilalagay ang kamay sa bewang ko.
Kapag naglalakad kame ay todo alalay din sya.
May mga pagkakataon na kapag hindi kame magkamuka ng schedule ay dadaan pa sya sa unit ko para magpaalam with kiss sa forehead at yakap.
O diba. Hindi natatapos ang isang araw na di kame magkikita o hindi sabay na uuwi. O kaya ay magdinner kahit alas dos na ng madaling araw.
Hindi ko alam kung anong iba. Makaibigan pa din kame, best friends. Pero ganto ba talaga pag best friend?
Aaminin ko na nung sinabi nya yung salitang "Mahal kita, Sobra" , oo narinig ko yun. Akala ko panaginip ko lang pero rinig na rinig ko talaga.
Dun nagsimula na hayaan ko sya na gawin ang mga ginagawa nya. Yung tipong boyfriend lang ang gagawa sa girlfriend nya.
Hindi ko alam pero simula noon ay parang nawala yung ilang ko kapag nagiging mas sweet kame sa isa't isa.
At isang instance ay nang minsan na nasa practice kame kasama ang mga ex-housemates and when I say ex-housemate included, yes, si Heaven. Andun din naman sila Fenech, Aizan, Rita, Yong, Marco, Christian, Vivioree, Kristine at Kisses. Ay may ginawa si Edward na ikinawindang ko pero syempre di ko pinahalata.
Habang nakaupo ako sa sofa matapos ang practice ng sayaw for a prod ay biglang tumabi si Edward sa akin sabay kuha sa kamay ko at inintertwined nya. Sa harap lang naman ng lahat at wait there's more. Humalik pa ito sa gilid ng ulo ko. O sinong di mawindang? Sige nga...
At kitang kita ko ang pagkashock ng lahat. Yung napanganga talaga sila. Pero si Yong nakangiti lang at mapanukso pa ang mga tingin. As usual naman kay Yong, promotor din kase to sa pangaasar sa akin. Pero sa lahat si Heaven ang di talaga makapaniwala sa nakikita nya. Kala mo girl? Ha ha ha ha. Ngiting tagumpay, Marydale.
Syempre tong si Edward walang paki sa reaksyon nila at kinuha ang phone nya at walang pakialam sa tingin na ibinibigay sa amin ng mga kapwa housemates namen.
Nahihiya ako pero di ko pinakita. Syempre. Itago ang kilig. Nilingon ko sya at sabay na lingon din nito. Nginitian ko ng sobrang tamis yung nakakadiabetis na ngiti.
"What?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi nya.
Hinawakan ko naman ang mga pisngi nito gamit ang isang kamay ko at pinaggigilan ito sabay sabi nang, "Wala. Baboy!"
Paglingon ko sa mga kasama namen ay nakita ko na mas lalong lumaki ang mata nila. Nadaig ang mata ni Edward. Ha ha ha.
Sino bang magaakala na magkakaganto kame ni Edward. Pero magbest friend padin naman kame? Wala namang nagbago kung label ang titingnan. Best friend nga kase!!!
Sige lang, Marydale. Lokohin mo sarili mo. Pero kung sweet lang talaga sya? Pero kase. Iba naman na talaga ang pagaalaga at pagtrato nya sakin. Yung alagang Barber nga daw sabi ng mga Fans. Hehehe.
Nang palabas na kami ay nag aya sila na kumain kami ng magkakasama since eto lang uli yung time na magkakasama kami. So syempre go kaming lahat.
Habang palabas kami ay ito namang lapit ni Marco kay Edward. Umakbay ito ay sabay sabing, " Level Up na kayo ha. Di na ata twiniie ang label nyan ha."
"That's for us to know. And for you to find out." Sagot ni Edward kay Marco ng hindi binibitawan ang kamay ko.
"Aba so meron nga talagang something ha!" Sabi ni Marco na may halong panunukso. Sumigaw pa ito nang, " Di na torpe si Barber. Yuhooo!"
Agad naman syang sinamaan ng tingin ni Edward sabay make face nya. Natatawa lang naman ako sa magkaibigan at hinayaan sila na magharutan. Wag mo lang bibitawan ang kamay ko Barber kundi malilintikan ka. Hahaha. Chos lang!
Pag lingon ko nakita ko na nakatingin si Heaven sa amin. Di ko alam pero iba ang ngiti sa muka nya. Hindi ko masabi kung ano ba ang meaning sa likod ng ngiti mya habang nakatingin sa amin.
Nagulat ako ng bigla syang nag thumbs up at nag heart shape sa amin. Hindi ko alam pero napangiti ako dito. Alam kong hindi na kami close ni Heaven pero hindi ko alam. May mga bagay lang talaga siguro na hindi talaga mababago. Kapatid padin naman ang turing ko sa kanya. Pero masaya na ako sa nangyare na ito. Mukang okay naman kame? Sana nga.
Naramdaman ko ang pag pisil ni Edward sa kamay ko. Nilingon ko ito ay nakita kong nakatitig ito sa akin. Nginitian nya ako at ganun din naman ako. At nag patuloy na kaming maglalad kasama ang mga kaibigan namen.
Alam ko na may something sa amin na More Than Friends. Pero alam ko na kung anong meron kame ngayon sabihin man namen o hindi ay parehas naming nararamdaman at masaya kami.
May mga bagay talaga na hindi dapat minamadali. Kung matuto ka lang talagang maghintay mangyayare at mangyare ito.
Yung boundaries na meron kame noon ay unti unting nawawala pero nanatili padin ang pagpapahalaga namin sa pagkakaibigan namin ni Edward. Kaya din siguro walang naglalakas loob sa amin na magtanong sa kung ano kami.
Alam namin na masaya kame at iyon ang mahalaga. At sa tamang panahon masasabi ko din sa kanya ang mga katagang binitawan nya sa pagaakalang natutulog ako.
"Mahal din kita. Sobra!"
BINABASA MO ANG
Love Beyond the Boundaries
FanfictionYes. Friends, best of friends to be exact. That is how we were, are and maybe we will always be. She is too important to me, that I wouldn't exchange this friendship with anything even with me falling in love with her. Maybe friends is what we will...