Chapter Eighteen

948 31 13
                                    


Omg. Kinakabahan na ako sa mangyayare. Actually birthday na muli ni Edward ngayon at syempre anniversary na din namen. 20 yrs old na siya yun! Iba din! Legal na legal na! Hahahah

One year na din kame. Ang bilis ng panahon. Sobrang thankful lang din ako na nandito sya sa Pilipinas. Lagi nalang kase syang nasa Germany pag birthday nya.

At! Teka wait. May pasabog ang lola nyo. Gagalingan ko ngayon. Pero kinakabahan padin ako.

Actually may surprise ako kay Edward. Pero sobrang busy namen ngayong Birthday nya. May shooting kame for teleserye at mga 8pm pa kame matatapos. Pero iniwan ko na si Marco para plantsahin lahat ng kaylangan para sa birthday ng Boyfriend ko. Eheh!

Kahit naman kase anniversary namen mas pinaghahandaan ko ang birthday nya. Thank you ko nadin sa kanya sa sobrang pagaalaga at pagmamahal nya sa akin. Wala na kong mahihiling pa. Kaya ngayon babawi ang mayora. Haha! Gusto ko syang paiyakin. Yung bongga! Hahaha! Sa saya naman. Pero ngayon gagalingan ko na sa pag arte. Hahahahah!

Maghapon ko na syang sinusungitan. Hahahah! Ni hindi ko binabati ng happy birthday maging happy anniversary. Text pa ako ng text pero di ko pinapakita sa kanya at kapag nagtatanong sya sabe ko lang ay kaibigan ko sa CDO.

Gigil na po sya. Pero hanga ako dito ha. Kahit gantong inis na inis na sya ay hindi pumapalya sa taping namen. Hahaha pero pag break time parang si Incredible Hulk. Hahaha simangot ang baby boy ko. Pero kaylangan ko icontain. Sayang effort ko pag nabuko. Ahhah

"Okay! Pack up na guys! Thank you so much. See you guys." Sabi ng director namin. So eto na nga agad akong tumayo at inayos ang gamit ko.

"Edward, tara na." Sabi ko.

"What did you call me?" Hahah! Hala ka galit na ang Birthday boy.

"Edward. Diba pangalan mo yun? Tara na. Pagod na ko uwi na tayo."

"May! Teka nga." Pigil nito pero di ko pinansin at deretsyo lang ako sa paglakad.

Habang nasa van kame ay sobrang tahimik lang ni Edward. Sorry baby boy. Babawi ako! Hahaha!

"Do we have a problem? Bat ka ganyan?" Tanong ni Edward.

"Wala naman." Sagot ko.

"Sino ba yang katext mo? Akala ko ba pagod kana?" Sabi ni Edward.

"Kaibigan ko." Sabi ko at patuloy na tinext si Marco. Sinabi kong malapit na kame.

Actually gagawin ang surprise ko sa kanya sa mismong condo namin. May ballroom kase sila dun pero maliit lang. Konti lang naman ang inimbitahan ko. Yung super close lang samin ni Edward. Intimate celebration at syempre yung mapagkakatiwalaan na mga kaibigan. Ehe. At syempre andun ang Lizquen. Sobrang lapit din samin ng LizQuen at isa sila ngayon sa mga pinakaclose namen. Maging ang mga ibang housemates andito. McLisse, Ate Jinri, Marco, Tanner, Ate Cora at maging yung iba pa. May mga staff din ng PBB at syempre si Ma'am Luz. Kasama ang pamilya namen ni Edward. Maging ang ilang kaibigan nito sa Germany ay umuwi din.

Tahimik kami ng makarating sa condo. Agad akong bumaba.

"Tara na. Sabe ng kaibigan ko andito siya. Nag-aayang magdinner. Sama ka muna. Pakilala kita." Sabi ko.

"No. I'm tired. Ikaw nalang." Sagot ni Edward

Hala. Ayaw sumama. Hahaha.

"Saglit lang naman."

"Ayoko!"

Aba! Hahaha di ako papayag.

"Tara na kase. Break na tayo pag di ka sumama." Banta ko. Nasa loob na kami ng elevator at pinindot ko ang number ng floor na pupuntahan namen. Buti nalang di pinansin ni Edward kung anong floor yung pinindot ko dahil wala na din sya talaga sa mood. Aww. Sorry, love!

Love Beyond the BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon