Chapter Twelve

813 31 3
                                    


Kasama ko ngayon ang dalawa pa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ni Edward. Si Mama Cathy at si Laura. Nagluluto kame ngayon for dinner. Habang si Edward at Daddy Kevin naman ay ayun nanunuod ng TV sa living room.

"Ikaw ha! May ha! Iba din. Ang astig nun ha." Pang haharot ni Mama Cathy.

"Ma! Kase naman. Hehe. Nahihiya na po ako. Wag nyo na pong ipaalala. Please po." Pagmamakaawa ko sa kanila.

Ngingiti ngiti lang din si Laura at nanghaharot. Jusko. Lamunin na sana ako ng lupa. Kung di ko lang mahal tong mga to nako. Haha.

Biglang may yumakap sa akin mula sa likod at nakita kong nakalapit na pala sila Edward at Daddy Kevin. Si Daddy Kevin naman ay humalik sa pisnge ni Mama Cathy.

"Tell me again. Why am I single?" Seryosong tanong ni Laura.

"Coz you're ugly. Bleeeh." Panghaharot ni Edward at hinigpitan pa lalo ang yakap nIya sa akin.

Nagtawan naman kaming lahat sa asaran ng magkapatid.

"Edward. You should be thankful Maymay is here or else. I'm really gonna hurt you." Sabi ni Laura

Tumawa lang naman si Edward at humalik pa sa pisnge ko.

"Hay. Ang sarap nyong panuoorin. Ang saya nyo lang. Parang hindi kayo napapagod sa trabaho nyo. Sana lagi kayong ganyang kasaya." Sambit naman ni Mama Cathy.

Nginitian ko sya at tatayo dapat ako sa stool na kinauupuan ko at yayakapin si Mama pero tong si Edward pakaselfish! Kahit sa magulang nya. Hahah

At dahil dun ay si Mama Cathy ang lumapit sabay nadin si Daddy Kevin at Laura ang yumakap sa amin ni Edward.

"Wow! Happy Family!" Sigaw naman ni Laura.

"Okay naaa! Ipit na prinsesa ko. Go away na!" Sabi naman ni Edward.

"Edward! Kaselfish mo. Hahah!" Sabi ni Laura.

"Syempre. Maymay is mine!" Sagot naman agad ni Edward.

"Baliw ka talaga. Wala namang umaagaw sayo!" Natatawang sabi ko sa kanya sabay kiss ko sa cheeks nya.

"Hoy! Stop being sweet please! I'm single." Sigaw naman nitong si Laura.

Nagmake face lang naman si Edward sabay halik sa cheeks ko at yakap ng mahigpit sa akin.

Hahaha! Ang kulit lang ng magkapatid na ito. Hindi nauubusan ng pakulo. Lahat ng pwedeng pang aasar sa isa't isa. Pero mahal na mahal nila ang isa't isa.

-----------------------------------------

Nag-aya naman itong si Edward na pumuta daw kami sa town. At sya daw ang tour guide ko. Ang sarap din na parang pag nandito sya hindi sya yung artista na pinagkakaguluhan. Yung tipong normal lang at walang makakakilala sa amin.

Ngayon nandito nga kami at nag ala tour guide talaga tong si Edward. Pero syempre holding hands while walking lang ang peg namen. Ang sarap sa feeling na nasa Germany ako kasama ng boyfriend ko. Ang kireee!

Salita lang sya ng salita at nakatitig lang ako sa kanya. Natutuwa akong pagmasdan sya kase kitang kita mo yung saya nya. At nakikita ko yung mga lugar na palagi nyang pinupuntahan at kung saan sya lumaki. Na ito yung mundong ginagalawan niya bago pa kami magkakilala.

"May! You're not even listening." Bigla nitong sabi sa akin.

"Nakikinig ako. Natutuwa lang ako sayo. Ang saya mo kasing tingnan." Sabi ko sabay kurot sa pisnge nya at niyakap ko ang isang braso ko sa kanya.

Pwede naman to diba. Wala namang kamera? Hahah! Gusto ko din kase na maging private ang relationship namen yung sa family and close friends lang namin. Gusto ko ding ishare sa mga fans namen pero siguro when the right time comes. At alam ko namang feeling nila e kami naman talaga ni Edward. Naghihintay lang sila ng confirmation. Haha.

At baka din katayin ako ni Ma'am Luz pag nabunyag agad to. Hahah! O kaya pag umamin agad kame. What you see is what you get nalang. Hahah yun na yun.

"Ang sweet mo pala no?" Sabi nitong si Edward.

"Sweet naman talaga ako wa." Sabi ko naman sabay pout.

Bigla naman akong kiniss ni Edward at sabay sabi, " Mahal na mahal kita, May!"

"Aww! I love you. Baby boy!"

"I'm not baby anymore!"

"You will always be my Baby Boy!"

Sabay kurot ko sa pinge nya at halik sa labi nya.

"I love you. Wag kanang maginarte. Ako lang ang tatawag sayo ng baby boy. Kahit matanda kana!"

"Pasalamat ka mahal kita."

"Thank you, Baby boyyyyyyy!"

"Hay! Mahal kita! Sobrang saya ko ngayon, May!"

"Me too! Ayoko na atang unuwi. Hahah! Lagot tayo kay Ma'am Luz."

"Haha! Pasalubong nalang natin sa kanila. Let's go? Still gonna show you my favorite places."

Nginitian ko sya at tunango. Nagsimula na kami muling maglakad lakad. At ang pag tutour guide nya. Haha!

Now! Reality is definitely better than my dreams

Author's Note

Pasensya na po. Maigsi lang. Enjoy! ❤️❤️❤️

Love Beyond the BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon