Ngayon ay nasa Airport kami. Kakaland lang ng eroplano at nakauwi na kaming muli galing sa Germany.Hindi ko alam kung maeexcite ba ko o matatakot na nakabalik na kame. Kinakabahan ako. Hahaha! Alam naman ni Ma'am Luz na sasagutin ko si Edward pero still iba padin pag nakita nya kami.
Laking pasalamat ko na walang kahit isang nagupload ng picture na may kakaibang captions. Hahah! Puro lang sila Happy Birthday kay Edward na minsan kasama ako sa picture.
Nagpost na din si Edward sa IG nya ng picture namen pero sinabi lang niya na masaya sya na kasama nya ako sa Birthday nya. Jusko. At syempre nagwala ang lahat. Malay ba nilang nasa Germany ako. Walang nakakaalam nun bukod sa mga dapat pagalamanan. Kaya ayun! Trending!
May nanalo na! Naiuwi na daw ako sa Germany. Iba! Di po ako inuwi ako po pumunta dun. Haha! Iba na tong mayora nyo. Charot.
Habang palabas kami ay hinawakan nya kamay ko. Jusko.
"Love. Nasa Pilipinas na tayo. Baka makita tayo." Sabi ko.
"So? Loveteam padin naman tayo. So, they won't think of anything else. Saka sanay na sila." Sagot nito.
"I love you." Sabi ko sa kanya bago kame tuluyang lumabas.
"I love you so much, love."
At nang lumabas kame ay ayun na nga. Ang daming tao! Jusko. Alam ba nila na dadating kame?
Napahigpit ang hawak ko kay Edward. Sanay na naman ako sa mga tao pero iba padin ngayon. Hahah! Mga hampaslupa naming fans sobrang mang-asar. Hahaha! Kala nyo. Gaganti ako. Mamatay kayo sa kilig!
"Omg! MAYWARDDDD! MayWard is real na talaga! Panalo na naman kame! Si Maymay ang napili! Big Winner kana inday pati sa puso ni Edward!" Ayan ang sigawan nila at panghaharot. Mga baliw! Oo! Gusto ko sana kayong iaasure na panalo na tayo kaso bawal ba mga bes. Hehe! Kalma muna kayo! Soon. Hahahah
Magkahawak padin kame ni Edward habang kumakaway paninsan minsan at ngumingiti sa mga sumalubong sa amin!
Medyo excited ata ang lahat dahil mejo nagkatulakan ng kaunti. Dahil dito ay napabitaw si Edward sa akin at mejo nauna sya maglakad. Pero nagulat ako ng biglang hinigit nya ako at niyakap ang balikat ko at napakapit ako sa kanya.
"Okay. Guys. Calm down. Padaan lang po. Heheh. Pagod na prinsesa natin. Uwi na tayo. Salamat po." Sabi naman nitong si Edward.
"Byee. Guys tabi na tayo. We love you MayWard!" Rinig kong sabi ng mga fans at tumabi talaga sila at kumalma. Kaya mahal ko tong mga to. Mababait din talaga pero wag nyo silang babanggain masisira ang buhay nyo. Hahaha
Nang makasakay na kami sa sasakyan ay para kong hapong hapo. Yung pagod na pagod ako na para na kong babagsak sa antok. Ang haba din kase ng flight namen kaya pagod na pagod din talaga kame.
"You okay, love?" Tanong ni Edward.
"Okay lang, love. Pagod lang. Saka gabi nadin. Antok na ko. Saka gutom. Hihi." Sagot ko.
"Aw. Pagod na baby ko. Daan nalang tayo sa drive thru. Then you eat at home ha. Tulog ka muna." Sabi nito sabay halik sa noo ko, inakbayan ako at inilapit sa kanya at inihilig ang ulo ko sa dibdib nya.
This is life. Chereeep. Ehe.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako na may mahinang tumatapik sa mukha ko.
"Love? Wake up na. We're here." Sabi nito.
Nandito na pala kame sa condo. Kahit may bahay na ko ay dito padin ako nagstay at magkapitbahay padin kami ni Edward. Mas convenient kase dito.
BINABASA MO ANG
Love Beyond the Boundaries
FanficYes. Friends, best of friends to be exact. That is how we were, are and maybe we will always be. She is too important to me, that I wouldn't exchange this friendship with anything even with me falling in love with her. Maybe friends is what we will...