PROLOGUE

570 29 9
                                    

"Bilisan nyo at salakayin ang kweba kung saan nagtatago si Morfy!" Ang sigaw ng lider ng higit isang daang adventurer na may kulay asul na In-game name. 

Ang mga ito'y kasapi sa Shuipingzuo legion.

Sa patuloy na pagpasok ng mga adventurer sa loob ng madilim na kweba, patuloy din ang sunod-sunod na sigawan na nangyayari roon.

"S-sir! Halos lahat ng kasama natin ay nasa loob na ng kweba, ngunit wala pa ni-isa ang bumalik dito upang mag ulat. Hindi kaya, sakanila galing ang mga sigaw na iyon?"

Sa sinabing iyon ng isang lalaki. Halos naligo sa pawis ang lider ng kanilang grupo.

"R-retreat..." Mahinang sambit ng lider ng grupo.

"Pero, Sir! Kayo ang nagsabi na kahit anong mangyari ay walang magre-retreat. Paano natin maipapaliwanag iyon sa mga sumama satin?"

Sa inis ng lider ay hinatak nito ang kwelyo ng lalaki at tinulak papunta sa entrance ng kweba.

"K-kung gusto mo mamatay mauna ka! Hindi ako magpapakamatay dahil lang sa pinagkasunduan na iyon. Lalo na't nasa Kontinente tayo ng Jiu! Hindi ko nais mahulugan ng anumang gamit dito."

Tumalikod na ang lider at maglalakad na palayo ng narinig niya ang pag sigaw ng lalaking kanyang kinakausap.

"GAAH!"

Unti-unti itong luminggon doon at nakita ang babaeng kulay pula ang buhok na mahaba. Halos matakpan na nito ang kanyang mga mata dahil sa mga buhok na nakasaboy sa kaniyang mukha. Panay ang pag hikab nito, na tinatakpan ng kaniyang kamay ang bibig. Ang kamay nito'y punong-puno ng kulay pulang likido.

Nanlaki ang mga mata ng lider dahil nakita niya kung saan parte ng katawan ang nawawala sa kanyang kasama. Hawak iyon ng babae sa kabilang kamay. Ang puso nito.

"Ang sarap-sarap ng tulog ko ang ingay nyo." Walang ganang salita ng babae.

Sa ginawa nitong pagdiin sa hawak niyang puso, na basag ito na akala mo'y isang babasaging gamit. At ang mga dugo'y unti-unti ng naglaho.

"M-mo-mo... M-mr-mor-"

Patuloy sa panginginig ang buong katawan ng lider at halos hindi na makapagsalita ng maayos.

"Morfy. Iyon ba ang nais mo sabihin?"

"A. aa..." Napaupo sa gulat ang lider dahil biglang napunta sakaniyang harapan si Morfy na kanina'y nasa entrance lamang ng kweba.

"Anong parte ng katawan mo kaya ang kukuhanin ko?"

Umupo si Morfy at tinitigan mata sa mata ang lider. Hindi na alam ng lider ang gagawin at dahil sa takot na naramdaman. Hindi nito napigilan ang sarili at naihi sa kaniyang kinauupuan.

"A bunch of crybabies. And now, an Old fart who wet himself in front of a girl? Don't make me laugh."

Tinusok ni Morfy ang dalawang mata ng lider gamit ang dalawa niyang daliri. Dinukot niya ang mga mata nito at ang <health points> nito ay patuloy na napunta sa <zero>.

"Tsk."

°°°

Sino si Morfy? Malalaman yan sa chapter 1. At panigiradong kilala niyo ito kung nabasa niyo ang Zodiac war online: Shizizuo.

Zodiac War Online NG (ZoWan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon