Binigay ni Michaella kay Mide ang isang pirasong papel na naglalaman ng kalagayan ni Moka. Hindi muna ito makakapasok ng limang araw upang magpahinga.
Nag paalam na si Mide sa kanyang magulang at lumakad na. Sinundo ito muli ni Jaycee. Sa kabilang side kasi si Jaycee kaya madadaanan nito ang bahay ni Mide kapag papasok.
Pumasok na si Michaella sa bahay at sinaluhan mag umagahan si Demo. Habang busy si Demo sa kanyang binabasa, nagsalita si Michaella.
"Paano kung lumala ang kalagayan ni Moka?" Sa sinabing iyon ni Michaella. Napahinto si Demo sa pagbasa at tumingin sa asawa.
"Kung mangyari man iyon. Makakabuti kung maglayo muna ang kambal. Mas lumalala ito dahil sa patuloy nilang pagkakaroon ng samaan ng loob. Si Mide. Kaya nyang kontrolin ang sariling galit. Pero sa tuwing makikita niya at makasagutan si Moka, nawawala ang kontrol nito sa kanyang sarili. Si Moka, kaya nya kontrolin ang galit na naninirahan sa loob nya pero... May pagkakataon na rine-reject nya ito ng kusa. At may pagkakataon na nawawalan na talaga siya ng kontrol."
"Kasalanan ko ang lahat ng ito..." Malungkot na sambit ni Michaella. Agad naman itong nilapitan ni Demo.
"Nagkakamali ka Minka, wala kang kasalanan. Kung may kailangan man sisihin sa nangyari, ako! Ako yun at hindi ikaw." Yinakap ni Demo ang kanyang asawa.
[School]
Sa pagpasok ng first period teacher ay agad ng iniabot ni Mide ang papel at binasa iyon ng kanyang guro at sumangayon.
Pagkatapos ng tatlong sunod-sunod na klase ay free time na nila. Nakaupo na pabilog sila Mide, Ginta at Jaycee sa isang lamesa. Sa lamesa nakalagay ang kanilang pare-parehas na pagkain. Tatlong pepsi at tatlong sandwich na may iba-ibang palaman. Ang kay Ginta ay tuna. Kay Jaycee ay Ham. At kay Mide ay bacon with cheese.
"S-si Moka?" Napahinto sa pagkwe-kwento ng kung ano-anong gundam anime si Ginta ng nagsalita si Jaycee.
"Ayos lang siya. Kailangan nya lang ng limang araw na pahinga—" Habang nagsasalita si Mide, nagulat ito sa biglang pagsigaw ng taong nasa likod nya.
"Limang araw!" Sigaw ni Alrie. Nakaupo kasi siya sa likod ni Mide.
Napatingin naman ang tatlong binata kay Alrie. Habang si Alrie patuloy na nakatakip ang palad sa kaniyang bibig.
Dahil sa pagpanik ni Alrie dahil sa patuloy na pagtitig ni Mide sakaniua. Tumakbo ito palabas ng silid.
"Siya yung babaeng kasabay kumain ni Moka..." Sambit ni Mide.
"Babae? Ehh, hindi mo ba kilala si Alrie? Halos magkaklase nga kayo ng buong high school eh." Usal ni Ginta.
"Tama si Gin, Mid. Isa pa, anak si Alrie ni tita Althea at tito Rick. Nakita mo na sila, hindi ba?" Ani Jaycee.
"Ah. Yung dalawang mag-asawa na laging nagbabangayan sa tuwing nasa bahay ni tita Kaycee."
"Oo/Tama!" Sabay na sigaw nina Ginta at Jaycee.
"Pero, si Alrie kahit kababata namin siya ni Gin. Masyado siyang tahimik. Sa tuwing nag friend reunion sila daddy, nasa isang sulok lang lagi si Alrie." Kwento ni Jaycee.
Sa pagtapos ng klase dumiretso na agad si Alrie sa bahay. Dahil nasa shop ang kanyang papa ay hindi nya kailangan dumiretso roon.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online NG (ZoWan)
Fiksi Ilmiah[Cover by TetraMhey] Before reading this, don't forget to read 'Zodiac war online: Shizizuo'. Si Morfy ay isa sa pinaghahanap ng mga player sa Zowan. Dahil sa taas ng pabuya na nakapatong sa kaniyang ulo. Isa rin siya sa sikat na sikat na killer sa...