002: Shizizuo/Kingdom/Quest

352 17 16
                                    

Nag respawn si Moka sa Shizizuo kingdom gamit ang nakatago niyang <D'shi> o <Door shi>. Ang door portal na ginagamit upang ma-teleport ka sa bayan ng Shizizuo o ang beginner town ng player na pinili ay shizizuo legion.

Dahil sa <Mask of disguise> nagamit niya ang D'shi at malaya siyang lumibot sa Shizizuo kingdom muli. Bawal kasi makagamit ang mga killer ng kahit anong door portal.

"Woah. It's been five months." Usal ni Moka. Habang patuloy na linilibot ng kaniyang mga mata ang paligid. Nanatili siyang nakatayo malapit sa statue ng lion.

Dahil nga rin isang killer si Moka sa Zowan. Hindi siya makabalik sa Mesophian continent. Kung nasaan ang bayan ng labing-dalawang kaharian. Dahil ang kontinente na iyon ay pinoproteksyonan ng labing-dalawang [game master] o mas kilala bilang twelve celestial guard.

Sa apat na kontinente lang siya malayang nakakalibot. Kung saan hindi sakop ng mga game master. Ngunit, kahit nasaan man siya. Ang pangalang Morfy ay tumatak na sa isip ng maraming player ng Zowan. Bilang isang KILLER o mas kilala bilang Immortal beast. Kapag naririnig nga lang ni Moka ang nickname na iyon ay natatawa na lang siya bigla.

"Oh, ang daming wanted poster. Heh, sikat na sikat na talaga ak--" Napatingin si Moka sa katabi niya at nginitian niya ito. "Si Morfy, ang immortal beast kung tawagin ng lahat." Pinigil ni Moka na tumawa dahil sa sinabi niya.

'Ah. Muntik na iyon. Kailangan ko mag ingat at baka may makabuko sa'kin. Mahirap na.'

"O-oo. Tama ka. Si-sikat nga talaga ang killer na iyan kahit saan." Mahiya-hiya itong umiwas-iwas ng tingin kay Moka habang mapupula ang pisngi.

"Ehehe..." Pilit na ngiti ni Moka. Gusto na kasi niya umalis doon. Awkward eh. Sino ba naman ang gustong manatili sa ganung sitwasyon.

"A-ano, pwede ba malaman ang pangalan mo?"

Sa sinabing iyon ng lalaki napadiin ang kamao ni Moka. Na para bang gustong-gusto na niya itong suntokin. Pero, dahil ayaw niya gumawa ng iskandalo ay ginawa niya ang lahat ng makakaya upang pigilan ang sariling sapakin ito.

"Mor... Ako nga pala si Morin." At muli itong ngumiti ng pilit.

'Muntik nanaman. Gah, nakakainis na ang isang ito gusto ko mapagisa kaya please lang tigilan mo kakatanong at lumayas ka na sa harapan ko!' Kausap ni Moka sa kaniyang sarili.

"Morin. Ang gandang pangalan." Sabi ng lalaki at ngayon nawala na ang pagiging mahiyain nito.

'Anong maganda sa pangalan na iyon? Eh, hinulaan ko nga lang yan. Bolahin mo sarili mo.'

Tinalikuran na ito ni Moka at naglakad na siya palayo. Pero ang lalaki ay hindi nagpaawat at sinundan si Moka at kinulit.

"Ano ba-- Ba-bakit?" Agad napigilan ni Moka ang sarili na sigawan ito.

"Gusto sana kita ayain na magfarm sa Shi forest, ayos lang ba?" Alok ng lalaki.

'Magfarm lang sa Shi Forest kailangan may kasama? Mga level 2-5 lang naman mobs doon, kailangan pa ng back-up? Ang sakit ni kuya sa bangs.' Nagaalburoto na talaga sa inis si Moka.

"Pasensya na pero..."

Hindi natuloy ni Moka ang sasabihin dahil sa lalaking nakuha ang kaniyang buong atensyon.

"Pero?" Nagiseng ang diwa ni Moka dahil sa tanong ng lalaking nasa harapan niya.

"May kasama na kasi ako. Sige alis na ako." Paalam ni Moka rito.

Tumakbo na ito sa gawi ng lalaking kaniyang nakita.

"Sa-saglit!" Hinila ni Moka ang tela ng suot ng lalaki kaya napahinto ito sa paglalakad.

Zodiac War Online NG (ZoWan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon