Habang nagtuturo ang guro sa harapan ng klase nakatitig lang si Mide sa kaibigang si Jaycee. Dahil sa inasta ni Jaycee ng umaga ay hindi ito mapakali na baka may ginawa nanaman si Moka rito. Una kasi lumabas ng bahay si Moka kaysa sakaniya. Tinanong naman ni Mide ang kaibigan pero wala naman daw ginawa sakaniya si Moka.
Pero talagang hindi matahimik si Mide dahil sa inaasta ni Jaycee ngayon. Wala ito sa sarili. At bigla nalang natutulala sa kawalan.
Ilang beses din ito napagalitan ng guro dahil tinatawag ito ngunit patuloy na nakatulala lamang.
Sa kasunod naman na klase kung nasaan si Ginta na panay ang pakikipagdaldalan sa katabi habang ang guro ay nagtuturo. Ng siya ay nahuli, parusa ang inabot niya sa sobrang kadaldalan. Pinatayo ito sa likuran ng silid ng mag-isa sa buong oras ng klase.
*DING*
"YES!" Sigaw ni Ginta sa pagtunog ng bell.
Tumakbo ito papunta sa kanyang upuan at dinampot ang bag sabay labas ng silid. Pumasok ito sa katabing silid at diretso sa upuan nina Mide at Jaycee.
"Yo~" Bati nito sa dalawang kaibigan. Nagtaka naman ito dahil tahimik lang ang dalawa.
"Hey may problema ba ang tahimik niyo ata?" Tanong ni Ginta. Humila ito ng bangko at umupo roon.
"Ah! Gin ikaw pala. Hello." Bati ni Jaycee ng nagiseng sa pagliwaliw.
"Ikaw lang naman ang maingay kapag magkakasama tayo." Ngayon si Mide naman ang nagsalita.
"AHAHAHA! Sabi ko nga eh. Nga pala, may new story mode. Alam niyo na ba?" Napailing ang dalawa sa sinabi ni Ginta.
"Tara gawin natin!? Dala niyo ba mga virtuale gear niyo?" Tanong muli nito. Tumango naman si Mide.
"Oo nga pala! Pasensya na, nakalimutan ko yung akin." Kamot ni Jaycee sa kaniyang ulo.
"Doon nalang tayo maglaro sa bahay niyo Cee. Ok lang ba? Okay lang diba?" Pangungulit ni Ginta sabay kagat sa hawak niyang sandwich.
"Oo naman." At ngumiti si Jaycee.
"Oi Jay ayos ka lang ba talaga? Sigurado ka ba na walang ginawa si Moka sayo kaninang umaga?" Pag-iba ni Mide ng kanilang pinaguusapan.
"Eh?" May katagalan na huminto si Jaycee bago muling magsalita. "Wala talaga Mid. May iniisip lang ako. Ah! Oo nga pala. May nakilala ako sa laro. Morin pangalan niya--"
Pag-iba rin ni Jaycee ng usapan. Sa pagkarinig ni Mide ng pangalan na Morin agad itong nagulat at nagsalita.
"Morin? Isang babae?" Magkasunod na tanong ni Mide rito. Tumango naman si Jaycee na may ngiti sa kaniyang labi.
"Sinamahan ko siya mag collecting quest ng mga pagkain. Nasa 50+ na ang level niya dahil may secondary element na siya pero, marami pa raw siya hindi alam sa laro. Mukhang may nagsama lang sakaniya para maging leech kaya tumaas ang kaniyang level." Kwento ni Jaycee.
Si Ginta naman tahimik lang na nakikinig dahil busy itong kumain.
"Ah. Marami ng ganyan na player ngayon. Nag pa-party sila ng low-level para may dagdag experience sila sa pag grind ng mobs. In the end. Lumalakas ang mga newbie ng walang alam sa laro. Dahil sa mga greedy high level player." Sabi naman ni Mide.
Patuloy ng nagkwentuhan ang tatlo tungkol sa bagong story mode.
Tumingin sa likod si Mide para makita ang ginagawa ng kakambal. Kahit na lagi silang nagaaway at lagi siyang naiinis sa kambal. Hindi pa rin nito mapigilan na magalala dahil wala itong kaibigan ni isa.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online NG (ZoWan)
Fiksi Ilmiah[Cover by TetraMhey] Before reading this, don't forget to read 'Zodiac war online: Shizizuo'. Si Morfy ay isa sa pinaghahanap ng mga player sa Zowan. Dahil sa taas ng pabuya na nakapatong sa kaniyang ulo. Isa rin siya sa sikat na sikat na killer sa...