004: Moka/And/Mide

212 19 2
                                    

Kasalukuyan na free time ng mga estudyante. Pumasok na si Moka sa silid na may dalang puting supot. Binuhos niya ang laman ng supot sa kanyang lamesa at binulsa ang supot. Linuwa ng supot na iyon ang dalawang dutchmilk na orange flavor, dalawang angels burger na buy 1 take 1, at isang chocomucho. 

Habang busy kumakain si Moka, narinig niya ang pagkiskis ng bakal sa harapan.

"Bakit ka nandito? Eeeh, don't tell me wala kang kaibigan, pff-" Pangaasar ni Moka sa babaeng nakaupo sa silya sa kanyang harapan.

Linapag ni Alrie ang lunchbox nya sa lamesa at binuksan ito. Ang laman nito ay apat na iba-ibang flavor na cupcakes.

"Okay lang mangaling yang salitang yan sa iba, huwag lang sayo. Akala mo naman may kaibigan ka rin, pff-" Bawing asar ni Alrie rito. Na kinainis ni Moka.

"Mide..." Mahinang sabi ni Moka. Na silang dalawa lang ni Alrie ang makakarinig.

Halos nataranta naman si Alrie sa sinabing iyon ni Moka at nabitawan ang cupcake na kanyang hawak.

"Hahaha, kidding~" Nginisian ni Moka ito. Habang si Alrie ay maiyak-iyak na dahil sa kaba.

Lalo na't nasa ikalawang row lang ang upuan kung nasaan sila Mide, Jaycee at Ginta. Na nag-uusap usap doon. Naka upo kasi sa third row si Moka. At nasa bandang likuran. Habang sila Mide ay bandang unahan ng second row.

Hindi na muli nagkibuan sina Moka at Alrie at taimtim na kumain.

May dalawang kaklase naman sila na nag-uusap. Nasa likod lang ito ni Moka kaya rinig na rinig nila ang pinaguusapan.

"Nakita mo ba yung new message notification sa Zowan?"

"Hindi pa. Hindi ako nakapag online kagabi dahil pinagalitan ako ni mama.  Ano bang meron?"

"Magkakaroon ng new story mode! Sa team ha, hindi solo. Hindi pa sinabi ang title, mukhang maganda 'to!" Sabik na kwento nito sa kaibigan.

"Woa! Seryoso!? Halos tatlong buwan din hindi sila nag update tungkol dyan! Hindi na ako makapagintay!" Lumakad na ang dalawa palabas ng silid.

"Story mode." Sabay na bigkas ng dalawang dalaga at nagkatinginan sila. At sabay din naman nag-iwas ng tingin.

Sa pagtapos ng klase, dumiretso na ng uwi si Moka. Saan pa ba siya pupunta? Katulad nga ng sinabi ni Alrie, wala ito kahit ni-isang kaibigan. Kaya bahay at eskwela lang ito. Ganon din naman si Alrie. Pero dahil may sweet shop ang kanyang magulang, ang daily routine nito ay school, shop at house.

Ang tatlong binata naman ay dumiretso sa bahay ni Jaycee at ang next stop nila ay ang bahay ni Mide.

Paakyat na sana ang tatlong binata sa hagdan ng makasalubong si Moka. Ito naman ay pababa. Sinamaan ito ng tingin ni Mide. Tinaasan naman ni Moka ng kilay ang kakambal.

"Hello!" Bati naman ni Ginta kay Moka.

Tinignan lang ito ni Moka. Pero hindi niya ito tinarayan katulad ng ginawa nya kay Mide.

"Ma-magandang hapon..." Nagdadalawang isip na bati naman ni Jaycee.

Nagulat si Mide dahil first time nya itong makita na binati si Moka. Alam kasi ni Mide kung gaano natatakot si Jaycee sa kanyang kakambal. Naiintindihan naman nya ito.

Dumiretso ng bumaba si Moka at hindi pinansin ang bati ng dalawa. Na kinainis ni Mide.

Hinawakan nya ng madiin ang braso ni Moka, kaya napahinto ito.

"What?" Inis na tanong ni Moka.

"Huwag ka ngang bastos! Kapag binati ka, bumati ka pabalik." Naniningkit na ang mga mata ni Mide sa inis nya sa kakambal.

Zodiac War Online NG (ZoWan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon