Ano ba ang "utang na loob"? Definitely it is not a kind of slavery. 'Pag may ginawa kang kabutihan sa tao, hindi ibig sabihin nabili mo na siya at pwede mo nang gawin ang gusto mo sukdulang tapakan mo ang kanyang pagkatao (dahil may isasampal kang ginawang pabor sa kanya sa nakaraan) In this case, nawawalang saysay ang kabutihan na ginawa mo dahil mali ang intensyon mo. At tandaan na lahat ay may kanya-kanyang utang na loob sa isa't-isa, iba-iba lamang ang mukha. Kaya wag maningil baka magulat ka at ikaw pala ang may mas malaking halaga ng pagkakautang.
BINABASA MO ANG
Bulay-Bulay at Sari-Saring Gulay Para sa Buhay
PoetryThis is a compilation of my reflections on different aspects of life.