May pagkakataong hindi mo maipaliwanag.
Nandiyang malungkot ka ng walang dahilan,
O kaya nama'y malata ka kahit maayos naman ang pangangatawan.
Pagkakataon na parang ang bigat-bigat ng kalooban mo pero wala ka namang pinapasan.Siguro nga may sariling lengwahe ang katawan.
Minsan 'di mo kailangan labanan dahil
Minsan wala ka namang laban.
Kahit anong paliwanag ang gawin mo
Hindi naman laging "mind over matter".
Kung ano ang nararamdaman niya, minsan,
Kailangan mo lang siyang sabayan.Pero teka.
Mayroon pang sasabay.Sa mga pagkakataon ng buhay mo lalo na
Sa mga hindi mo maipaliwanag na sakit,
Panghihina at bigat,
Kailangan mo lang pumikit.
Daop-palad sa Diyos ay lumapit.
Malalaman mong hindi naman pala ganoon kasama...Mga pagkakataong hindi mo maipaliwanag,
Dahil doon mas magiging maliwanag
Kasabay mo na Siya, 'di mo pa man tinatawag,
At unti-unti, kahit walang sagot, may sinag,
Dadampi sa dibdib na nababagabag
Unti-unting luluwag. Tatatag.
Walang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Bulay-Bulay at Sari-Saring Gulay Para sa Buhay
PoetryThis is a compilation of my reflections on different aspects of life.