"Kapag Nakita Mo Sila"

74 1 0
                                    

May mga bagay tayong isinasakripisyo,
Isinasantabi pansumandali.
Mga hilig sa buhay na tila dulot ay buhay.
Mga kailangang bitawan nang ang pag-ibig ay mailarawan.
Pikit matang gagawin "Ikaw lang ay mapasa akin."

Nangangatog, nangangambang di kayanin
Pansumandali na walang patid sa 'yong pakiwari.
Urong. Sulong. Gulung-gulong.
Hanggang saan magtatapos?
Baka ikaw ay makapos,
Sa pasiklabang unti-unting nauupos.

Lumabas ka.

Lumabas ka sandali nang takot mo ay mapawi.
Kapag nakita mo sila. Kapag nakita mo sila.

Sa pagsilay mo sa dilim ng gabi,
Kung saan dapat tahimik ang sandali,
Tila muli kang babagabagin, mga mata'y mumulatin,
Naghuhumiyaw na sandali,
"Pansumandali" mo pala'y sa kanila ay "parati".

Mahimbing ang tulog, sa lupa
Kumot ay mismong balat.
Hele-hele ng samu't-saring busina,
Usok ang hanging sa kanila ibinubuga.
Kalat ang tingin pero ipis ma'y naglipana rin.
Kapag nakita mo sila. Kapag nakita mo sila.

Saan sila makikita?
Mas mahirap pa ngang kapayapaan ay makita.
Kung saan nagtumpok mga basurang mula sa 'di mo nilunok,
Doon din nagtumpok dahil basura din kung itampok.
Kahariang kanilang pinaghaharian
Dito sa lupa, ngunit 'di sa langit.

"Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit."(Mt 5:3)
Ang langit mo dito sa mundo
gakurot manlamang ay ipadampot.
Para saan ang sakripisyong sa'yo lang ang serbisyo?
Kapag nakita mo sila. Kapag nakita mo sila.

Pagpasok mong muli sa mundo mong maliwanag at tahimik,
Unti-unti mong mapapansin
mas mahimbing pa ang kanilang gabi.
Mas makapal pa ang balat nilang kumot sa lamig.
Dahil ang akala mong walang patid
Mga sakripisyo mong "Ikaw lamang ay mapasaakin"
Sa kanila ay hanging hinihingang,
Hindi maaaring mapatid.

'Wag kang matakot.

'Wag kang mangatog. 'Wag kang matakot
kung ikaw at silay parang wala nang pinagkaiba.
Itinutulak ka lang Niyang bumalik papalabas.
Pansumandali ma'y maghahatid sa kanila ng langit.
Kapag nakita ka nila, Siya ang kanilang makikita.
Kapag nakita mo sila, Siya ang iyong makikita.

Bulay-Bulay at Sari-Saring Gulay Para sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon