Bago "Kayo" Meron Munang "Sila"

34 1 0
                                    

Naisip mo na ba?
Na bago "kayo" meron munang "sila"?
Bago kayo maging maligaya,
Bago kayo guminhawa,
Sila, silang nagsikap, silang naghirap,
silang gumapang para sa iyong pangarap,
Sila muna, bago kayo.

Bago kayo, laging sila.
Pero pagdating sa sarap laging kayo ang una.
Ika nga "isusubo nalang, ibibigay pa nila."

Bago kayo masaktan,
Sa isang bagay na hindi nakamtan,
Sila muna.

Sila munang lumuluha kahit 'di mo nakikita,
Naisin mang "sila" ay makapagbigay
Mga tanging hiling sa iyong buhay,
Papatak nalang ang mga luha
dahil pigain man ang mga mata
hanggang dun lang ang kaya.

Paglipas ng panahon,
Ang 'di nila kaya noon,
Abot kamay mo na ngayon.
"Sila" na iyong sandigan,
Ngayo'y pasan-pasan.

Naiinis. Napapagod. Ngayo'y nayayamot.
Bakit "kayo" ay madaling makalimot
'Di ba, bago "kayo" meron munang "sila"?
Bago ka "kumayo-kayo" sa mga pabebe mo sa buhay mo,
Bago ka magdrama sa "love life" mong walang "life"
Ayusin mo, pagtuunan mo, pansinin mo,

"Sila" na nagmulat sa iyo sa mundong ito
Na nagpadama sa iyo ng tunay na kahulugan ng "life" at "lovelife".

Bago ka mangarap ng "relationship goals" at ano mang goal sa buhay mo,
Sila muna.
Sila muna ang dapat nasa listahan ng "goals" mo.
Dahil may mas mahirap sa 'di mo pagkamit nito,
Ang hatakin ang panahong hindi mo naipadama
na mahalaga at mahal mo "sila"
Dahil puno ka ng "kayo".

(p.s. Kaya akala mo isa nanaman ito sa mga nakakikilig na romansang drama ng pag-ibig. Bago mo atupagin ang kilig, siguraduhin mo munang mga magulang mo'y iyong iniibig.)
-😜 nagmamakata

Bulay-Bulay at Sari-Saring Gulay Para sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon