23

35 3 8
                                    











Jungkook's POV




"Jungkook, alam kong nahuhulog ka na." Liniitan ko ang mata ko sa di pagsaang-ayon sa sinabi ni Hoseok.


"Gusto mo na si Jimin?"


"Hindi tayo dalaga na pinaguusapan ang lovelife." Pumalakpak ng tatlong beses si Hoseok habang humalakhak ng napakalakas.


"Ikaw na din nagsabi ang totoo. LOVELIFE." Tinapon ko ang unan ko sa kanya pero hindi siya natamaan dahil sinalo niya ito.


"Marunong ka pala sumalo, sana ganon din siya sa akin." Binalik niya sa akin ang unan ko na Iron Man at ayon, na flat na ata yung ilong dahil sa ginawa niya. Napahawak naman ako kaagad sa ilong ko napinakaiingatan ko.Humiga naman sa aking tabi si Hoseok sabay hablot naman sa aking popcorn. 


Nanood kami ngayon ng Hwarang at parang fangirl kung makapaghampas at kurot si Seok sa akin kapag lumabas sa screen si Hansung. Hindi naman Sadako na lalabas sa screen, ang ibig kong sabihin eh kung ipapakita nila ang scene na kabilang si Hansung. Daig pa ang babae kung magfangirl, kulang na lang na sabunutan niya ako.


"Musta na pala kayo ni Taehyung?"


"Wala naman. Okay lang, may tanong ako sa kanya kanina pero hindi niya nasagot kasi dumating si Jimin." 


"Jimin?" Umayos naman siya sa pagupo sa isang kisapmata. Pagtritripan nanaman niya ba ako dahil nabanggit ko ang pangalan na Jimin?


"Oy, bakit nagseselos ka ba? Ayieee, dalaga na si Jungkooke nako nako~" Susuntukin ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko at inirapan na lang siya. 


"Tsk, hindi. Kaya sinundan mo kung saan pupunta si Jimin at kasi alam mong kasama ko siya?"


"OA mo, hindi naman ako sasaeng fan."  


Tumahimik ang buong paligid ng ilang oras dahil tutok na tutok kami sa panonood ng Korean Drama na Hwarang, sa banda kung saan lalasunin nia sana si Sun Woo pero nalaman ito ni Hnasung kaya ininakripisyo niya ang kanyang sarili sa kapakanan ng kanyang kuya.


Hinabot niya ang espada't bumagsak ang kanyang tuhod. Narinig ko naman ang paghikbi ang ni Hoseok kaya kinuha ko ang tissue at inabot ko sa kanya habang ang mata ko ay nasa screen padin.


"Imagine'n mo na si Taehyung yan, niligtas niya ang isang mahalagang tao para sayo." 

BTS FF OTP VHope || Jikook: Too dumb, too late (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon