Nang magising ako ay agad kong nakita ko si cylome na nagaayos na ng kanyang sarili.
"Magandang umaga!!" Masiglang bati ko sa kanya
"Magandang umaga prinsesa." Pang aasar sa akin na siyang nakapagpasimangot sa akin
"Hehe joke lang magayos ka na dahil pupunta na tayo sa piging" masayang anunsyo nito.
Tumango ako at ngumiti at saka ako tumayo para maligo at nang matapos ako maligo ay agad naman akong nag ayos ng aking sarili. Isinuot ko ang puting dress na ibinigay sa akin ng empress at pagkatapos ay lumabas na kami ni cylome ng dorm building namin para pumunta sa hall.Habang naglalakad ay hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa akin lalo na dahil sa kakaibang kulay ng aking buhok at ang mga dyamanteng nakalagay rito.
Pagpasok namin sa bulwagan ay napunta sa akin ang atensyon ng mga estudyan na ngayon ay nakatingin sa amin este sa akin na may mga mukhang gulat na gulat habang nakatingin sa kwintas ko.
'Di ba kwintas iyan ng reyna?'
'Bakit naging kulay puti ang buhok nya at may dyamante pa'
'Di ba puti ang kulay ng maharlika bat naging puti yung kanya?''Siya yung bagong estudyante na nakaaway ni Irenea kahapon diba?'
'Baka nagpakulay lang sya ng puti'
Narinig kong bulungan ng mga tao sa paligid namin ni cylome. May kanya kanya silang opinyon at wala akong pake doon dahil wala namang mangyayare kung papansinin ko sila. Habang naglalakad ay nahagip naman ng paningin ko si raeon na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang emosyong bumabalot sa gwapo nitong mukha. Teka? Napangiwi ako sa nasabi ko. Gwapo kamo? Hays, oo na gwapo na siya."Magandang umaga sa inyong lahat!!" Bati ni empress sa lahat ng nasa bulwagan
"Magsisimula na ang taon at sa pagsisimula nito ay nais kong ipakilala ang susunod sa yapak ng ating reyna ferra ang napili nya ay si SCARLETTE TRINITY"Pagpapakilala nito sa akin pinaakyat nya ako sa stage
" ang tunay na prinsesa ng ercadia!" Magiliw nitong anunsyo
Nagpalakpakan sila habang nagcourtsy ako sa harap nila Nilibot ko ang paningin ko at hindi nakaligtas sa akin ang masamang tingin sa akin ni Irenea at ng mga kaibigan nya. Tingin na may halong inis, galit at inggit. At muli ay nagbulungan ang mga tao.
'Akala ko si Irenea ang crown princess''Hala totoo nga'
'Omg kawawa naman si Irenea'
'Bagay naman sa kanya. Ang ganda niya eh'
Bumaba na ako dahil tapos na ang anunsyo at lahat ng estudyante ay nagsibalikan na sa kanya kanyang klaseWala kaming uniform dito kundi dress lang at longsleeves sa mga lalake depende sa kulay ng aura nila. Wala ding makikitang black na damit dito dahil walang kulay na black. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero ang naiisip ko lamang ay baka ito ay sumisimbolo sa negative aura
![](https://img.wattpad.com/cover/14314693-288-k568442.jpg)
BINABASA MO ANG
Chosen
FantasyOnly one unique person shall be chosen to face the challenge and change the world.