Huminga ako ng malalim bago ilapat ang aking mga paa sa bagong paaralang papasukan ko. Matinding kaba at kakaibang pakiramdam ang lumukob sa buong pagkatao ko. Maraming estudyante ang nakatitig sa akin na para bang isa akong kakaibang nilalang na para bang hindi ako nararapat sa lugar na ito.
"Hi !!" Bati sa akin ng isang babaeng may kulay kahel na buhok at mga pulang mga mata
"H-hello" nahihiyang bati ko sa pabalik sa kanya
"Scarlette Trinity right ?" Nakangiting tanong nito sa akin
"oo" tipid kong sagot
"Cylome Forte ako ang makakasama mo sa room mo, tara na ng makapagsimula ka ng magayos ng gamit mo" pagpapakilala nito sa akin at saka niya ako hinila sa kung saan
nakarating kami sa isang malaking building sabi sa akin ni cylome ito ang building ng mga dorms namin. Simula sa third floor hanggang second floor ay ang dorm ng mga lalaki , sa first and second floor naman ay ang dorm ng mga babae.Umakyat naman kami sa ikalawang palapag ng building at tumigil sa isang silid na may numerong 201 sa itaas nito
Pinasok namin silid Mayroon itong tatlong kama at sa gilid ng bawat kama ay isang maliit na cabinet. Habang may isang maliit na pinto naman na nagsisilbing banyo. Sa gilid nito ay ang tatlong malalaking cabinet na sa tingin ko ay lagayan ng mga damit at gamit namin.
"Yung pangalawang kama at cabinet ang sa iyo." Sabi ni cylome
"sige. Tayo pa lang ba ang naririto ?" Tanong ko
"Oo bukas pa daw dadating yung isa pa nating kasama dito sa silid" masiglang wika niyaNapatingin ako sa kama niya at nakita kong marami pang gamit ang naroroon. Mukhang nagaayos pa rin siya ng kanyang mga gamit marahil ay kadadating niya lang rin rito kanina.
Agad kong binuksan ang mga maletang aking dala dala at tinanggal isa isa ang ang aking mga gamit at nilagay ito sa malaking cabinet.
Nagulat ako sapagkat nag iba ang kulay ng cabinet ng ito'y aking hawakan.
"Ganyan iyan ang kulay ng cabinet ay dumedepende sa mood mo." Cylome
"Ah.. pero paano nangyari yun ? I mean totoo ba yun or may science behind this" manghang mangha kong tanong
"Hahaha walang science wala nun dito di mo pa ba alam ?" Tumatawang tanong nya
"Huh? Ang alin ?" Nagtatakang tanong ko
"Na may spe-" naputol ang sasabihin nya ng may biglang kumatok sa pinto
binuksan ko ang pinto at napanganga sa kagwapuhan ng nilalang na nasa harap ko. Violet ang kanyang mga mata at pula naman ang kanyang mga buhok mayroon din syang matangos na mga ilong at matikas na pangangatawan.
"Are you done praising me ?" tanong nya aba't !!
"Who's prasing who? " Taas kilay kong tanong sa kanya
"Chill babe, sumama ka sa akin" sabi nya habang nakataas ang kamay na parang kriminal na susuko na
"Babe your face !! Why would I go with you? "iritang tanong ko saka ko siya inirapan.
"Tsk. Because you have to" he annoyingly said at bigla nya na lang akong hilahin palabas ng silid at wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. What the hell?
Nakarating kami sa kabilang building at pumasok sa isang garden na may pintong napapaligiran ng mga naggagalawang vines.May binulong ang kasama ko at unti unting bumukas ang pinto.
Nagulat ako sa nakita ko dahil isang magandang babae ang naglalaro kasama ang mga nagtatakbuhang pulang mga rosas.Oo tama kayo ng basa. Nagtatakbuhan ang mga rosas na parang mga batang paslit.
Nakasuot sya ng isang berde na long dress mayroon ring mga dahon ang ilang hibla ng kanyang buhok. At mayroon rin syang korona na puno ng mga bulaklak. Berde rin ang kanyang mga mata at labi. Isang Diyosa?
"Lumapit ka rito binibini, maari mo na kaming iwanan raeon (reyon)" sabi nya
Tiningnan ko lalaking kasama ko na tinawag niyang raeon na tumungo muna bago umalis. Saka ako lumapit sa babae.
"Kamusta ka scarlette? " panimula nya
"Mabuti naman. Paano nyo ako nakilala" takang tanong ko sa kanya
"Hmmm paano nga ba ? alam ko kasing nakatadhana kang pumasok sa paaralang ito para hasain ang iyong kakaibang kakayahan." Masaya niyang sagot nya
"Po? Ano pong kakayahan?" Nagtatakang tanong ko
"Marami iha marami kang natatagong kakayahan espesyal ka sa lahat ng estudyante ng paaralang ito." Sagot nya
"Teka po hindi ko po maintindihan ang sinasabi nyo at nagtataka po ako bakit ang weird ng mga bagay dito. Habang naglalakad po kami ni raeon eh parang tumutungo ang mga puno para hindi kami mainitan. At yung mga bubuyog na nadaanan ko kanina ay sumusunod sa akin at nakikipaglaro. Tapos yung pintuan ng hardin ninyo ay may mga gumagalaw na vines at bakit kakaiba ang mga kulay ng mga mata at buhok ninyo. At panghuli bakit may buhay ang mga rosas ninyo ?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
Tumawa muna ito bago sumagot
"Hindi ordinaryo ang mga estudyante sa paaralang ito lahat ng mga naririto ay may kakaibang kapangyarihan. Ngunit Ikaw ang bukod tangi sa lahat. Dahil sayo lamang sumunod ang mga royal bees. Alam mo ba ang ibig sabihin noon?" Tanong nya sa akin
"Hindi po" inosenteng sagot ko rito
"Ibig sabihin nun ay isa kang prinsesa." Paliwanag nya
"Paano po nangyari iyon gayong wala na akong pamilya. At natitiyak kong hindi naman hari at reyna ang aking mga magulang." Paliwanga ko sa kanya
"Ikaw ang pinili ng Diyosa Scarlette, ikaw ang susunod sa yapak nya. Ito ang kapalaran mo maari mo itong talikuran ngunit hindi mo ito matatakasan." Nakangiting paliwanag niya
Iniabot nya sa akin ang isang malaking box na hindi naman ganoon kabigat at isang kwintas.
"Dalhin mo yan para makilala mo pa ang iyong sarili. Isuot mo ang dress sa loob ng box na yan bukas sa isang piging. Maaari ka nang bumalik sa iyong silid" Utos nito sa akin
Aalis na sana ako ngunit bigla ko siyang hinarap dahil may nakalimutan akong itanong
"Ano pong pangalan nyo?" Tanong ko rito
"Ako si Beatriex (beatrey) ang tagapangalaga ng mga puno at halaman, ako ang namumuno sa eskwelahang ito. Empress ang itawag mo sa akin" pagpapakilala nya habang may nakakapagpakalmang ngiti sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Chosen
FantasíaOnly one unique person shall be chosen to face the challenge and change the world.