TAMA lang naman ang ginawa mo haliparot na yon Irenea. Dapat siyang mawala sa landas mo dahil aagawin niya ang lahat sayo ang korona at ang lalaking mahal mo. Bulong ko sa sarili ko nang malaman ko na naging tagumpay ang curse na ibinigay ko kay Scarlette ang fake princess.
Naglalakad sa may hall patungo sa library ng biglang may humila sa akin. Nagulat ako kaya hindi ako nakapagreact agad sa kung sino man ang humila sa akin, at bigla na lang ako nitong itinulak sa pader bahagyang napangiwi ang aking mukha dahil sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatama nito.
"Anong ginawa mo Irenea." Cold nyang sabi nakakatakot siya dahil nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata.
"R-raeon anong sinasabi mo?" Takot kong tanong sa kanya. Nanginig na rin ang boses ko dahil sa kaba
"I know you. What did you do to SCARLETTE" Gigil nitong tanong at may diin sa pangalang scarlette.
"w-wa-wala" nanginginig ang boses na pagtanggi ko
" I can read your mind stop lying to me. " he said then smirk at mas lalo pang nag apoy sa galit ang mga mata niya
"she deserves it. she deserve to DIE !!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko
"That Bitch deserve to die!! Can't you see? Inagaw ka niya sa akin, inagaw niya lahat ng dapat para sa akin. Lalo ka na. Akin ka dapat pero bakit siya yung lagi mong kasama. Akin ka pero bakit hindi ako yung pinili mo? Ako yung matagal nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako ang pinaglalaban mo ngayon" Naiiyak kong sigaw dahil hindi ko na kaya itago ang sakit at yung puso ko punong puno na ng galit at inis
"Hindi ako sayo. Lahat ng mayroon siya ay hindi sa iyo. Hindi niya deserve to. Alam mo kung bakit? Kasi hindi siya bitch at sa inyong dalawa ikaw ang bitch! " galit na sigaw ni Raeon sa akin saka ngumisi ng parang isang demonyo.
"She won't die. I know what should i do in order to save her. Thanks !!" He added then leave
Napanganga ako sa sinabi nya. Shit !! Wrong move IRENEA. pero hindi ko naman pwedeng bawiin ang curse because it will come back to me. I dont want that to happen.
May iba pa naman sigurong paraan para mawala sa landas ko ang babaeng 'yon. Walang kahit na sino ang makakapigil sa akin. Kung inaakala nila na natatapos na ang lahat rito. Nagkakamali sila. Nag uumpisa pa lang ako. Ang Reyna ng Ercadia.
*******
I woke up nasa kwarto na ako. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyare. Scarlette ano bang nangyayare sayo bigla ka na lang hinimatay kanina tanong ko sa sarili ko. Parang kanina kasama ko sila caleb sa canteen. What happened?
Bumukas ang pinto ng silid namin at isang lalaki ang pumasok. Naramdaman ko naman agad ang paglapit sa akin ni SCAEON at humiga sa hita ko. Agad kong hinimas ang tiyan nito dahil mukhang nagpapalambing lang naman ito.
"Kamusta ka na?" Tanong ng lalaking kakapasok lang. Halatang halata ang pag aalala sa mukha nito
"who are you?" Diretsa kong tanong rito
"Raeon Stone" sagot nya then smile
Kyaaaaa ang pogi naman niya. Makalaglag panga ang pag ngiti niya sa akin. Kakeleeeg nemen.
"Ah- teka paano mo ako nakilala?" Nagtatakang tanong ko
"Im your boyfriend of course!!" He exclaimed teka galit ba siya? Bakit siya sumigaw napasimangot tuloy ako.
"Your my what?" I asked again
"Boyfriend" simple niyang sinabi iyon pero ang ganda pakinggan sa ears haha.
Pero paano nangyari yun? Naguguluhan ako. Wala akong naalalang may boyfriend ako. Bakit hindi ko siya maalala. Napapakamot ako sa ulo ko dahil naguguluhan na ako.
"i'll explain tomorrow just rest okay goodnight" he said then give me his warm smile.
Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo. Namula naman ang pisngi ko sa ginawa niya. At syempre kinikilig ang lola niyo hihi. Akmang lalabas na siya ng kwarto ng pinigilan ko siya.
"Wait!" Pigil ko sa kaniya
Lumingon naman ito sa akin at isinarado ang pinto saka naglakad patungo sa upuan sa tabi ko.
"Why honey?" Malambing nitong tanong
Honey? Sasabog na ako sa sobrang pula ng pisngi ko anak ka ng tokwa.
"You're so cute when you blush" natatawang komento nito sa akin
"Ahm, can you stay for a while and tell me everything. Okay naman na ako. Ayoko pang matulog at saka wala pa naman sila Cylome wala akong kasama" nahihiyang pakiusap ko rito
Tumango siya at muling ngumiti sa akin. At pinausod ako at saka siya umupo sa tabi ko at tumingin sa akin.
"Well, to start off. I am Raeon Stone Your boyfriend. At kanina someone curse you at naging dahilan kung bakit mo ako nakalimutan. And di ko na hahayaang masaktan ka niyang muli Scarlette" kwento nito sa akin
"Sino siya? " I confusedly ask
"Irenea is her name. Do you remember her?" Seryosong tanong nito
"Uhm, yeah. Siya yung nagbigay ng warm welcome sa akin ng unang araw ko rito at siya yung nang away sa akin kanina before ako himatayin" kwento ko sa kanya
"Warm welcome?" Nagtatakang tanong nito
"Oo. Note the sarcasm. First day ko pa lang dito galit na siya sa akin" dagdag ko pa
Nakita ko namang nag alab ang mga mata niya sa galit. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya hinalikan sa labi para kumalma siya. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin para gawin iyon. Naramdaman kong nanigas siya pero agad naman niyang tinugon ang halik ko at humawak sa mga pisngi ko. Natigil lang kami ng biglang bumukas ang silid.
"I will get going now. Rest well okay?" Nakangiti nitong pagpapaalam sa akin
Tumango naman ako at saka ngumiti. Napatulala naman ako ng maalala ang matamis niyang mga labi.
Nanaginip ba ako? Sana hindi ang pogi at ang bait niya anak ng siomai. Pero bat di ko maalalang boyfriend ko sya? Ano ba yan. Pano kaya kami nagkakilala?
"Earth to scarlette" naririnig kong tawag sa akin ni Cylome
"Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Cordia
Namula naman ako at saka nahiga at nagtalukbong. Narinig ko naman ang malakas na tawa ng dalawang bruha at pinagkakaisahan na naman nila ako. Mga baliw talaga.

BINABASA MO ANG
Chosen
FantasiOnly one unique person shall be chosen to face the challenge and change the world.