Kabado ang lahat dahil ngayon na ang aming pagsusulit kung kaya't andito kami ngayon sa harap ng isang malaking pinto at sa labas nito ay ang tinatawag na enchanted forest kung saan magaganap ang pagsusulit.
Ang enchanted forest ay puno ng iba't ibang uri ng nilalang at mga elemento. Delikado ang lugar na ito kaya ang pagsusulit ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Kapag bumagsak kami ay kamatayan ang magiging kapalit na siyang nagbigay sa akin ng mas matinding kaba at pangamba.
"magsisimula na ang inyong pagsusulit galingan ninyo !! Ang kailangan lang ay mahanap nyo ang isang gintong laso at makalabas ng buhay" paliwanag ng propesor namin
Ang gintong laso ay pagmamay-ari ng mga witch na nakatira sa loob ng kagubatan kailangan mahanap ang bahay nila at huwag magpapahuli ng buhay dahil tiyak na hindi maganda ang mangyayare kapag nahuli ka ng mga ito.Agad akong pumasok sa pinto at bumungad sa akin ang isang madilim na kagubatan. Tanging ilaw lamang mula sa buwan ang nagiging liwanag ko sa kadiliman
Naglakad lakad ako at nagpalinga linga sa paligid ng makatanaw ako ng isang maliit na kubo. At mukhang ito na ang bahay ng witch na tinutukoy ng propesor. Agad akong nagfocus upang maging invisible ako at hindi ako nito makita.Pinasok ko ang bahay nito, may kalumaan na rin ito at madami ring mga gamit na pangwitchcraft ang makikita dito agad ko namang hinanap ang gintong laso. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko ito kaagad. Agad ko naman iyong kinuha at nagmamadaling lumabas ng biglang may bumato sa akin ng isang bolang nagliliyab sa asul na apoy. Nailagan ko naman ito agad at Mukhang natunugan na ng witch na naririto ako. Hinanda ko ang sarili ko dahil mukhang mapapalaban ako.
Nakita ko naman ang isang babaeng nakaitim at masama ang tingin sa akin hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa kadiliman ng paligid ngunit kapansin pansin ang kanyang asul na mga mata.
"Pangahas hahaha . Tingin mo ganon lang kadali ang pagkuha mo sa akin ng lasong iyan?" Natatawang sabi nya sa akin.
"Nagkakamali ka prinsesa. Hindi ko hahayaang makalabas ka dito ng buhay hahahaha ! Dudurugin kita sa mga kamay ko hanggang mawalan ka ng hininga" Dugtong nyaHinipan nya ang flute na hawak nya at nakaramdam ako ng pagkahilo at ang unti unting pagbigat ng mata ko. Hindi maari balak niya akong patulugin.
Kinuha ko ang fire dagger ko at sinugatan ang braso ko upang hindi ako antukin dahil sa hapdi at sakit.
Kinuha ko ang isa ko pang fire
dagger at binato ko sa kanya. Nailagan nya ito ngunit nadaplisan ang kanyang pisngi. Ngumisi ito na parang demonta
pinatamaan nya ako ng thunder balls ngunit nailagan ko ito nagteleport naman ako sa likod nya at naginvisible saka ko nilabas ang diamond sword ko at isinaksak sa likod niya. Agad naman niya iyong nailagan humarap siya sa akin at may ibinulong.At bigla na lamang akong hindi nakagalaw sa pwesto kong ito. Shit. Pumupulupot sa akin ang makakapal na vines at dahan dahang lumapit sa akin ang witch na may ngiti sa mga mukha.
"Hindi mo ako maiisahan scarlette." Kalmadong wika nito
Ipinikit ko ang aking mga mata, maya maya pa ay nakalaya na ako mula sa makakapal na vines dahil sinira ko ito gamit ang katawan kong umaapoy.

BINABASA MO ANG
Chosen
FantasyOnly one unique person shall be chosen to face the challenge and change the world.