Chapter 14

1 0 0
                                    

Ganoon pala ang nangyare kay Crono at kung bakit tinawag siyang King of the underworld. Ibig bang sabihin ay hindi pa siya napaparusahan ng Dyosa ng buwan?

"Mali po ba ang pagkakakilala ng mga tao kay Crono?" Tanong ko kay empress matapos kong masaksihan ang mga pangyayare

"Maaring oo maaring hindi, dedepende iyan sa iyo. Hindi pa naman tapos ang kwento" makahulugang sinabi ng empress

"Paano pong hindi pa?" Naguguluhang tanong ko rito.

Ngiti lang ang tanging isinagot nito sa akin.

Maya maya pa ay dumating na ang magugulo kong kaibigan. At mukhang pinatawag sila ni empress habang inaalam ko ang buong pangyayare sa pinagmulan ni Crono.

"Kumpleto na po kami" masayang anunsyo ni Cordia

"Mabuti, Ngayon ay magsi upo na muna kayo sa lamesang iyon at hintayin ninyo ako" saad nito at sala itinuro ang lamesa na malapit sa amin. At agad naman kaming umupo doon habang inaantay si empress.

"Hindi ka nagsasabi sa akin kung asan ka nagpunta" pagmamaktol naman ni Raeon sa akin

"Pasensya na. Sa susunod sasabihin ko na" Paghingi ko ng paumanhin na ikinangiti niya

"Pabebe mo gurl" natatawang asar dito ni cylome

"Caleb oh inaaway ako ni Cylome" sumbong naman ni Raeon kay Caleb

Napailing iling naman si Caleb at saka sumagot

"Totoo naman eh" pag sang ayon nito kay Cylome

Napuno nang tawanan ang lamesa namin at panay ang bangayan ni Caleb at Raeon hanggang sa dumating si empress at naupo sa harap naming lahat.

"Ipinatawag ko kayo para sa isang mahalagang misyon" Pagsisimula nito

"Nais kong malaman niyo na upang sukatin ang kakayahan at determinasyon ninyo ay kailangan ninyong maglakbay upang hanapin ang mga kabiyak ng mga brilyanteng nasa sa inyo. Upang mas maging malakas at makapangyarihan kayo." Paliwanag nito sa amin

"Kelan po kami magsisimulang maglakbay?" Tanong ni Wave

"Bukas, kaya ihanda na ninyo ang inyong mga sarili dahil mabigat ang magiging hamon sa inyo ng mga Brilyanteng kailangan ninyong hanapin" Imporma sa amin ni empress

Pagkatapos ng pagpupulong ay kaagad kaming nagsibalikan sa aming quarters. Ang iba sa amin ay may kanya kanyang inaasikaso habang sila caleb at cylome ay busy sa pagluluto ng magiging tanghalian namin.

"Scaeon, hindi ko alam kung pwede kitang isama sa misyon ko ngunit mukhang hindi pwede dahil masyadong delikado sa labas" pagkausap ko sa pusa ko

"Sabi ni empress, sa kanya mo daw iwanan si scaeon" singit naman ni Raeon sa usapan namin ni Scaeon

Malungkot ako dahil gusto kong laging kasama ang alaga kong si Scaeon ngunit mukhang imposible na iyon dahil may misyon kami at ayoko namang ipahamak ito.

"Wag ka nang malungkot ayos lang ako" Nagulat ako dahil may narinig akong boses

"Scaeon ikaw ba yun? " tanong ko rito

"Oo, nagulat ba kita hehe" sagot naman nito

"Nakakapagsalita ka?" Amaze kong tanong rito

"Oo naman, lahat naman ng hayop nakakapagsalita. Kaya lang pili lang ang may abilidad ng tulad mo na kaya akong unawain" narinig ko ang masayang emosyon sa boses nito

Napangiti naman ako at saka hinaplos ako ang ulo nito hanggang sa makatulog na lamang ito. Ganito naman ito lagi eh. Mabilis makatulog.

Napapipikit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko agad naman akong sumandal sa pader at may biglang pumasok na senaryo sa utak ko.

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon