Chapter 9

6 2 0
                                    

Inaantay kong matapos maligo si Cordia dahil sabi niya may pupuntahan kaming tatlo ni Cylome.  Isang lake na malapit lang  dito sa school siguro gusto nilang sumagap ng fresh hair ng mga bruha. Maya maya pa ay biglang may kumatok sa pintuan namin. Agad ko naman iyong pinagbuksan at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni raeon.

"Goodmorning babe!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

"Babe?!" Natatawang tanong ko

"Yeah, girlfriend kita right?" Sabi nya sa akin

Tumango ako

"I mean babe ba ang tawagan natin?" Tanong kong muli rito

"Yeah.. anyway can i invite my girlfriend for a date." Aya nya sa akin.

"Date?!" Napasigaw ako dahil sa gulatw

" chill ka lang babe sigaw ka ng sigaw eh. Yes, A date" sabi nya

"Ah ano kas-" naputol yung sasabihin ko

"sige pwede sya. Wala naman kaming lakad ngayon eh. Saka magkikita pala kami ni wave. Sige una na kami ni cylome sa inyo ha?!" Sabat ni cordia

Hay. Ano ba naman tong babaeng to pahamak talaga. Hindi naman sa ayaw kong kasama si Raeon kaso eh Ewan hahaha bahala na.

Lumabas na kami ni raeon at nagpunta sa  labas ng paaralan. Kung saan mga normal na tao ang makakasalamuha namin. At ang una naming pinuntahan ay ang mall na malapit lang dito sa eskwelahan namin. Sabado nga pala ngayon kaya pwede kaming lumabas hanggang alas sais nga lang ng hapon. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Irenea na masama ang tingin sa akin.

"Don't mind her" bulong ni raeon sa akin

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad at tumigil sa isang shop dito sa mall isang shirt printing shop. Agad naman niya akong hinila papasok sa loob niyon. Habang tumitingin ako sa paligid ay bigla niya akong inabutan ng shirt

"Sukat mo to" aniya at tumango naman ako at tinanggap ang shirt

May maliit itong print sa may dibdib banda at ang nakalagay ay Mi Amore. At may puso naman ito sa tabi ng sulat na Mi amore.

Sinukat ko naman at tama lang naman sa akin ang size nito. Nang lumabas ako ay binili naman namin agad yung shirt at mayroon din siya nun. Ngayon ko lang narealize na couple shirt pala yung binili niya na yun. Agad kaming nagtungo sa restroom para magpalit ng damit. At nang lumabas ako ay hinawakan nya agad ang kamay ko habang nagsimula na kaming maglakad.

"Babe?" Tawag nito sa akin

"Bakit?" Sagot ko rito

"Wala." Bigla syang tumahimik

Tapos bigla na lamang umalis. Nagteleport ito sa kung saan mang lupalop na hindi ko alam. Kaya naiwan ako mag isa rito na parang tanga at nakatunganga.

Naglakad na ako paalis. Pumunta ako sa tabi ng mall kung saan may parke at doon ko na lang binaling ang atensyon ko kesa isipin ang lalaking nang iwan sa akin na parang wala lang.

"Aray!!" Sigaw ko dahil sa sakit

Ouch ang sakit. Nadapa ako dahil sa tangang batong to alam ng daanan dito pa nagmodel bwisit

"Ang lampa mo talaga tsk" narinig kong wika ng nasa Likod ko

Napasinghot ako dahil naiiyak na ako. Ang malas malas ko naman ngayong araw. Teka binuhat ako ng di ko kilalang lalake  tas nagteleport naman kami sa isang lake. Teka sino ba to?  Iniupo niya ako sa isang malaking bato roon at napatingin sa mukha niya. Raeon? Tanong ko sa isip ko.

"sorry na." Malambing niyang saad habang ginagamot nya yung sugat ko

"Iniwan mo kasi ako eh." Pagmamaktol ko rito

"Sorry." Paghingi niya ng pasensya at umupo ito sa tabi ko

Naramdaman ko nagdikit yung mga dulo ng ilong namin nakatingin sya sa mga mata ko at ganoon rin ako sa mga mata niya. Napalunok ako ng dumako sa mapupula niyang labi at maya maya pa ay hinalikan nya ako sa labi na ikinapula ng mukha ko. At muli niya akong hinalikan sa tungki ng aking ilong.

"Speechless babe?" Pang aasar nito sa akin

"Kaya kita iniwan kasi ayokong mainis sayo kasi di mo rin ako tinatawag na babe. Di ko naman inexpect na lampa ka" natatawang kwento nito

sinamaan ko naman siya ng tingin

"haha joke lang." Dagdag pa nito

"Sorry din. Ayoko kasi ng babe eh. Di ako komportable" Pag amin ko rito

"Then what do you want?" naguguluhan niyang tanong sa akin

"Irog" nakangiting sagot ko rito

"Osige irog ko " malambing niyang tawag sa akin

Pagkatapos nun inaya ko siyang bumalik sa parke at una kong itinuro sa kanya ang dirty Ice cream na cookies and cream ang flavor. Sumunod ay nagpunta kami sa nagtitinda ng tuhog tuhog at saka kami bumili. At dahil hindi pa ako busog ay inaya ko naman siyang kumain ng inihaw.

"Masaya ka ba? " tanong nito sa akin habang nakaupo kami sa maliliit na duyan at kumakain ng mga pina ihaw namin

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Gusto mo bang kumain muna tayo ng hapunan bago bumalik sa eskwelahan?" Tanong nito sa akin

"Hmm. Sige. Pero gusto ko sa jollibee" Nakangiti kong sagot rito.

Natawa naman ito at mukhang masaya rin naman ito tulad ko. Nang maubos naman namin ang kinakain naming inihaw ay agad kaming naglakad lakad at humanap ng jollibee sa paligid.

At matapos ang matagal na paghahanap ay agad naman naming nakita ang jollibee.

Agad kaming pumila at pinahanap ko na siya nang uupuan namin at ngayon ako na ang oorder.

"Miss dalawang 2 piece chicken with 2  extra rice. Tapos dalawang large fries at dalawang jolly hotdog. Saka padagdagan ng dalawa pang gravy" Order ko sa cashier na nasa harapan ko

"Drinks po maam?" Tanong nito

"Coke large" tipid kong sagot

"Dine in take out?" Tanong nito muli

"Dine in." Sagot kong muli

"Anything else maam?" Pagsisigurado nito sa order ko.

At naalala ko ang dalawa kong kaibigan.

"Miss pakibukod na lang nitong isa ko pang order. Take out."

"Okay po maam. What is your order?"

"6 pcs chicken bucket. Yung may kasama na sanang side dish at rice. Tapos tatlong burger steak 3 large fries at 3 burgers tapos Coke ang drink and yung isang set din ng peach mango pie. Pa add na lang rin ng 2 extra rice and gravy. Thats all" nakangiti kong order

At nang makuha ko ang order ko ay to follow up na lang daw yung take out. Hinanap ko naman kung saan siya nakapwesto at nakita ko naman agad siya sa may gilid ng bintana.

Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa tapat niya. Nagsimula naman kami agad kumain ng tahimik at maya maya pa ay dumating na ang take out ko. Dahil nauna siyang natapos ay pumila siya para daw bilhan niya rin ang mga kaibigan niya.

Matapos kaming kumain ay dala dala naman namin ngayon ang pasalubong namin sa mga kaibigan namin. Agad niyang hinawakan ang isa kong kamay at nagteleport  papunta sa Dorm namin. Agad siyang nagpaalam dahil medyo mabigat ang dala niyang pagkain.

Agad kong binuksan ang pinto at narinig ang nakakabinging irit ng dalawang bruha

"Kyaaaaaaah." Irit nung dalawa

"Ayieee san kayo nagpunta girl?" tanong ni cordia

"Secret " sagot ko

"Hihihi a date." Sabi ni cy

"ay nako manahimik kayo kung hindi di ko kayo papakainin ng pasalubong na dala ko" Pagbabanta ko sa kanila

At nang makita nila ang mga dala ko ay nagningning ang mga mata nila. Hinainan ko naman sila habang sabay sabay naman kaming kumain habang kinukwento ko sa kanila kung saan pa kami nagpunta at kung ano pa ang mga nangyare.

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon