Chapter 15

3 0 0
                                    

Dumating ang hapunan ngunit hanggang ngayon ay nanatili akong tahimik. At ngayon ay nanatili ako dito sa aming silid at naririto rin si Cylome at Cordia.

"Bakit ang tahimik mo?" Nagtatakang tanong ni Cylome

"Alam niyo ba? Alam niyo ba na hindi naman talaga kami ni Raeon?" Deretsahan kong tanong sa kanila at nagkatinginan naman ang dalawa.

"Let us explain first pwede?" Pakiusap ni Cordia

Huminga ako ng malalim at agad naman akong tumango sa mga ito.

"Sis, Oo alam namin ang deal niyo at ang totoong estado ng relasyon ninyo. And hindi namin ito sinabi kasi.." Nagdadalawang isip na sagot ni Cylome

"Go ahead tell her." Narinig ko ang seryosong boses ni Caleb mula sa pinto na kanina pa ata nakikinig sa amin.

"Because the curse that is put upon you is the curse of fesha." Pagtutuloy ni Cylome. Itinaas ko ang kilay ko at naghihintay sa paliwanag kung ano ba talaga ang curse of fesha na yan.

"Ang curse of fesha is a love curse. Kung sino man ang nagcurse sayo siya ang pipili nang taong dapat mong makalimutan. And since si Raeon ang pinili niya nakalimutan mo naman si Raeon. And the only way to save you from this curse is to be with Raeon and fall in love with. And it did worked" Pagbubuod ni Caleb sa mga nangyare

"And dahil naalala mo na. Ibig sabihin magaling ka na. And we all know here na nahulog ka na kay Raeon. Don't deny it." Dagdag pa ni Cordia. At hindi ako makapaniwala sa sinabi nila.

"Did Raeon knows all this?" Tanong ko sa mga ito at agad naman silang umiling. Napansin kong naririto rin pala si Wave

"Hindi niya alam na nahulog ka na sa kaniya. Ang alam niya lang ay kailangan lagi kayong magkasama para gumaling ka" Nakangising sagot ni wave

"So basically sis, hindi alam ni Raeon na mahal mo siya" Paglilinaw ni Cordia

Sumakit ang ulo ko sa kalokohan ng mga ito. Hindi ko alam kung magagalit ba ako or what? They tricked me and Raeon pero they did that para iligtas ako. But the disadvantage was, nahulog ang loob ko kay Raeon and hindi ko na alam ang gagawin ko. Im in a big mess.

Matapos nilang magpaliwanag ay iniwan nila ako sa kwarto para daw makapag isip isip ako. At habang nakatulala ako ay mabilis na lumapit sa akin si Scaeon at umupo sa mga hita ko.

"Tama naman ang ginawa nila para sa akin." Pukaw nito sa atensyon ko

"Scaeon naman eh. Alam ko naman yon, pero ang masakit lang nahulog ang loob ko kay Raeon. Hulog na hulog." Malungkot kong pag amin

"Hindi ba dapat masaya ka?" Tanong nito sa akin

"Ewan ko, masaya ako pero may parte sa akin na hindi masaya dahil alam ng puso ko na hindi ako gusto ni Raeon" Sagot ko rito at saka bumuntong hininga

Hindi na ito nagsalita pa at lumipat sa unan ko at doon ito natulog. Napahiga naman ako at napatitig sa kisame. Ano nang gagawin ko?

"Sis kain na" Narinig kong tawag sa akin ni Cylome

Tinatamad akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumiretso sa kusina para kumain habang dala dala ko naman si Scaeon. At nang makarating ako sa kusina tahimik kong pinakain si Scaeon ng sarili niyang catfood.

Lahat sila ay tahimik at mukhang walang may balak magsalita kahit isa. Kaya hinayaan ko na lang sila at mabilis na tinapos ang pagkain.

At nang matapos ako ay dumiretso agad ako sa batis at umupo sa gilid noon habang pinapanood ang paglalaro ng mga alitaptap. Maya maya pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at alam na alam ko kung sino iyon

"Patawarin mo ako Scarlette dahil sa pagsisinungaling ko sa'yo" pag uumpisa nito

Nanatili naman akong nanahimik at pinakinggan ang mga susunod pa nitong sinabi.

"Nais lamang kitang iligtas, hindi ko naman ginustong saktan ka." Pagpapaliwanag nito

"Naiintindihan ko ang intensyon mo. Pero tapos na ang lahat, maging ang ating pagpapanggap" paglilinaw ko rito

"Hindi!" Sigaw nito sa akin

"Hindi ako papayag sa gusto mo. Hindi mo ba nararamdaman?" Tanong nito sa akin

"Nararamdaman ang ano?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Wala, matulog ka na." Malamig na sagot nito. Ewan ko napaka bipolar naman nang lalaking ito. Tumayo na ako at akmang aalis na nang pigilan nito ang kamay ko. At tumayo ito.

"Hayaan mo akong patunayan ang sarili ko sa'yo." Mahinang saad nito na rinig na rinig ko naman.

*******

Maaga akong nagising at inihanda ang aking sarili. Sarili lang namin ang dapat na dalhin. Matapos kong mag ayos ay binuhat ko naman si Scaeon at isinama ko sa labas kung saan naghihintay na ang ang lahat dahil bago maglakbay ay dadaan na muna kami sa empress. At dahil kumpleto na kami ay agad kaming nagtungo sa empress.

Nang makarating kami sa hardin ay naroroon ang empress at mayroon ding bukas na portal na naghihintay roon.

"Magandang umaga! Handa na ba kayo?" Masayang tanong nito sa amin

Agad naman kaming nagsitanguan bilang tugon

"Mayroon muna akong mga paalala sa inyo. Una, ang portal na ito ang magiging lagusan niyo papunta sa bayan kung saan naroroon ang isa sa mga kapiraso ng Diyamante. Pangalawa, kayo ang may kakayahang malaman kung para kanino ba ang pagsubok na ito. Isa lang ang maaring humarap sa nasabing pagsubok at hindi niyo siya maaring tulungan at panghuli, mag iingat kayo dahil ang mga lugar na pupuntahan niyo ay puno nang mapanlinlang, Ganid at kung ano pang katangian ng tao na maaring ikapahamak ninyo. Maging masaya sana ang paglalakbay ninyo" Paliwanag ng empress

Lumapit naman ako sa kaniya upang iabot ang iiwanan kong si Scaeon.

"Mag iingat kayo mahal na prinsesa, ikaw lang ang may kakayahang protektahan sila habang hindi pa buo ang mga Dyamanteng hawak nila" paalala sa akin ni empres

Agad akong tumango at isa  isa namang nagsipasukan ang mga kasamahan ko sa loob ng portal na naroroon at agad naman akong sumunod.

Tumapak ang mga paa ko sa lugar na puno nang maliliit na mga kubo. Marami ring mga bata ang naglalaro rito. At nang inilibot ko ang aking mga mata ay agad kong napansin ang malawak na taniman ng mga bulaklak at iba't ibang uri ng mga halaman. At nang humangin ng malakas ay agad kong naamoy ang mabangong simoy ng mga bulaklak na naroon. Mukhang may koneksyon ang pagsubok sa kaibigan kong si Cylome at nang lingonin ko ito ay mukhang naestatwa ito sa kanyang kinatatayuan.

**********
Author's Note:
Hi guys, pasingit lang po. Nais ko lang pong ipaalam na ang mga susunod na chapter ay nasa POINT OF VIEW ng mga kaibigan ng ating prinsesa. Since sila ang sasabak sa laban. And I hope you guys enjoy reading this story! Malapit na ang unang pasabog ng kwentong ito. Keep on reading and enjoy !!

ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon