Lauryn
Pagka-tapos na pagka-tapos ng practice namin ay napa hilata talaga ako sa sahig. Alam kong bawal iyon pero nakaka pagod talaga.
" Lauryn! Wag kang humiga! "- Saway sakin ni Tristan at nilapitan pa ako.
Wala naman akong nagawa kundi ang umupo at ngumuso.
" haha ang cute mo "- natatawang sabi nya sakin at ginulo pa ang buhok ko.
" Tristan "- napa angat kami pareho ng tingin sa nag salita at agad na napa iwas ako ng tingin.
" tara na "- sabi ni Venz.
" mamaya na ako, ang dami pa nilang nag bibihis dun "- sagot naman nya at umupo sa tabi ko.
Wala akong narinig na sinabi pa ni Venz at naiwan kami ni Tristan sa room.
" uuwi ka na ba after? "- tanong ni Tristan at binuksan ang isang bote ng tubig at inabot ito sakin.
" salamat "- pasasalamat ko at kinuha sa kanya ang bote.
" kailangan ko ng umuwi, baka kasi iniintay na ako ni mama "- sagot ko naman sa kanya at uminom ng tubig na binigay nya sakin.
" mama's girl ka talaga ano? "- natatawang sabi nya at uminom ng tubig.
" oo, love na love ko si mama "- natatawang sagot ko naman sa kanya.
" Tristan, tara na "- nahinto ako sa pag tawa nang pumasok ulit si Venz sa room.
" Tristan, aalis na kami "- sabi naman ni Mark, isa sa mga kasama namin sa sayaw.
" oy ingat kayo "- sabi ni Tristan at tumayo na.
Nilingon nya ako and extended his hands. Tinanggap ko naman ito at tinulungan nya akong maka-tayo.
" ingat kayo "- naka ngiting paalam ko sa kanila at nag wave pa ng kamay.
" ingat din kayo! Lalo ka na Lauryn, madilim na ang daan "- sabi naman ni Jaehyun at kumaway din.
Nginitian ko lang sila at kumaway na ulit.
Umalis na sila kaya kinuha ko na ang bag ko. Naka tayo naman si Tristan sa may pinto at iniintay ako.
" mag bibihis ka pa ba? "- tanong nya sakin nang maka lapit ako sa kanya.
Pinatay na nya ang ilaw sa at inilock na ang pinto.
" hindi na siguro. Sa bahay na ako mag bibihis at mag lilinis ng katawan "- sagot ko naman habang iniikot ang balikat.
Uwing-uwi na talaga ako at nag pahinga lang ako saglit.
" ganun ba? Antayin mo na ako, saglit lang naman ako kasi mag papalit lang ako ng t-shirt "- sabi ni Tristan at huminto sa tapat ng cr.
" ihahatid na kita sa inyo- "- hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang biglang sumabat si Venz.
" kaya na nya umuwi. May pupuntahan pa tayo eh "- ani ni Venz.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapa-irap dahil sa sinabi nya.
" thank you nalang Tristan, kaya ko naman eh. Mukha kasing importante yung lakad nyo "- naka ngiting ani ko sa kanya at akmang aalis nang pigilan nya ako.
" no. Gabi na, babae ka. Delikado "- seryosong ani nya at tinignan si Venz.
" mauna ka na, susunod nalang ako "- sabi nya.
I heard Venz tsked at umalis na.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko at tinignan si Tristan.
" sa tingin ko mag papalit narin ako ng damit "- natatawang sabi ko sa kanya.
He chuckled a bit before letting my hand go at pumasok na sa cr. Agad naman akong pumasok sa kabilang cr at nag palit ng t-shirt.
Medyo nag tagal ako sa cr at nang pag labas ko ay andun na din si Tristan.
" tara? "- pag yaya nya sakin at sabay kaming nag lakad palabas ng school.
" malayo ba ang bahay nyo? "- tanong nya habang nag lalakad kami.
Well hindi pa naman ganun ka-dilim ang daan. May mga tao parin na nag lalakad kasi almost 8 palang.
" hmm malayo na ba para sayo ang 15 minutes na lakaran? "- natatawang sagot ko sa kanya.
" malapit "- natatawang sagot nya at kumaliwa kami.
" wag kang mag lalakad sa madidilim na daan ng ikaw lang mag-isa "- pag babanta nya sakin nang lumiko kami sa madilim na alley at walang masyadong tao.
" opo boss "- natatawang sagot ko sa kanya at maya-maya lang ay nasa labas na kami ng alley at maliwanag na ulit at marami ng tao.
" ang sabi sakin ni mama susunduin nya daw ako dito. Gusto mo ba ng ice cream? My treat! "- ani ko nang matapat kami sa isang convenient store.
" sure "- sabi nya at binuksan ang pintuan para sakin at pumasok kami.
Agad naman kaming kumuha ng ice cream na gusto namin at binayaran ko.
Napa tingin ako sa salamin at nakita ang mama ko na naka tayo.
" andito na si mama. Salamat sa pag hatid sakin ah? Ingat ka! "- paalam ko sa kanya at lumabas ng store at niyakap ang mama ko.
Agad din kaming umalis ni mama at lumingon ako sa convenient store at nakitang lumabas si Tristan at tinignan kami.
Nginitian ko sya at kumaway at ganun din ang ginawa nya at nag lakad na paalis.
BINABASA MO ANG
trust issues
Short Story"wala na akong tiwala sayo" 『seulgi ft. jimin an online lovestory pa-fall book 2』 narration•chat ©jimlist for the cover highest rank; #25 in short story