Lauryn
I was currently chopping onions and some potatoes when the door flung open and Venz came in.
" Lauryn "- tawag nya sa pangalan ko at dali-daling lumapit sakin.
" okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat? "- tanong ni Venz nang maka-lapit sya saakin at inilagay ang kamay sa noo at leeg ko.
" okay na ako "- simpleng sagot ko sa kanya.
Tinignan nya ang wristwatch nya.
" medyo mainit ka pa. Inom ka na ulit ng gamot "- sabi nya at ipinatong sa lamesa ang dala nyang plastic at binuksan ang ref.
Kumuha sya ng tubig para sakin at iniabot ito saakin.
Agad ko namang ininom ang tubig at gamot na inabot nya saakin at itinuloy na ang niluluto.
" tutulungan na kita "- sabi ni Venz at tumabi saakin.
" ako na dyan "- sabi nya at kinuha ang kutsilyo sakin.
Sya na ang nag hiwa ng mga ilalagay sa iluluto ko, ako naman ang nag bantay ng baboy na pinapalambot.
" naiinitan ka ba? "- tanong nya sakin na busy sa pag luluto.
" medyo. Pwedeng patali yung buhok ko? "- tanong ko dahil naka ladlad kasi ang buhok ko at naiinitan ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa nag luluto ako o dahil nilalagnat ako.
Agad naman syang kumuha ng pang-ipit at sya ang nag tali ng buhok ko.
Busy sya sa pag tatali ng buhok ko nang biglang may mag flash kaya pareho kaming napa lingon kung saan galing iyon.
" be! Bakit naman may flash? "- tanong ng mama ni Venz sa mama kong may hawak ng phone na naka tapat saamin.
Wow, kelan pa sila naging close?
" sorry be, na-excite ako eh "- natatawang ani naman ni mama at ibinalik na ang phone sa bulsa.
" kamusta na? May sakit pa ba kayo? "- sabay na tanong ng mama ko at mama ni Venz.
Nagka-tinginan sila at nag highfive bago lumapit samin.
" magaling na Venzoy ko~ "- sabi ng mama ni Venz habang yakap yakap sya nito na parang bata.
" ma! Nakakahiya! "- asik na bulong nya sa mama nya.
Hindi ko naman napigilan ang sarili na matawa.
" parang amoy sunog? "- ani ni mama at nanlaki ang mata ko.
Agad kong pinatay ang naka salang na sinaing.
" omg be, mag-asawang mag-asawa ang set up "- bulong ng mama ni Venz kay mama at nag apir sila ng palihim.
Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito?
" nag luluto ba kayo ng dinner? "- naka ngiting tanong ng mama ni Venz saamin.
" opo "- magalang na sagot ko at tumango naman sila ni mama.
" malapit naman na po ito matapos. Gutom na po ba kayo? "- magalang na tanong ko.
" medyo anak. Pero kaya mo na ba? Medyo sinisinat ka pa "- nag-aalalang tanong ni mama saakin.
I smiled at her at tumango.
" osya, bilisan nyo na dyan nang maka-kain na tayo. Venz, tulungan mo si Lauryn "- ani ng mama ni Venz at umalis sila ni mama sa kusina.
" kelan pa naging close ang magulang natin? "- tanong ni Venz.
Simpleng kibit balikat lang ang isinagot ko at pinagpa-tuloy na ang pag luluto.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kaming mag luto at kasalukuyang kumakain.
Magka-tabi kami ni Venz at nasa harap namin ang mga magulang namin.
Tinignan ni mama ang mama ni Venz kaya napa taas ang kilay ko.
" Vien, i think kailangan na nating sabihin sa kanila. Kailangan na nilang malaman "- panimula ni mama.
" anong kailangan namin malaman? "- kunot noong tanong ni Venz.
Inilapag ng mama ni Venz ang kutsara at tinidor nya bago nya kami tinignan ng deretso.
" i'm sorry pero... "- panimula ng mama ni Venz at hinawakan ang kamay naming dalawa na nasa lamesa.
" naka-arrange marriage kayong dalawa "- seryosong sabi ng mama ni Venz na nakapagpa-laglag ng panga ko.
What the fucking hell?
BINABASA MO ANG
trust issues
Short Story"wala na akong tiwala sayo" 『seulgi ft. jimin an online lovestory pa-fall book 2』 narration•chat ©jimlist for the cover highest rank; #25 in short story