Lauryn
Ibinagsak ko ang phone sa kama at tinitigan ang kisame panandalian.
May sakit kaya talaga si Venz? Of all people, sa dami ng nilandi at fling nya bakit ako pa!?
I groaned at gumulung-gulong sa kama hanggang sa napa hinto ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad si mama.
" Lauryn, anak. Anong ginagawa mo? "- kunot-noong sabi ng mama ko.
" ma... May sakit daw si Venz, kailangan ko siyang alagaan pakisuyo ng mama nya "- nakayukong sabi ko kay mama.
" osige anak, kung kailangan mo alagaan si Venz pumunta ka na doon. Magluluto lang ako ng soup para sa kanya. "- naka ngiting sabi ni mama saakin bago nya isinara ang pintuan.
Bumuntong hininga nalang ako at tumayo na at nag ayos ng sarili.
My mom doesn't know a thing about what happened between me and Venz. Minsan nga nag tataka sya kasi bakit hindi na si Venz ang kasama ko, bakit si Tristan na daw at bakit hindi na pumupunta dito si Venz.
Wala naman akong maisagot dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yun o hindi.
Nang matapos na akong ayusin ang sarili ko, agad akong bumaba at naabutan si mama sa kusina nag-aayos ng dadalhin para kay Venz.
" ito ang soup anak, atsaka may gamot na din dyan para kay Venz. Hanggang anong oras ka ba doon? "- ani ni mama saakin habang ibinibigay ang mga dadalhin para kay Venz.
" hindi ko lang alam ma, baka hanggang sa maka-uwi ang mama ni Venz "- simpleng sagot ko kay mama.
" osya, mag-ingat ka sa daan. Alagaan mo ng mabuti si Venz "- paalala saakin ni mama habang hinahatid nya ako palabas ng bahay.
I waved her goodbye before turning my heels and starts walking.
I'd been in Venz' house one time, tanda ko parin naman ang daan.
After a few turns ay nasa tapat na ako ng bahay nila. Ang sabi naman saakin ng mama nya, eh pumasok na daw ako. Ofcourse before i enter the main door eh kumatok muna ako.
" Lauryn, iha? "- bungad saakin ng isang babae na naka corporate attire which i assume Venz' mom.
" good morning po "- nahihiyang bati ko sa ina ni Venz.
" pasok iha "- naka ngiting sabi nya saakin at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.
" pasensya na sa abala iha ah? Wala lang kasi talaga akong mapagkakatiwalaang alagaan si Venz. Since girlfriend ka nya, ikaw na ang pinakiusapan ko "- ani ng mama nya saakin habang paakyat kami ng hagdan.
Muntik pa nga akong masubsob nang sabihin nya na girlfriend ako ni Venz. Well, muntik na maging kami.
" o-okay lang po "- nahihiya na sagot ko.
" ito ang kwarto nya "- ani ng mama nya at binuksan ang kwarto ni Venz.
" pasensya na, makalat "- bulong saakin ng mama nya.
Well uhm, shirts and shorts on the floor. Typical guy's room.
" iha, kailangan ko na talagang umalis. Ikaw na ang bahala sa anak ko ah? "- nag mamadaling sabi ng mama ni Venz at kinuha ang shoulder bag nya sa isang upuan.
" wag nyo munang gagawin ah. Bukod sa may sakit si Venz, ayaw ko pang maging lola hehe. Bye! "- paalam ng mama nya at kumaripas ng lakad pababa.
Napa-nganga naman ako sa sinabi ng mama ni Venz at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
I took a deep breath at tinignan ang may sakit na si Venz. Akmang lalapit na ako sa kanya nang mapansin ko ang isang bagay...
He's not wearing any shirt.
BINABASA MO ANG
trust issues
Short Story"wala na akong tiwala sayo" 『seulgi ft. jimin an online lovestory pa-fall book 2』 narration•chat ©jimlist for the cover highest rank; #25 in short story