She's the Boss

123K 1.5K 61
                                    

Her POV

*riiiiiiiiiiiiing*

Nag-uunahang tumakbo papasok ng mga classroom ang estudyanteng nakatambay sa corridor. Hudyat na kasi na magsisimula na ang klase. Nanatili lang ako dito sa kinaroroonan ko. Wala akong planong pumasok sa klase.

Kumuha ako ng panyo tsaka ipinantaklob sa mukha ko. Matutulog muna ako.

"MS. RICAFORT! BUMABA KA DIYAN!" Tss. Kainis naman. Wala pa nga akong limang segundong tulog dumating na tong epal na to.

"Walang pakialamanan ng buhay Santillan. Kaya kung pwede lang, lumayas ka sa harap ko bago pa kita magulpi."

"Ms. Ricafort. With all due respect, wala ako sa harap mo. Nasa baba mo ko. Pangalawa, nagcucutting class ka. Kung nagbabasa ka ng handbook, malamang alam mo na yun." Santillan

Tumalon ako mula sa puno at tsaka hinarap si Santillan. Itong lalakeng to lang talaga ang tinik sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit pinag-iinitan ako nito.

"Santillan, hindi talaga kita maintindihan. Ang dami daming estudyante sa eskwelahang ito pero ako pa rin ang pinag-iinitan mo. Hindi lang ako ang lumalabag sa batas ng eskwelahan pero ako lang talaga ang napupuna mo. Nagpapapansin ka ba? Kasi kung oo, napansin na kita. Happy now?" Naiinis na talaga ako sa kanya. Napakapakialamero kasi.

Naglalakad na ako palayo sa kanya nang magsalita ito. "For your information Athena Ricafort, ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang Student Council President. Now, if you are not happy with that, I don't care. Maiwan na kita." Tsaka siya umalis sa kinaroroonan niya.

Tss. Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha ng lalakeng yun. Akala mo kung sinong makaasta.














His POV

Sakit sa ulo talaga yung transferee na yun. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala na siyang ginawa kundi ang magpasaway, manggulo at magwala sa eskwelahang ito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi makick out kick out tong babaeng to. She's a shame to our school.

"Pres, mukhang problemado ka na naman ah." Harvey

"Tss. As usual."

"Si Ricafort na naman? Pre, sabi naman kasi sayong wag mo na lang papansinin yung si Ricafort. Araw-araw na lang kung mag-away kayo." Harvey

"Parang may magagawa ako patungkol diyan. Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin. Sumusuway siya. Tungkulin kong suwayin siya."

Ako ang presidente ng student council ng eskwelahan namin. Isang pribado at desenteng eskwelahan ang paaralan namin noon kung hindi dahil sa pagdating ng Ricafort na yun na wala ng ginawa kundi ang guluhin ang paaralan namin at sumuway sa mga patakaran ng paaralan.

Nakakasawa na nga siyang sitahin kung tutuusin. Sisitahin mo siya ngayon, lalabag siya bukas tapos sisitahin na naman. Araw araw na lang ganyan.

Pumasok ako sa office ko at tsaka tinignan ang profile niya. Athena Ricafort has a gothic style. Itim na lipstick. Makapal na eyeliner. Minsan nga nasasabihan siyang mangkukulam. Mukha naman siyang walang pakialam. Wala din siyang kaibigan. Sino nga ba kasing maglalakas loob na makipagkaibigan sa kanya?

Napapailing ako sa class card niya. Puro palakol. Sa tingin ko hindi siya bobo. Sadyang tamad lang. Sa paraan kasi ng pagiging arogante niya, may ibubuga siya. Yung tipo ng babaeng nagsasabing "mayabang ako dahil may maipagyayabang ako" which I proved right.

She is the only daughter of the owner of the number one mall in the Philippines. The only heir. Minsan iniisip ko kung paano ipagkakatiwala ng mga investors ng company nila ang pamamahala sa buong kompanya nila sa mga grades ni Athena. Kung ako ang investor, ipupull off ko na lahat ng shares namin.

Umalis na ako sa office tsaka naglakad papunta sa classroom namin. Papasok na sana ako ng mapansin ko na naman si Ricafort sa corridor. Napapailing na lang ako.

Nilampasan ko yung classroom namin at tsaka lumapit kay Ricafort. Magsasalita na sana ako ng marinig kong may isa pang nagsalita.

"Athena, minamaliit mo ba talaga ako? Baka nakakalimutan mo kung sinong kaharap mo?" Si Ynares yun. Isa sa mga misteryosong estudyante dito. Leader ng gangster tong si Ynares at marami ng nabugbog na estudyante dito.

"Wala akong pakialam kung sino ka." Nababaliw na ba talaga tong babaeng to?! Talagang si Ynares pa ang kinalaban niya?

Naglakad si Ricafort at nilagpasan si Ynares. Hinatak siya ni Ynares para pigilan.

"Bastos ka ah!"

*PAK*

O__O

Bago pa man siya puruhan ni Ynares. Sinampal na ni Ricafort si Ynares. Pulang-pula ang pisngi ni Ynares. Sigurado akong masakit yun! Hindi ko nanaising dumapo ang kamay ni Ricafort sa mukha ko. May kamay na bakal pala ang babaeng yun. Nakakatakot.

"Wala kang karapatang hawakan ako." Nanlilisik ang mata niyang nakatingin kay Ynares. Automatikong napabitaw si Ynares kay Ricafort saka umalis sa lugar si Ricafort at nagtungo sa kung saan.

What the hell did just happened?






She's the Boss

© zynxie_yumi / Elle F.

2014 All Rights Reserved

No part may be reproduced, copied, scanned, stored in a retrieval system, recorded or transmitted, in any form or by any means, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales is entirely coincidental.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon