Ikatatlumpu't Dalawang Kabanata

31.4K 611 15
                                    

Andrew's POV

Pinapainit ng mga gagong yun ang ulo ko.

"Ano? Nagawa mo na ba?"

"Tapos na sir. Mabilis po silang nagtakbuhan." Isa sa mga bodyguard ni Athena.

"Good."

Binaba ko na ang tawag at tsaka sumandal sa swivel chair ng opisina ko dito sa Kuala Lumpur.

Tama kayo ng basa. Wala ako sa Pilipinas. Palipat-lipat lang ako ng bansang pinupuntahan.

"Gary, ano ng nalaman mo kay Buenavista?"

"Sir, bigla na lang nawala si Buenavista. Walang nakakaalam kung nasaan siya." Gary

Ilang linggo ko na pinapahanap yung Buenavista. Hindi ko siya makita-kita kahit na hinalughog ko na ang buong Pilipinas.

"Sir, kailan po kayo babalik ng Pilipinas?" Gary

"Bakit? Namimiss mo na ba ang pamilya mo?"

Napakamot sa ulo si Gary. Alam ko na ang sagot niya. Napangisi na lang ako.

"Bakit ikaw sir? Hindi mo ba namimiss si Mam Athena?" Gary

"Namimiss ko siya. Sobra. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para bumalik ako."

Tinitigan ko ang picture ni Athena na nakalagay sa desk ko.

"Eh sir, kailan po ang tamang panahon para bumalik kayo? Kapag may iba na at naagaw na si Mam Athena sa inyo?" Gary

Tiwala naman ako kay Athena. Alam kong maiintindihan niya kung bakit umalis ako.

"Kapag naayos ko na ang lahat."

"Sir, si Buenavista na lang naman ang problema mo." Gary

Tama siya. Si Ynares nasolusyunan ko na. Nadaan sa mga nahukay kong impormasyon.

Si Hernandez ang pinakanakakagulat. Magtutungo sana ako sa bahay nila sa Pilipinas tatlong linggo na ang nakakaraan ng malaman kong namatay na pala ito. May colon cancer na pala siya dati pa pero dahil matigas daw ang ulo nito, hindi daw ito nagpagamot. Lumala ng lumala ang sakit niya hanggang sa binawian ito ng buhay.

Si Buenavista naman ay nawawala. Wala daw nakakaalam kung nasaan siya. Sinubukan naming magtanong-tanong sa mga nakakakilala sa kanya pero wala ring may alam kung nasaan siya.

Pinatanong ko kung umalis siya ng bansa pero sabi ng investigator na nahire ko, hindi daw siya lumabas ng bansa.

"Panahon na nga ba para umuwi na ako?"

"Sir, tsaka niyo na lang harapin si Buenavista kapag nagpakita na siya. Isang buwan ka na pong hindi nagpapakita kay Mam Athena. Maski tawag o text hindi niyo ginawa sa loob ng isang buwan. Madalas sa mga guards ni mam kayo nakikibalita." Gary

Tama lahat ng sinabi niya. Hindi ako nagparamdam kay Athena sa loob ng isang buwan.

"Isa pa sir, ang isang bagay na pilit na hinahanap, mas lalong hindi nagpapakita. Ang hindi hinahanap, lumilitaw ng kusa." Gary

Huminga ako ng malalim bago nagdesisyon.

"Magpabook ka na ngayon ng flight pabalik ng Pilipinas."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Gary. Ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Yes sir." Gary

Lumabas na siya ng opisina ko.

Sana lang may babalikan pa ako sa Pilipinas.

Sana ako pa rin Athena.

Hera's POV

"Tagay pa Athena!" Zeke

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon