Athena's POV
Kadarating lang namin dito sa mansyon sakto din namang kadarating lang ni Andrew. Nandito kami sa receiving area ng mansyon at prenteng nakaupo sa sofa.
Nagulat pa si Andrew ng madatnan kaming pito sa sala. Umupo siya sa tabi ko at tsaka sumandal sa sofa.
"What's with the welcoming committee?" Andrew
"Sira. Nag-uusap lang kami."
"Ahhh. Masakit na ang ulo ko Athena." Andrew
=___=
Tss. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya.
Humiga siya sa kandungan ko at tsaka tinakip ang braso sa mga mata niya.
Nakangisi namang tumitingin sa amin ang mga gems pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Drew. Drew." Inalog ko pa ang braso niya pero ayaw niyang gumising.
"Drew, lipat na tayo sa kwarto. Dun ka na matulog." bulong ko pa sa kanya.
"Hmmm." Andrew
Bumangon naman siya at tsaka tumayo. Nakaakbay siya sa akin para alalayan ko siya paakyat.
"Akyat na kami girls. Good night."
"Good night din sa inyong dalawa." Sapphire
Umakyat na kaming dalawa papuntang kwarto. Ang bigat-bigat ni Andrew! Kainis na lalake to!
Nang makarating kami sa kwarto, inihiga ko siya sa kama at tsaka tinanggal ang sapatos at medyas niya. Pagkatanggal ko nun, tumagilid siya at tuluyan ng natulog.
"Santillan. Sinabi naman kasing wag kang magpapakalasing." Iiling-iling na sabi ko.
Mukha na akong tanga dito na nagsasalita at nakikipag-usap sa tulog.
Kumuha ako ng towel at basin at nilagay ko sa kwarto. Inayos ko ng higa si Andrew at tsaka hinubaran ito.
>\\\\<
Bakit ba ako kinakabahan? Ilang beses na akong naghubad ng damit ng lalake pero bakit kinakabahan ako sa kanya?
Inisa-isa ko ang butones ng suot niyang polo. Nang matapos ako, tumambad sa akin ang katawan ni Andrew. Napakagat-labi ako sa nakikita ko.
Litaw na litaw ang hindi pa masyadong nadedevelop niyang abs. Anim! MAY ABS SIYA AT ANIM PA!
Huhubaran ko na sana siya ng polo pero ayaw niya bumangon. >_< Nakakaasar na ah!
"Andrew. Andrew. Gumising ka muna. Upo ka muna."
Agad naman itong sumunod at tsaka umupo pero sa gulat ko ay iniupo niya ako sa hita niya.
"Anong problema?"
Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Wala naman akong ginawa sa kanya pero bakit malungkot siya at nasasaktan?
Marahan itong umiling at tsaka isinandal ang ulo sa dibdib ko.
"Let's just stay this way. I like you being close to me. Ilang minuto ka lang nawala sa tabi ko kanina pero pakiramdam ko miss na miss kita." Andrew
Ang bilis ng tibok ng puso ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nalilito ako pero alam ko sa sarili kong masaya akong marinig ang mga yun mula sa kanya.
"Okey." Hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya para maramdaman niyang pinapagaan ko ang loob niya.
Mas lalo naman siyang nagsumiksik sa dibdib ko at pumikit. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang ayaw niya akong pakawalan.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionAndrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumalabag siya sa mga patakaran ng paaralan. Isang araw dahil sadyang pinaglalaruan sila ng tadhana, naka...