Ikaapatnapu't Siyam na Kabanata

26.3K 485 13
                                    

Athena's POV

Matapos ang kanta ni Andrew, minabuti ng mga teachers na magbigay muna ng lunch break. Hindi ko naman makakasama si Andrew dahil kasabay niya palaging maglunch yung mga officers ng SC.

"Best, sabay-sabay na tayo." Hera

Nasa likod niya ang mga gems at ang mga zodiacs.

"Okey. Hindi ko rin naman makakasabay si Andrew."

Ilang araw na lang at graduate na kami. Nakakatuwa lang maalala ang lahat ng alaala namin dahil dito kami nagsimula ni Andrew.

Isa siyang tinik sa lalamunan ko noon pero siya na ang nagpapatibok ng puso ko ngayon.

Mamimiss ko rin tong school. Mas lalong mamimiss ko si Andrew. Narinig ko kasi sa mga usap-usapan kanina na umoo na daw si Andrew regarding the scholarship sa California.

Nakakalungkot dahil hindi ko siya makakasama habang lumalaki ang baby namin pero hindi naman dapat matigil ang buhay dahil sa darating na ang anak namin.

We can still continue dreaming and making our dreams come true.

Mauuna nga lang ng konti si Andrew dahil buntis na nga ako ngayon pero pagkatapos kong manganak, pangarap ko naman ang aabutin ko.

Ang maging isang mabuting ina sa kanya.

Hinawakan ko ang tiyan ko at marahang hinaplos ito.

Baby, chill ka muna diyan ha? Wag mo masyadong pahirapan si mommy.

"Gutom na talaga Athena? Hinahaplos mo na yang sikmura mo eh." Taurus

Tumawa na lang ako bilang sagot. Ayokong magsalita baka may masabi pa ako.

"Excuse me po, ate may nagpapabigay po sa inyo."

Inabot ng batang estudyante ang isang nakatuping papel.

"Salamat."

Kinuha ko yung papel at binasa ang laman nito.

Nasa likod ako ng building. Punta ka dito dali.

A.S.

Hindi kay Andrew galing tong sulat. I know his penmanship. Hindi din siya gumagamit ng initials whenever he sends me notes. Madalas Drew o Dy ang nakalagay sa note kung sa kanya galing.

"Guys, punta lang ako sa likod ng building. Kapag hindi ako nakabalik within 15 minutes, puntahan niyo na ako doon. Malinaw ba?"

Hindi ko na sila hinintay na magsalita at nagpunta na ako sa likod ng building namin.

Hindi maganda ang kutob ko sa sulat at sa pagpunta doon pero kailangan kong malaman ang sadya ng taong nandoon. Malamang malaki ang galit sa akin ng taong nandun.

Alam kong set-up to pero hindi ako natatakot sa kanila. Hindi matatapos ang lahat ng ito kung hindi ko sila haharapin. Kailangan ng matapos ang lahat ng ito para sa anak namin ni Andrew.

Ayokong mabuhay ang anak namin ng kagaya ko. Natatakot para sa buhay niya. Gusto kong mabuhay siya ng normal kagaya ng ibang bata. Nakakapaglaro sa hapon, nakakapunta sa mga playground, nakakapagkaibigan sa mga kalaro niya. Gusto kong maranasan niya ang lahat ng yun ng hindi nangangamba.

Nang makarating ako sa likod ng building, nagulat ako sa dami ng mga lalakeng nakaabang sa akin. May mga hawak silang baseball bats.

Si Ynares? Akala ko ba nagbago na siya?

"Hello Mrs. Santillan!"

Nakarinig ako ng malademonyong tinig sa likod ko. Pagkalingon ko may mga lalake na ding may baseball bats.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon